Sunday, April 29, 2012

Pinoy magaling magsalita ng Ingles




Nangunguna ang bansang Pilipinas sa mga pinakamagaling magsalita ng Ingles sa larangan ng negosyo, ayon sa isingawang pag-aaral ng GlobalEnglish Corp. kamakailan.

Base sa pag-aaral, naungusan ng Pilipinas ang India, Norway at Canada, sa larangan ng :business English proficiency,” na kung titignan ang ibang bansa ang wikang Ingles ang pangunahin dyalekto.

Ayon pa sa pag-aaral, ang nakakaibang punto ng pagsasalita ng Ingles ng mga Pinoy, kaya nito gayahin punto ng punto ng mga Amerikano, punto ng mga Ingles at punto ng taga-Europa, kayat, maraming kumpanya ang kinukuhang mga Pinoy bilang “call center agent.”

Batay sa datos ng GlobalEnglish Corp, ang India, na binansagan na sentro ng “call center” sa buong daigdig ay naunahan na ng Pilipinas, pang-walo lang ang India sa “business English proficiency.”

Kasalukuyan, biglang lumobo ang bilang ng mga nagtatrabaho sa mga call center employee sa Pilipinas, at halos umabot na ng 400,000, at 50,000 lamang natin kontra sa India.

Ayon sa GlobalEnglish, ang kaalaman ng wikang Ingles ng mga Pinoy ay nababagay sa buong daigdig at muntikan pa nitong talunin ang Estados Unidos.

Ang nakuhang puntos ng Pilipinas ay nasasalamin sa magandang takbo ng ekonomiya at pakikipagkalakal nito sa buong mundo.

Ang sampung pinakamagaling sa Business English Proficiency ay Pilipinas -- 7.11; Norway -- 6.54; Estonia -- 6.45; Serbia -- 6.38; Slovenia-- 6.19; Australia; Malaysia; India; Lituania at Singapore. #30

Pagmimina sa kalawakan pinag-aaralan

Masusing pinag-aaralan na ngayon ng mga siyentipiko ngayon kung maari magmina sa mga naglalakihang mga asteroid sa kalawakan Nagpadala ng mga sasakyang robot sa kalawakan upang magmina sa mga asteroid at pagkakitaan ito ang balak ng Planetary Resources Inc, isang bagong tayong kumpanya sa Amerika. Ayon sa mga dalubhasa, binabalutan ng mga mineral na platinum at ginto ang mga asteroid, nais gamitin ng Planetary Resources Inc. ang minerals nito. Malaking palaisipan parin sa mga siyentipiko kung paano ma makuha ang mga minerals ng asteroid, mas malaki pa ang pagsubok paano marating ng mga asteroid sa kalawakan dahil sa layo nito sa mundo. Ngunit, kahit gaano kahirap, desidido ang sina Eric Anderson at Peter Diamandis, mga nagtatag ng Planetray Resources Inc, upang maglagak ng puhunan sa mga asteroid. #30

Sunday, April 15, 2012

Text may magandang idudulot


Mula sa isang pag-aaral ng mga dalubhasa, nakakabobo daw ang pag-tetext dahil sa mga pinaiksing mga salita o maling ispeling, meron din naman daw magandang idudulot ang teksting.

Batay sa masusing pag-aaral na isinagawa ng Simon Fraser University, Universite de Montreal at University of Ottawa, na pinamagatang Text4Science Project, kabilang na sa sining ang pagtetext dahil nagiging malikhain o creative ang isang tao sa paggawa ng text messages.

Sa panahon ito, nais ng karamihan tao ang mabilis, kaya, pati ang pagbibigay mensahe ay pinaiksi na rin upang lalong mas mabilis ang paghahatid.

Kung natatandaan, nauso ang mga palahudyatan o codes noong unang mga panahon, upang mapaikli, mapabilis ang paghahatid o maitago ang isang mensahe, ayon kay Christian Guilbault, propesor ng Simon Frazer Univ.

Ang pinaiksing GTG ( Good to go), LOL (Laughing out loud) o BRB (be right back) ay hindi na bago dahil noon unang panahon, ang salitang “later” na panaikli ng “l8r” o “wait” sa w8 na parang stenography.

Hindi maging madali paikliin ang isang mensahe, dito masusubukan kung gaano malikhain ang isang tao, sa 160 characters ng isang pangkaraniwang cellphone kailangan mapaikli ang paggawa ng mga mensahe dito.

Ngunit lahat ng sobra ay masama at ang paggamit ng “shortcut terms” sa mga lenguahe ay dapat sipatin ng mabuti. Okay lang gamiting ang shortcut term ngunit kung sumobra magiging masama, dagdag ni Guilbault. #30