Sunday, September 16, 2012

Pag-Mina sa Kalawakan




Washington, USA - Pinagaaralan ng mga siyentipiko ngayon kung maari minahin ang mga naglalakihang mga asteroid.

Magpadala ng mga robot ships sa kalawakan upang magmina ng mga asteroid at
pagkakitaan, ito ang balak ng Planetary Resources Inc, isang bagong tayong kumpanya sa Amerika.

Ayon sa mga eksperto, binabalutan ng mga mineral na platinum at ginto ang isang asteroid, ito ang nais ng Planetary Resources Inc , ang magamit ang minerals nito.

Malaking palaisipan parin sa mga siyentipiko kung paano ma extract ang mga minerals  ng asteroid, at natinding pagsubok pa ang makakuha ng asteroid sa kalawakan dahil sa layo nito sa mundo.

Ngunit kahit gaano kahirap desidido ang sina Eric Anderson at Peter Diamandis founders ng Planetray Resources Inc, na mag invest sa mga asteroid. #30

Anak pinagkamalan unggoy binaril patay




NEPAL – Isang lalaking magsasaka ang aksidenteng nabaril ang sariling anak matapos pagkamalan unggoy na nagnanakaw sa kanyang mga pananim.

Dahil laging pineperwisyo ng mga unggoy ang mga pananim ni Gupta Bahadur, 55, kaya, napilitan bumili ng baril upang may pantaboy sa mga makukulit na matsing.

Kamakailan, muli na naman sinalakay ng mga unggoy ang mga pananim ng Bahadur. Dahil ayaw na niyang mapinsala pa ang kanyang mga pananim, hinabol niya ang mga ito na dala-dala ang kanyang riple.

Kasama ni Bahadur sa pagtaboy sa mga unggoy ay kanyang anak na si Chitra Bahadur Pulami, 12. Habang hinahabol niya ang mga unggoy ay binabaril niya ang mga ito at dito naisipan naman ng anak na umakyat sa isang puno upang tumulong itaboy ang mga unggoy.

Matapos maitaboy ni Bahadur ang grupo ng mga unggoy, bumalik ito sa kanyang sakahan. Ngunit, meron siyang napansin sa itaas ng puno na gumagalaw na bagay at inasinta niya nito ng kanyang riple sa pag-aakalang matsing at saka pinutukan.

Natuwa naman si Bahadur nang makita niyang nahulog ang binaril niyang bagay at saka nilapitan. Ngunit, laking gulat niya ng malaman anak niya pala ang binaril.

Dahil dito, mabilis na itinakbo ni Bahadur ang anak sa ospital dahil sa tama sa ulo. Ilang raw din nanatiling kritikal ang kundisyon ni Chitra sa pagamutan at sa kalaunan namatay rin ito.

Abot langit ang pagsisi ni Bahadur sa kanyang nagawa at agad na sumuko sa pulis na hanggang ngayon ay nasa kulugan pa rin at di makapaniwala sa nangyari. #30