Monday, November 22, 2010

‘Online class’ mabisa rin sa pag-aaral





Lumalabas sa isang pagsasaliksik na mabisa rin sa estudyante ang pag-aaral sa internet o ang tinatawag na “online class.”



Dahil sa nauuso na ang “online class” sa mga estudyante ng University of Nebraska, nagpalagay ng ilang mga mag-aaral ng “internet class” sa kanilang bahay upang kahit hindi na pumasok mismo sa kanilang paaralan.



Nagsagawa ng malawakang pag-aaral ni Robert Vavala, isang graduate student ng Agronomy, upang alamin kung may natutunan ang mga estudyante sa “online class.”



Lumabas sa pagsasaliksik na walang pinag-iba at halos magkapantay lamang ang grado ng mga “online student” kumpara sa mga “classroom student,” kasama na ang antas ng kanilang natutunan.



Sa naturang pag-aaral, sumailalim ang 250 estudyante at hinati sa dalawa, isang online students at ang kalahati naman ay class students. Binigyan ng parehas na kurso at asignatura at pinagkumpara ang kanilang nakuhang grado.



Ngunit, sa mga online students hindi nila nararanasan makisalamuha sa ibng kapwa estudyante at umaasa lamang sa guro. Ayon pa kay Vavala, mas maganda parin magkaroon ng interaksyon sa ibang tao upang madagdagan ang kaalaman.

Nauso ang “online class” sa mga gustong mag-aral na di kayang pumunta mismo sa mga paaralan, tulad sa mga may trabaho, may sakit, may kapansanan o minsan mga sikat na tao. Mas pinipili nila ang “online class” dahil kahit sa laptop lamang ay nakakapag-aral na sila. #30#

Hopper, unang Martian car






Talagang pinaghahandaan na ng mga siyentipiko ang pagpunta ng tao sa planetang Mars dahil plano na nilang bumuo ng isang kakaibang sasakyan.



Masusing pinag-aaralan nang gawin ng Space Research Center ng University of Leicester ang kaunaunahang Martian car na lumulundag sa papawirin.



Ang bagong sasakyan na tinawag na Hopper ay meron carbon dioxide propellant na nagpapaangat sa ere at baba ng dahan-dahan, tulad ng isang palaka, ayon kay Dr. Richard Ambrosi, researcher ng Space Research Center .



Pinapaktakbo ng electric power ng isang rocket nozzle upang umangat ito at meron alalay na spring sa paanan upang umalalay sa pagbagsak nito.

Kung papalarin, ang Hopper ay kikilalanin na kaunaunahang Martian car, ngunit kailangan pa ng masusing pananaliksik kung ano ang meron sa papawirin ng Red planet, upang maperpekto ang sasakyan.



Tiwala ang Space Research Center ng University of Leicester sa tulong ng Hopper, kayang libutin ng tao ang buong planetang Mars. #30#

Saturday, November 20, 2010

Katas ng granada gamot sa kidney






HAIFA, Israel – Bagamat alam ng kararamihan na masustansya ang prutas na granada o tinatawag na pomegranate sa panlaban ng small dick antioxidants at kolesterol, mainam daw ito sa bato ng mga tao, ayon sa bagong tuklas ng mga doctor.



Dahil sa taglay na potassium ng granada , pinapanatiling malusog ang bato upang lumakas ang mga taong may sakit sa bato, ayon kay Lilach Shema, isa sa mananaliksik ng Technion-Israel Institute of Technology.



Sinubukan din ito sa mga taong sumasailalim sa dialysis at malaki ang itinulong sa pagdaloy ng dugo sa kanilang bato.



Pinapalusog rin kasi nito ang dugo ng tao upang dumaloy ng mabuti sa katawan.



Bukod pa sa bato, pinatitibay rin ang puso upang malabanan ang mga sakit sa puso at ilan pang mga inpeskyon sa puso.



Ang isang taon pag-inom ng katas ng granada ay isang taon rin maging malusog ang puso at bato, ayon pa kay Shema. #30#

Robot tuturuan tumula






Alam natin na walang pagbabago sa pagsasalita (monotonous) ng mga robot, minsan walang tono, ngunit, sa tulong ng mga tula maaring mabigyan ng buhay ng kanilang pananalita.



Sa pamamagitan ng paggamit ng tula , posibleng maaayos ang pananalita ng mga robot, ayon kay Dr. Michael Wagner, isang researcher sa McGill Department of Linguistic.



Ang mga tula kasi ay may prosody, ang ritmo at paibabang tono ng pananalita, kung kaya’t mainam itong pangsanay sa mga robot upang magkaroon ng buhay sa kanilang pagsasalita.



Dahilan ni Dr. Wagner sa pagkakaroon ng “tono at ritmo” o “prosody” sa programa ng isang robot ay upang mas maintindihan ng mabuti ng tao ang nais nitong sabihin.



Mainam din ito sa mga taong may kapansanan sa pananalita, dahil pwede silang gumamit ng mga robot upang maitindihan sila.



Ngunit, kahit na matuto ang robot na tumula hindi parin mapapantayan nito ang natural na pananalita ng tao, dagdag ni Dr. Wagner. #30#

Saturday, November 6, 2010

Bakit epektibo ang fish oil sa puso at panlaban sa diabetes




Napag-alaman ng mga researcher kamakailan bakit mabisa ang fish oil upang magkaroon ng malusog na puso at pangontra ng sakit na diabetes.

Ayon sa mga researcher ng University of California , San Diego School of Medicine, nagtataglay kasi ang fish oil ng “marchophages,” isang klase ng white cells na tumutulong sa immune system upang labanan ang sakit sa puso at sugar level.

Dagdag pa nila, ang G-protein receptor 120 o GPR120 ay isang molecule na natatagpuan sa macrophages, na nagbibigay ng malakas ng anti-inflammatory effect sa mga taong kumakain ng mga isda upang maging malakas ang pangangatawan.

Hatid din ng fish-oil ang omega-3 fatty acids, na nagpapatatag sa puso upang makaiwas sa kahit na anumang sakit sa puso, ani Jerrold Olefsky, isang Medical Doctor at isa sa mga mananaliksik.

Meron din docosahexaenoic acid (DHA) at eicosapentaenoic acid (EPA) na pumapalit sa GPR120 upang laging mababa ang sugar level at kolesterol sa puso.

Mungkahi ni Olefsky, mabisa ang fish oil na isang therapeutic agent, pangtulong sa mga gustong madiyeta upang maiwasan ang mga sakit na diabetes o puso.

Patuloy parin ang pananaliksik ang siyentipiko kung maaring gawing gamot ang fish oil dahil sa taglay na malusog na protina nito. #30#

Text messaging sanhi ng insomnia sa kabataan




Kung sobrang pagkahumaling ng mga kabataan sa text messaging, nakakabawas daw ito ng tulog na magiging sanhi ng insomia, ayon sa pag-aagaral ng isang doktor sa JFK Medical Center sa New Jersey .

Lumalabas sa pagsusuri ni Dr. Peter Polos, sa sobrang pagtetext sa cellphone, nakakalimutan ng mga kabataan na maagang matulog na magbibigay ng esulta upang magkaroon ng masamang kalusugan.

Sa 40 kabataan na inimbita upang sumailalim sa isang pag-aaral tungkol sa epekto sa sobrang pagtetext, napag-alaman na marami sa kanila ang hindi napapansin ang maagang pagtulog kung kayat nagiging insomniac sila at nagreresulta nahihirapan matulog.

Bukod pa sa kahirapan sa pagtulog kung nasobrahan ang pagtetext, maari rin daw magkaroon ng madalas na pagkabahala, depresyon at mababang intelligence quotients o low IQ, dagdag pa ni Dr. Polos.

Payo ng mga doctor, maari payuhan ng mga magulang ang kanilang mga anak huwag sobrahan ang paggamit ng text messaging sa kanilang cellphone upang di mapasama ang kanilang kalusugan. #30#

Pagkalong sa ‘laptop’ habang ginagamit mapanganib




Lumalabas sa isang masusing pagsusuri ng mga doktor na mapanganib ang laptop computer pag kinakalong habang ginagamit dahil sa radiation taglay nito.

Kumakailan, na-iulat sa pahayagan na isang 12-anyos na lalaki ay nasunog ang balat habang kalong ng matagal ang ginagamit na laptop sa kanyang hita.

Sa tagal kasi ng pagkababad ng laptop computer sa balat ng tao, posibleng maging sanhi ng pagkasunog ng balat o sakit na kanser sa balat lalo kapag madalas kinakalong habang ginagamit.

Wala kasing proteksyon ang heating pads ang mga laptop computer at meron inilalabas na radiation kaya’t delikado sa balat ng tao, ayon kina Dr. Andreas Arnold at Dr. Peter Itin, mga researcher sa pag-aaral.

Nagiging malapit din ang pagkakaroon ng “squamous cell skin cancer” kapag madalas kalungin ang ginagamit na laptop compute at mas mapanganib kumpara sa ibang mga skin cancer.

Maliban sa pagkasira ng balat, maari din mabaog ang mga kalalakihan dahil sa iniinit nito ang scrotum, kayat nagkukulang ang sperm cells na inilalabas ng mga lalaki.

Payo ng mga siyentipiko, huwag kanlungin ng matagal ang laptop kapag ginagamit upang di mababad ang balat sa radiation ng portable computer.

Noong 1970, ang portable computer ay mula sa malikhain-isip ni Alan Kay, noong 1973 naman inilabas ng IBM ang kauna-unahang laptop computer, noong 1982, naimbento naman ang karaniwang itsura ng laptop na “flip form” na unang ginamit ng NASA. #30#