Monday, October 25, 2010

Galaw ng tao kayang alamin ng computer




Isang computer ang naimbento na kayang tukuyin at basahin ang galaw ng isang tao at ito ngayon ang pinagsisipagan buoin ng mga dalubhasa ng European-funded Multimodal Interactions of and Observation of Users in a Controlled Environment (MIAUCE).

Kapag nabuo na ang computer, ito na ang magbabantay sa bawat sulok ng mga paliparan; isang computer na magmamatyag sa bawat kilos ng mga mamimili sa isang shopping mall at kikilala ng mga ugali ng mga tao,

Ito ang nais mangyari sa robot kaya gustong gawin ng MIAUCE ang proyekto, ayon kay Chaabane Djeraba, coordinator ng naturang proyekto.

Kahit nasa ilalim pa ng mga proseso upang subukan ang naturang teknolohiya, maingat naman ang grupo na ipaliwanag na ugali lamang ng tao ang nais nitong alamin upang mapangalagaan ang seguridad at hindi upang maapakan ang pribadong buhay ng isang indibidwal.

Napaka-sensitibo kasi ang computer na ito lubhang makikilala ang ugali ng tao sa pamamagitan lamang ng kinikilos, dagdag ni Djeraba.

Panatag naman ang MIAUCE na matatangap ng publiko ang naturang teknolohiya at dapat lamang na ipalawanag at ipaalam ng mabuti kung para saan ang computer. #30#

Isdang salmon mabisa vs katarata




Mabuting balita sa mga taong nais magkaroon ng malusog na mga mata. Kamakailan, natuklasan kasi ng mga siyentipiko na sa pamamagitan ng pagkain ng isdang salmon, makakaiwas sa sakit na katarata.

Taglay kasi ng isdang Salmon ang histindine, isang nutrient na nagpapatatag sa mga mata ng tao upang maiwasan ang mapinsalang katarata o ang pagputi ng eyeballs, ani Dr. Jeremy Rhodes, ng Norwich Eye Research group, isa sa pangunahing may-akda ng pag-aaral.

Ang nutrisyon na histindine ang nagpapalakas sa mga isdang salmon upang makayanan ang stress o pagkahapo, tulad ng isang bitaminang nagpapalakas ng katawan ng tao.

Sinang-ayunan naman ng mga lupon ng mga dalubhasa, kabilang dito ang University of East Anglia ’s Norwich Eye research group, National Institute of Nutrition and Seafood Research at Biomar Ltd sa Scotland .

Noong 1990’s, lumalabas sa datos ng mga doktor kapag nawawala ang pagkain ng mga isdang salmon, lalong dumarami ang bilang ng nagkakasakit ng katarata. #30#

Pinakamatandang galaxy sa universe natagpuan




Natagpuan ng mga astronomer ang pinaniniwalaan pinakamatandang galaxy sa buong daigdig na umaabot sa 13.1 bilyon ang maaaring edad.

Ang naturang galaxy na nadiskubre ay napakantanda at bata pa ang buong sansinukub ng nabuo, ayon kay Matthew Lehnert, pangunahing may-akda ng pagkatuklas.

Sa pamamagitan ng tulong ng Hubble Space Telescope, nasilip ang nagtatagong galaxy sa malawak na kalawakan at matapos nakuhanan ng larawan, masusing pag-aralan ito.

Batay sa datos na nakalap, binata pa ang santinkapan ng mabuo ang matandang galaxy na hanggang sa ngayon ay hindi pa napapangalanan.

Napag-alaman ng mga astronomer na kakapirangot lang ang carbon at metal ang nasuri kung kayat ibinatay sa matandang galaxy tulad ng mga bituin.

Masusing pinag-aaralan pa rin ang galaxy at naging panatag naman ang lon ng mga nakadiskubre na ito na ang pinakamatandang galaxy sa mundo na natagpuan. #30#

Saturday, October 23, 2010

"Think of all the beauty still left around you and be happy." - Anne Frank

#27 Ang Pananakop Noong 1760 at ang Resulta w/ Eric Estrada Jr.



Ang pananakop noong 1760 ay naging dahilan upang magkaroon ng 70-taong kalat-kalat na digmaan sa pagitan ng Britanya at Pransiya. Ang pangunahing kolonya ng Pransiya sa Hilagang Amerika ay ang New France, na umaabot ang lawak mula Gulf of St. Lawrence hanggang lambak ng Mississippi upang mapigilan lumalawig ng mga kolonya ng Britanya sa kahabaan ng dagat Atlantiko. Ang mga kolonya ng Britanya ay mas sikat at mas mayaman kaysa New France . Ang pinakamahalagang depensa ng kolonya ng Pransiya ay mga daang-daang kilometrong gubat sa kahabaan ng kanyang hangganan at mga kakamping Indyan na akot at higit na galit sa Pransiya.

Ang kahinaan ng hukbo ng New France ay dagat. Malakas ang nabal ng Britanya kaysa Pransiya at madaling putulin ang mga komunikasyon, mga supply o reinforcements, na manggagaling sa Pransiya. Nang pumutok ang digmaan noong 1750, ito ang ginawa ng Britanya, bagama’t ilang taon ang ginugol upang itatag ang sariling hukbo sa Hilagang Amerika at nakahanap pa ng mga magagaling na heneral upang pamunuan ang kanyang mga hukbo. Dahil naputol na pagkakaibigan ng mga Indyan sa Pransiya, isa ring naging dahilan upang sapitin ang naging kapalaran ng New France .

Noong 1759, isang batang heneral ng Britanya, na si James Wolf, ang nagdala ng hukbo sa Quebec , ang kabisera ng New France . Pagkatapos ng dalawang buwang paglusob, natalo ang Pransiya sa “ Plains of Abraham ,” na labas lamang ng lungsod. Sumuko ang Quebec at sa sumunod na taon, nilusob ang mga hukbo ng Britanya ang mga natitirang sundalo ng Pransiya. Napilitan sumuko ang Pransiya noong Sep. 8, 1760. Dahil madaling pagkapanalo ng Britanya, nagawang hikayatin ang Pransiya na isuko ang Canada sa Britanya at pagsapit ng 1763 pormal nang nagkaroon ng kapayapaan.

Ang Pranses sa Canada na tinawag ang sarili bilang “Canadiens” ay opisyal na hiwalay sa Pransiya at dati nang magkaiba ang rehiyon at pagkalipas ng mga panahon habang ang kasaysayan ng Pransiya ay naiba sa Canada . Ang rebolusyon sa Pransiya noong 1789, na nagpalayas sa monarkiya ng Pransiya, ay inalis ang mga karapatan ng Simbahan Katolika. Ang mga Canadien ay may hari pa rin, kahit galing sa isang Ingles at Protestante, at naging mabisa ang Simbahang Katolika bilang relihiyon ng estado at kahit nagtataglay ng “feudal system” na tinawag na “seigneurs.” At sa sumunod na 200 taon, nakitaan ang mas lumang bersyon ng Pransiya at pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay lalo pang tumindi.

Nagkaroon sa mga Ingles ng nagsasalita ng wikang Pranses na mga Katoliko at pinangalanan ang kanilang probinsiya ng Quebec . Nangako ang Britanya na magkaroon ng pahitulot sa mga ibang relihiyon sa mga mamamayan at pinayagan panatilihin ang kanilang civil law, at hindi naki-alam sa paggamit sa wikang Pranses. Sa parehong panahon, dumating ang mga nagsasalita ng Ingles at nanirahan sa lungsod ng Quebec at Montreal ang nagkaroon na ng dalawang grupo at nagkasundong na magkaroon ng “workable and compromise” sa kanilang maakaibang salita.

Ang naging pangunahin salita sa pangangalakal ay Ingles. Napatakbo ang pamahalaan ng dalawang wika, lalo na pagkatapos magkaroon ang halalan sa lehislatura noong 1791, habang nanatiling matatag ang Simbahang Katolika sa Pransiya.

Maraming French-Canadians ang nakapag-asawa ng mga Ingles, at minsan, ang kanilang ninuno na apelyido ay Burns, Blackburn o Johnson, dahil noong ika-20th siglo, ang mga itong apelyido ay mga pulitikong tumitiwalag sa Quebec .

Tama lang ang pananakop noong 1760 dahil napigilan ang posibleng pagkakaroon ng mga mamamayang nagsasalita ng Pranses sa buong St. Lawrence at sapilitan ang mga French-Canadian na manirahan sa English Quebec at Canada na maging “bilingual.” Ngunit, ang pagkapanalo ng Britanya noong 1760 ay prinotektahan ang Pransiya, kahit pinababa ang kahalagahan ng kanyang wika, nariyan pa rin ang halos 7 milyong katao na nagsasalita ng Pranses sa Canada . #30#

#26 Canada Nabuo ng mga Dayo




Sa isang pampublikong paaralan sa Toronto umaabot sa 1,913 estudyante na may iba’t-ibang lahi, tulad ng Thorncliffe Park Public School sa Toronto, umabot sa 54 na wika na binibigkas dito. Kaya, kilala ang Canada na isang bansang puno ng mga sari-saring lahi o nasyon ng mga dayo.

Ang unang mga dayuhan dito ay mga Pranses. Ngunit, sinundan ng mga Amerikanong kumampi sa Britanya sa kasagsagan ng rebolusyon sa Amerika noong 1780’s. Ang mga Ingles ay nagpuntahan sa Nova Scotia , New Brunswick , Ontario at Quebec . Karamihan ay ang mga sundalong sumuporta kay King George III at Britanya. May napasama din mga Germans, Dutch at mga malayang Aprikano. Ito ang bumuo ng Canada sa loob ng 200 taon.

Sa 1941 census, 11.5 milyon tao ang populasyon ng Canada, 50% dito ay mga Briton at 30% naman ay mga Pranses. Ang natitirang 20% ay pinaghati-hatian na ng mga German, Ukrainian, Scandinavian at Ducth. Nakitaan na rin ng mga Tsino, Hapon at Asyano mula sa timog ang mga lupain ng Canada . Mas marami ang mga puti at kakaunti lamang ang mga Aprikanong mga dayo.

Halos lahat na mga Canadian noon ay Kristiyano, meron mga Hudyo ngunit nasa libo lamang ang bilang. Ang kultura at politikal na pag-iisip ay namana sa mga Briton. Samantala, ang mga Pranses sa Quebec ay walang naidagdag sa ekonomiya at sistemang politikal.

Hindi naalis ang malaking impluwensya ng mga Ingles sa paghubog ng bansang Canada . Sa batas halos parehas ang polisiyang ipinapatupad ng mga Briton. Ang Citizenship Act ng 1947, ay nakasaad ang paggaya ng Canada sa bansang Britanya mula sa monarkiya, watawat hanggang sa pagpapangalan ng mga sundalo. Naging mayorya ang mga Canadian na nagsasalita ng Ingles at kumunti ang mga nagsasalita ng wikang Pranses at iba pang mga lahi.

Ngunit, sa pagdaloy ng mga panahon nag-iba ang Canada . Sa 2006 census, nagkaroon ng 200 iba’t-ibang lahi ang naturang bansa sa 31 milyong taong naninirahan at 50% ang mga dayo. Ayon sa datos, 1.35 milyon ay Tsino, 960,000 ay mula East Indians at 436,000 ay mga Filipino. Marami parin ay mga Kristiyano at may 70%, 40% dito ay mga Katoliko at 30% ay mga Protestante. Ang natitirang 30% ay mga Muslim, Hudyo at mga walang kinikilalang relihiyon.

Sa Toronto, ang pinamalaking lungsod sa Canada, 5.1 milyon ang mga dayo, 27% ang itinaas sa loob lamang ng limang taon at 4 sa 10 o 43% ng populasypn ay mga minorya o mga Tsino, South Asian at mga Aprikano. Mga India at Tsino ang karamihan sa mga minorya. Lumalabas na 250,000 kada tao ang gustong maging isang Canadian dahil sa malaking oportunidad ang naghihintay sa kanila sa bansang ito.

Ang dating bansa na malakas ang racial discrimination ay naging bansang multi-nationalities. Ang kanyang Chief of Defence Staff ay isang Ukrainian. Ang Governor General ay isang Haitian. Isang Hudyo naman sa Supreme Court. Isang Jamaican-Chinese-Canadian na naging milyonaryo at marami pang ibang lahi na nagbigay ng karangalan sa bansang Canada .

Hindi maiaalis ang naging tulong ng mga dayuhang lahi sa kasaysayan ng Canada . Ngunit ang malaking tanong na maiiwan dadami pa ba ang mga dayo sa Canada . #30#

Monday, October 18, 2010

#25 Mga Nanirahan sa Canada – News France , Upper Canada at ang Prairies


Makalipas ang 50 taon matapos madiskubre ni Samuel de Champlain ang New France noong 1608, umaabot lamang sa 3,000 populasyon at ang ginagamit pangkalakal lang ang naturang lugar. Ang sinusunod na sistema ng gobyerno ay feudal seigneurial system, upang mabigyan kalayaan ang mga alila at ang mga katutubong Iroquois. Malaki ang naging parte ng New France sa madugong digmaan ng Europa. Di inakala na ang isa lamang teritoryo ng Pransiya noon ay magiging isa ng bansa, na tinatawag Canada ngayon.

Nagsimulang tirahan ito ng mga manggagawa at mangangalakal na galing Pransiya. Halos 10,000 mga dayuhan o manggagawang mula Pransiya ang nanirahan sa Canada . At noong 1760, matapos masakop ng Britanya, lumago ang populasyon sa 70,000 at nagkaroon na ng sariling pagkakakilanla sa kultura.

Nang Britanya na ang may hawak sa Canada bumuo ng sariling kampo sa Upper Canada o kalaunang tinawag na Ontario , upang tirahan ng mga tumatakas noong digmaan sa Amerika. Walong pung libong sundalong loyalista sa Britanya, kasama ang kanilang mga alilang itim at ang Iroquois ang pumuga sa Canada at namuhay doon ng mapayapa. Sa Lakes of Ontario at Erie nakakuha ng lupa upang magingtirahan.

Dumagsa pa ang mga Amerikanong natakot sa digmaan Amerika at Britanya, tumakas sila papuntang Canada , upang umiwas sa madugong away ng dalawang panig. Ang isang milyong mga dayo mula Britanya , Scotland at Ireland ay nagpuntahan din sa Canada upang magkaroon ng magandang buhay.

Ang unang ikinabubuhay ng mga nanirahan sa Canada ay ang pagkuha ng Potash o potassium carbonate, isang sangkap ng paggawa ng salamin at pangkinis ng mga tela. Noong 1850 lumago ang pag-ani ng arina at umabot sa kalahating milyon ang naging populasyon sa Upper Canada .

Tumaas ang pangagailangan ng arina at dumami ang pagtatanim, lalong dumagsa ang gustong mamuhay sa Canada . Ang Eastern Canada ay inukopahan ng mga North Americans na gustong magkaroon ng magandang buhay. Ang Ottawa naman ay nakilala sa pagiging “Last, Best West” dahil sa gandang mga tanawin.

Hindi lang mga Briton, Amerikano at Pranses ang mga taong namuhay sa naturang lugar. Meron pang ibang mga bansa ang nagpuntahan sa Canada . At noong 1914 dumagdag ang 150,000 Saskatchewan, 140,000 ng mga Germans, 144,000 Slavs at 78,000 Scandinavians. Dito nabuo ang mga taong naninirahan sa Canada . #30#

Thursday, October 14, 2010

Interactive Video Games nakapipinsala sa tao




Nakapipinsala daw sa katawan ng tao ang paglaro ng mga interactive gaming devices tulad ng Nintendo Wii, base sa pananaliksik na isinagawa ng American Academy of Pediatrics (AAP) sa National Conference and Exhibition ng San Francisco.

Sakit sa balikat, tuhod, paa at kamay ang idinudulot ng sobrang paglalaro ng Nintendo Wii games, ayon kay Patrick O’Toole MD, isa sa mga researcher.

Sa nakalap na datos mula sa National Electronic Injury Surveillance System, meron 696 video games ang mga nakapipinsala tulad ng interactive video games ang nailathala mula sa taong Enero 2004 hanggang Enero 2009.

Ang mga batang madalas nasasaktan ng mga interactive game ay karaniwan ay karaniwang nasa 16.5 ang edad ang mga nagkakaroon ng mga pinsala dulot ng mga interactive game tulad ng mga Nintendo Wii at dancing arcade game.

Pinayuhan naman na bantayan mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak tuwing sila ay naglalaro ng ganitong klaseng larong video lalo na ang mga edad ay 10-taon pababa, dahil mahina pa ang kanilang pangangatawan, dagdag ni O’Toole. #30#

Planetang katulad ng Mundo nadiskubre


Nanatiling hanggang ngayon ang malaking palaisipan sa mga astronomer ang isang planetang natuklasan dahil halos kahalintulad ito ng Daigdig at malaking posibilidad na may mga organismong namumuhay dito.

Halos parehas ang klima ng Mundo ang planetang nasa Goldilocks zone, 120 trillion years ang layo mula sa Solar System, at katamtaman lang ang lapit sa isang bituin na katulad ng Araw, ayon kay R. Paul Butler, mula sa Carniegie Institution of Washington.

Ngunit marami parin kailangan mapatunayan sa planetang Goldilocks, kung meron ngang nabubuhay na organismo na makikita ditto at hindi pa tukoy kung positibong meron tubig at hangin ang naturang planeta.

Mabagal din ang pag-ikot ng planeta, 37 days ang itinatagal upang makumpleto ang paggalaw mula sa bituin nito at kailangan parin mapag-aralan ng mabuti, puna ni Steven Vogt, ng University of Calfornia .

Tulad ng Mundo, malapit din ito sa kanyang Araw at 14 milyon milya ang layo lang nito. Sa Daigdig naman umaabot sa 93 milyon milya ang layo sa kanyang iniikutan Araw.

Nakita nina Vogt at Butler ang naturang planeta sa tulong ng isang ground based telescope nang pinag-aaralan nila bituin na Gliese 581 mula sa Goldilocks zone, kung saan, meron pumapalibot na planeta. #30#