Friday, February 25, 2011

Robot therapist mabisa sa ‘stroke patients’

Mabisa daw ang “Robot therapist” na pagbutihin ang katawan ng mga stroke patients,
ayon sa pag-aaral ng mga researcher na inilabas sa American Stroke Association’s International Stroke Conference 2011 kamakailan.

Ang mga pasyente ng Robotic Therapy ay tumaas ang pagbuti sa mga paralisadong mga kamay o braso, ang iba ay tuluyan pang gumaling, ayon kay Dr. Kayoko Takahashi, isa sa mga researcher at therapist ng Kitasato University East ng bansang Hapon.

Napapagaling ng Robotic Therapy ang mga stroke patient dahil detalyado at masusing sinusuri ng robot ang katawan ng isang pasyente kayat naihahatid ang tamang ensayo at ehersisyo kayat mas naisasaayos ang daloy ng dugo sa katawan at utak.

Sa isang pag-aaral ng isinagawa sa 60 stroke patients na sumailalim sa therapy na ang edad ay karamihang nasa 65 anyos, 100% ang nagkaroon ng magandang pagbabago sa kanilang mga braso at kamay.

Ayon sa mga researcher, sumailalim ang mga pasyente sa apat hanggang walong linggong Robotic therapy na tumatagal ng 40 minuto bawat sesyon.

Ngunit hindi ito epektibo kung walang suportang mga gamot, rehabilitasyon, pagpupursige ng pasyente at payo ng mga doktor.

Kailangan parin dumaan ang isang pasyente sa kamay ng mga doktor upang maging ganap na gumaling, dagdag ni Dr. Takahashi.

Naimbento ang Robotic Therapy sa pagtutulungan ng mga doktor, siyentipiko at mga “programmer” ng MIT noong Abril 2010. Sa Baltimore unang sinubukan sa 50 pasyente nakaranas ng stroke. #30#

Ang mag-asawang sapatero




Sa isang malayong lugar merong matandang mag-asawa na ang tanging ikinabubuhay ay paggawa ng mga sapatos. Masaya ang mag-asawa, ngunit sa hindi inaasahan, naubusan sila ng mga parokyano na bibili sa kanilang nagawang sapatos. Halos wala silang pambili ng mga materyales upang makagawa ng dalawang pares ng sapatos.

Minsan, sa sobrang-kapos ng materyales, naisipan ng lalaki na gumawa ng pambatang pares na sapatos. Halos magdamag pinag-isipan ng lalaki kung paano gumawa ng magandang sapatos upang kumita ng malaki at makabili ng pagkain.

Umabot na sa halos hating-gabi sa kakaisip ang lalaki, hininto at iniwan na lang ang kanyang ginagawang sapatos sa mesa upang magpahinga at dahil pagod na rin. Sinabi na lang ng lalaki sa sarili na ipagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa kinabukasan.

Kinabukasan, nagulat ang lalaki sa kanyang nakita, isang napakagandang pambatang sapatos ang sumambulat sa kanya. Sinuri niya mabuti ang magarang sapatos at halos perpekto ang pagkagawa. Agad na sinabi sa kanyang asawa, subalit, halos hindi rin naniwala at ibinenta sa isang kakilalang mayaman sa kanilang lugar. Malaking hakaga ang ibinayad ng mayaman sa pagbili ng sapatos.

Sa sumunod na araw, bumili ang lalaki ng mga materyales upang gumawa uli ng ibebentang sapatos at kasama na ang asawa. Umabot sila hanggang hating-gabi sa paggawa ng sapatos ngunit walang natapos. Iniwan nila ang mga ginagawa upang ipagpatuloy na lang sa kinabukasan.

Ngunit, nang gumising ang dalawa, nakita nila ang mga pares ng napakagandang sapatos. Kanila itong ibenebenta at natutuwa sila tuwing nauubos ang mga inilalakong sapatos.

Mula noon iniiwan na lang ng mag-asawa ang mga materyales at hindi sila nabigo na makakakita mga yaring sapatos na kanila naman ibebenta. Dahil dito, yumaman at naging tanyag ang mag-asawa sa larangan ng paggawa ng sapatos. Walang sapatos ang hindi naibebenta at sumikat sila kahit mga taga-ibayong lugar ay pumupunta sa kanilang tindahan upang bumili ng sapatos.

Isang araw naisipan ng mag-asawa na alamin kung sino ang tumutulong sa kanila sa paggawa ng sapatos. Nag-iwan sila ng mga materyales, binantayan at nagtago upang di makita. Halos di makapaniwala sa kanilang nakita.

Dalawa pa lang mag-asawang duwende ang gumagawa tuwing hating-gabi ng sapatos. Masipag ang mag-asawang duwende, pino ang mga napakaputing sintas, malinis ang pagkagawa. Ngunit, naawa ang mag-asawa sapatero dahil ang damit ng mag-asawang duwende ay tila basahan at nangangayat na ang dalawa sa kagagawa.

Kinabukasan naisipan ng lalaki na pasalamatan ang mag-asawang duwende. Gumawa sila ng napakagarang mga damit na babagay sa dalawa, bumili sila ng isang napakalaking tinapay at isang bote ng gatas. Iniwan nila ito pagsapit ng hating-gabi.

Tuwang tuwa ang mag-asawang duwende sa mga regalo. Halos magtatalon sa tuwa ang lalaking duwende at habang umiiyak naman ang babae.

Simula noon hindi na nakita ng mag-asawang mga duwende, ngunit, pinalad naman sila kanilang buhay at lalong matagumpay sa kanilang hanapbuhay.

Aral: Pasalamatan ang mga taong tumutulong kahit hindi sa materyal na bagay kundi sa simpleng pasasalamat na galing sa puso upang maipakita lang ang pagkagalak dahil sa tulong na ibinigay. #30#

Thursday, February 17, 2011

Surgeons gagamit na ng mga ‘robotic nurse’


Ni Eric Estrada


Pinag-aaralan na ng mabuti ang mga siruhano (surgeons) ang paggamit ng isang sistemang “hand gestures command” at makontrol ang “robotic scrub nurse” sa pamamagitan ng computer habang ang isang pasyente ay ino-operahan



Ang “hand-gesture recognition” at “robotic nurse innovation” ay maaaring makatutulong upang mabawasan ang haba nang operasyon at ang posibleng pagkakaroon ng impeksiyon, ani Juan Pablo Wachs, profesor sa industrial eng’g sa Purdue University .



Ang teknolohiya ng “vision-based hand gesture recognition” ay posibleng magkakaroon ng ibang aplikasyon, kasama na ang koordinasyon sa mga “emergency response activities” habang may sakunang nangyayari.



Kailangang repasuhin ng paulit-ulit ang “medical images” at mga rekord habang isinasagawa ang operasyon sa pasyente, na malayo sa “operating table at ang paggamit ng keyboard at mouse na maaring maantala ang operasyon at tataas ang panganib na magkaroon ng impeksiyon.



Ang panibagong estilo ay isang sistema na gagamit ng kamera at ng “specialized algorithms” upang makilala ang “hand gestures” habang minamandohan ang isang computer o robot.



Ang pag-aaral ng “hand gesture recognition” ay nag-umpisa ilang taon ng nakakaraan na pinangunahan ng Washington Hospital Center at ang Ben-Gurion University, kung saan, si Wachs ay isang researcher at estudyante sa doctoral.



Nakagawa ng mga researchers sa Purdue ng isang prototype “robotic scrub nurse” habang ang ibang institusyon ay kasalukuyan gumagawa ng “robotic scrub nurses” na maaaring mandohan sa pamamagitan ng boses.



Ang scrub nurse ay tumutulong ang siruhan na i-abot ang mga “proper surgical instrument” sa isang doktor kung kinakailangan. #30#

Saturday, February 12, 2011

Puno ng Mansanas



Meron isang malaking puno ng mansanas. Madalas bisitahin ng isang batang lalaki upang maglaro sa paligid nito, kumain ng kanyang bunga at matulog sa ibabaw ng kayang mga sanga. Mahal na mahal ng bata ang punong ito.

Dumaan ang panahon, naging binata ang bata, hindi na dumadalaw sa puno ng mansanas. Kaya’t minsan, napadaan ang lalaki, tinawag siya ng Puno. “Halika at maglaro tayo,” anyaya ng puno. Ngunit tinangihan ng lalaki at sinabing “Hindi na ako bata, ang nilalaro ko na ngayon ay computer games kaso wala akong salaping pambili.”

Sabi ng puno. “Wala akong pera ngunit maari mong pitasin ang aking mga bunga at ibenta sa palengke upang magkaroon ka ng salapi.” Kinuha ng lalaki ang lahat ng bunga ng puno at ibinenta sa palengke upang ipambili ng computer.

Lumipas ulit ang panahon, nagkaroon na ng pamilya ang lalaki. Ang puno ng mansanas nalungkot dahil hindi na pumupunta ang lalaki. Minsan napadaan ang lalaki, tinawag uli ng puno. “Halika at maglaro tayo.” “Matanda na ako at wala na akong panahon maglaro dahil may pamilya na ako. Kailangan kung magtrabaho upang mabuhay ang pamilya ko.” Nasira kasi ang aking bahay dahil sa bagyo baka pwede mo naman akong tulungan,” sagot ng lalaki. “Wala akong bahay ngunit maari mong putulin ang aking mga sanga upang gawin pansamantalang tirahan,” ani ng puno. Naging masaya muli ang puno ng mansanas dahil dinalaw siya ng lalaki. Pinutol naman ng lalaki ang lahat ng sanga ng puno upang gawin tirahan.
Tumagal ang panahon, hindi nagpakita ang lalaki at lalong nalungkot ang puno. Minsan sa isang panahon ng tag-araw, bumisita ang lalaki. Sabi ng puno. “Halika at maglaro tayo.” Ngunit ang isinagot ng lalaki. “Tumatanda na ako at gusto kong lakbayin ang buong mundo, upang maging masaya at kailangan ko ang bangka. Sabi naman ng puno ng mansanas. “Halika at kumuha ka sa aking katawan ng magagamit mo paggawa ng bangka upang makapaglakbay ka sa malalayong lugar at maging masaya.” Kinuha ang halos lahat ng katawan ng puno at gumawa ng bangka, nagpakalayo, nagpunta sa ibang bansa, iniwan nag-iisa ang puno.

Nagdaan muli ang maraming taon, hindi na nagpakita ang lalaki. Lalong nalungkot ang matandang puno. Tila nawalan na ng pag-asa magpapakita pa ang lalaki. Nang bumisita ang lalaki. “Wala na akong maibibigay sa iyo kaibigan dahil kinuha mo na ang lahat ang pag-aari ko.” Ngumiti ang lalaki, “wala na akong ngipin upang kainin pa ang mansanas, hindi na malakas ang aking binti upang akyating ang iyong mga sanga, wala na akong lakas upang kunin pa ang anuman bagay sa iyo, ang nais ko lang ay humanap ng lugar na mapaghihingaan. Isang lugar na mapayapa tulad ng kinatatayuan mo.” Halos umiyak sa galak ang puno ng mansanas dahil muli na niyang nakapiling ang lalaki.

Ang kwento ay para sa lahat. Ang puno ng mansanas ay sumisimbolo sa ating mga magulang. Noon tayo sanggol pa lang hangang sa ating paglaki palaging nandyaan ang magulang upang gumabay at tumulong. Hindi maitatangi na kailangan natin lumayo sa kanila ngunit ang aral ay wag natin kalimutan ang mga taong tumulong sa ating upang maging ganap na tao sa mundong ito. Mahalin natin ang ating mga magulang kahit anuman at nasaan sila. #30#

Thursday, February 3, 2011

Canada at Unang Digmaan Pangdaigdig





Ang Canada ay hindi pa ganap na isang malayang bansa ng sumali sa Unang Digmaan Pandaigdig, noong Agosto 4, 1914. At saka lamang umusad sa pagiging malayang bansa ng pagkatapos ng Unang Digmaan Pandaigdigan noong Nob. 11, 1918.

Matapos ideklara ng Britanya ang labanan ang Germany at Austro-Hungary noong Agosto 4,1914, nang nasa ilalim pa ang Canada sa pamumuno ng Emperyong Ingles. Ang Canada ay di nagdalawang isip na kumampi sa Britanya. Kahit, 7.8 milyon katao lamang ang populasyon at umabot lamang sa 60,000 sundalo sa kanyang hukbong sandatahan at walang ganap na pagsasanay at kulang pa sa sandata.

Malakas ang aniban ng Germany at Austria-Hungary dahil sa tamang pagsasanay ng kanyang mga sundalo at makapangyarihan armas, laban sa Britanya, Pransiya, Rusiya at Italya na hidi sapat ang paghahanda sa isang digmaan. Si Punong Ministro Sir Robert Laird Borden ng Konserbatibo, ang nagmunkahing magpadala ng 500,000 hukbong nabal upang tumulong sa pakikipaglaban ng Britanya. Pinakamalaking pagsubok ito ng Canada dahil sa kakaunting populasyon. Ngunit noong kasagsagan ng digmaan, maraming mga binatilyo na wala sa wastong gulang na lalaki na ipinanganak sa Britanya o may lahing Ingles ang boluntaryong pumunta sa Britanya upang ipagtangol ang kanilang bayan. Napilitan din ang ibang Canadians na makipagsapalaran dahil sa mahinang ekonomiya at kaunting trabaho sa bansa.

Ang unang pulutong ng mga sundalong Canadians ay nakarating sa Britain noong Oktubre 1914. Nasubukan ang tapang ng mga ito sa kanilang kauna-unahang pakikipaglaban sa bayan ng Ypres sa Belgium , bagamat kapos sa pagsasanay at kulang sa kagamitan laban sa makapangyarihan armas ng mga German; lalo na sa kanilang nakakalason gas. Mahigit 6,000 sundalo ang nalagas sa unang linggo pa lamang nang pakikipaglaban at napilitan umatras upang dumipensa sa mga lumulusob na mga sundalong German.

Nang magpadala ng karagdagan pwersa ang Canada . Lumaki sa apat na dibisyon ang mga sundalo sa Belgium at sa Pransiya. Isang daan libong sundalong Canadians ang nakikipagsagupa sa mga German. Sa Ypres, napanatili ito sa kamay ng Allies kahit sa kakakunti lang ang sundalo ng Canada sa tuwing may magganap na labanan. Nagwagi ang mga sundalong Canadians sa iba pang mga lugar ng Belgium , ang Festubert at St. Eloi noong 1915 at Somme noong 1916. Noong 1917, dumalo si Borden sa Imperial War Conference at nangakong na ipagpapatuloy ng Canada ang pakikipagtulungan sa Britanya. Pag-uwi ni Borden sa Canada noong Abril 1917, nagpasa ng isang batas na “compulsory service” upang madagdagan ang pwersa ng mga Canadian sa Europa. Naipasa ni Borden noong Agosto 29,1917 kahit na tumutol si Liberal Prime Minister Sir Wilfrid Laurier at mga mambabatas sa Quebec. Gumawa si Borden ng isang Union Government na meron kasamang Liberal at nanalo sa ginanap na halalan noong Dis. 17, 1917.

Maliit ang naibigay na tulong ng Canada sa larangan ng digmaan sa dagat ngunit sa digmaan panhimpapawid ay malaki sa kampanya ng Allies. Maraming mga pilotong Canadian nangibabaw sa ere halos walang panama ang mga German sa mga mandirigmang pilotong Canadians. Ang ilan na naging tanyag sa “air to air combat” ay sina W.A. “Billy” Bishop, Raymond Collishaw at William Barker, mga “aces” sa larangan ng digmaan panghimpapawid. Mahigit sa isang daan eroplano ng kaaway ang napabagsak ng mga ito.

Sa lupa naman naging matatag ang Canadian Corps., ang pinakamalaking panalo nang mapataob ang mga German sa Virmy Ridge sa Pransiya noong 1917. Gamit ang epektibong plano at mga armas na hiniram sa ng Britanya napasuko nila ang mga kaaway sa loob lamang ng apat na araw. Ang mga sundalong Canadian ay gumaling at noong Hunyo 1917, sa pangunguna ni Lt. Gen. Sir Arthur Currie, napanalo nila ang matitinding labanan sa Passchendaele noong Okt 1916 at ang Battle of Amiens noong Agosto 8, 1918.

Ang Amiens, kung saan, naging napakahalagang lugar noong First World War, naganap ang isang matinding labanan sa pagitan ng mga Allies at German. Nagtulong-tulong ang mga hukbo ng Australyano, Britanya at Canadian upang maipanalo ang laban. Nang masakop ng mga allies ang Amiens , bumagsak ang pwersa ng Germany . Isang heneral na German ang nagsabi na ang pagkatalo nila sa Amiens ay “the black day of German army.” Maraming sundalong Canadian ang nasawi, gayunman, nanalo sila sa isang importanteng laban. Matapos masakop ng allies ang Amiens , nawalan ng lakas ang Germany at nagkaroon ng tigil laban noong Nob. 11, 1918 na nagpatuloy sa Treaty of Versailles na nagpatapos sa First World War noong Hunyo 28,1919.

Ang gamtipala ng Canada sa pagsuporta sa mga Allies ay nagsimulang umusad at nakamit nito sa pagiging malaya. Anim na raan at labing siyam na libong Canadians ang nakipaglaban sa First World War halos 10% sa populasyon ng bansa. Napasama si Borden sa Versailles Treaty na kumatawan sa Canada . Napabilang ang Canada sa League of Nations na kabilang ang bansang Estados Unidos at Britanya. Noong 1920 sa Imperial Conferences, hinirang ang Canada bilang malayang bansa kabilang ang New Zealand, Australia, South Africa, na parehas din nagbigay tulong sa Britanya noong First World War. Ngunit, nakamit man ang kalayaan, hindi naman malimutan ang 60,000 sundalong namatay at 172,000 sugatan na sumabak sa Unang Digmaan ng Pandaigdig. #30#

Wednesday, February 2, 2011

Kasal mainam sa katawan at sa isip ng tao




WALES, England – Batay sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga psychologist sa Cardiff University , mainam daw ang pagpapakasal sa pisikal at mental na kalusugan.

Napapabuti ang kalusugan pisikal at mental kung ang isang tao ay inspirado sa pag-ibig, lalo na ang masayang nagsasama, kaya, ang kasal ng magkatipan ay magkakaroon ng malusog na pangangatawan at pag-iisip, ayon kina David at John Gallacher, ng Cardiff University .

Lumabas sa British Medical Journal (BMJ), nagiging maganda ang pakiramdam ang isang tao kung umiibig, at lalong napapalakas kung kasal, lahat ng pag-iisip ay positibo tila nagiging bata muli na puno ng sigla.

Ngunit hindi nila magarantiyang 100 porsiyento mabisa ito sa pisikal at mental na kalusugan, ang mga mag-asawang kasal na masayang relasyon ang may malusog na katawan at pag-iisip, kasi ang mga kasal na nabahiran ng masamang pagsasama, nagiging malungkot at nawawalan ng pag-asa sa tao, lalo na kung sawi sa pag-ibig.

Paliwanag ng mga espesyalista kung ang dalawang nagpakasal ay nagpasyang maghiwalay, nagbibigay ito ng masamang epekto, napapaaga ang kamatayan ng isang tao kung bigo sa pagibig.

Payo nina David at John Gallacher, kung ang tao ay kasal sa mata ng Diyos lalong pinapatibay nito ang pagibig ng dalawang tao kung kaya ang mga magkasintahang kasal na nagsasama ng matiwasay ay isa sa pinakamalulusog na tao. #30#