Isang araw, naisipan ng isang matalinong
guro na ipasyal ang kanyang mga estudyante sa bundok upang madagdagan ang
kanilang kaalaman sa buhay. Habang paakyat sila sa bundok, isang bata ang
aksidenteng natalisod at napahiyaw sa sakit.
Sa kanyang pagbagsak, napahiyaw ng “Aray
ang sakit” at laking gulat niya ng may gumaya sa kanya sa direksyon ng bundok.
Palibhasa, makulit at pasaway sa
kanilang klase, biglang nag-init ang kanyang ulo at mabilis na tumayo at
sumigaw ng “Sino ka?”
Sumagot din ito ng “Sino ka?”
Lalong nagalit ang estudyante at sumigaw
ng “Duwag ka!” Tila hindi nagpatalo ang gumagaya kaya sumagot rin ng “Duwag
ka.”
Umusok na ang ilong ng estudyante at
hinanap ang gumagaya sa kanya at sumigaw uli ng “Masama ka.” Hindi nagpatalo
ang kanina pang sumasagot ay sinagot rin ng “Masama ka.”
Pinatigil ng maestro ang estudyante na
kanina pa itong minamasdan at sinabihan siyang tumigil. Tinanong naman ng
mag-aaral kung sino yun.
Sinabi ng guro na makinig at humarap ito
sa bundok at sinabihan na sumigaw ng “Patawad.” Nagulat ang estudyante nang
sumigaw rin ang bahaging direksyon ng bundok ng “Patawad.”
Sunod na sinabi ng guro na sumigaw ang
estudyante ng “Matapang ka.” “Matapang ka” sagot din ng bundok. Pinasigaw uli
siya ng “Mabuti ka” at tulad ng dati ginaya ang sigaw ng pasaway na estudyante.
Dahil dito, hinarap ng maestro ang
kanyang mga estudyante at sinimulan mangaral. Ang tawag dito ay “alingawngaw o
eko,” tinatawag rin itong buhay. Ang buhay natin ay sumasalamin anuman
binibigay natin sa ating kapwa.
Kung gusto mo mahalin ka ng tao. Mahalin
mo rin sila. Kung gusto mong respetuhin at intindihin. Dapat marunong ka rin
rumespeto at umintidi sa kapwa.
Simpleng mensahe ang nais iparating ng
alingawngaw. Babalik sa iyo anuman ibinato mo sa iyong kapwa. Kung ano ang
ginawa mo yan din ang gagawin sa iyo. Ang buhay ay tulad ng eko. #30