Wednesday, September 29, 2010

Tubig sa swimming pool nagdudulot ng kanser




BARCELONA, Spain – Ang tubig sa swimming pool maaring makapagdudulot ng sakit na kanser, batay sa isinagawang pagsasaliksik ng mga ekspertong doktor kamakailan.

Ayon kay Dr. Manolis Kogevinas, professor sa Centre for Research in Environmental Epidemiology, mapanganib sa kalusugan ng tao ang kemikal na chlorine na inihahalo sa tubig ng swimming pool, dahil nagdudulot ng kanser sa pantog.

Sinasabing ang sanhi ng kanser ay ang disinfection byproducts (DBP), na matatagpuan sa tubig ng swimming pool at ito ang mistulang lason kung babad sa kemikal na chlorine.

Lumalabas kasi sa pag-aaral na malaki ang tsansa ng isang tao na mahilig lumangoy sa swimming pool na makakuha ng kanser sa pantog kung makainom ng tubig na may halong chlorine.

Bukod pa sa kanser sa pantog, di rin ligtas ang balat ng tao, dahil sa taas ng antas ng kemikal taglay ng swimming pool.

Sa loob lamang ng 40 minuto, apektado na ang balat sa chlorine na inihalo sa isang swimming pool, dagdag pa ni Kogevinas.

Payo naman ni Kogevinas, upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng swimming pool, ugaliin tignan kung gaano kadalas linisin ang palanguyan, alamin kung may permiso at huwag dumihan ang swimming pool. #30#

'God particle' matatagpuan na rin?: scientist



Maaaring malalaman na ang "God's particle" kung saan nagmula ang lahat ng bagay, pahayag ni Peter Higgs, 79, isang British physicist sa Geneva.

Mula pa noong 1960, sinubukang saliksikin ni Higgs ang sinasabing mga sangkap ng Diyos na diumano'y pinanggalingan ng lahat na bagay sa buong mundo at naniniwala ito ang naging kasangkapan ng Maykapal sa paglikha ng sangkatauhan.

Balak niyang pangalanan ang elementong ito na "Higgs boson," sakaling matuklasan ang binansagan niyang "God's particle," ang bukod-tanging kasagutan kung saan nagmula ang lahat ng bagay.

Malakas ang kumpiyansa sa sarili si Higgs na matutuklasan niya ang "God's particle," kasama ang mga nangungunang scientists sa European Organization for Nuclear Research o CERN, katulong at ang bagong diskubreng makinang LHC o Large Hadron Collider, isang particle accelerator.

Ang LHC ay ginawa upang isagawa ang mga eksperimento at magsuri sa mga elemento sa mundo. Kaya nitong pagbanggain, pagsamahin at paghiwalayin ang mga particle upang malaman ang pinagmulan ng mga elemento, base sa Quantum mechanics.

Sa ngayon, wala pa ring nadiskubreng "God's particle," ito ang naging balakid sa pinagtatalunang "Big Bang Theory," at kung ang lahat ng bagay sa mundo ay nanggaling sa kamay ng Diyos o sa isang biglaan pangyayari lamang.

Naniniwala ang mga scientist ng CERN, nakaimbento sa LHC, na masasagot na rin ang katanungan ng sangkatauhan kung saan nanggaling ang lahat at kung mapatutanuyang may "God's particle." Sa ngayon, malaki ang paniniwala ni Higgs na iisa lang ang lumikha ng lahat.

Ang Big Bang Theory ay isa sa sinasabing pinagmulan ng Sandaigdigan. Base sa teorya, ang Sandaigdigan ay dating isang "extremely compact dense" at napakainit. Sa hindi malamang dahilan, nagkaroon ng biglaang cosmic explosion na tinawag na "Big Bang" na makalipas ang 13.7 bilyong taon ang Sandaigdigan ay lumawak at lumamig. Ang teorya ay base sa mathematical equations na tinatawag na field equations of general relativity ni Albert Einstein noong 1915. - 30-

Dumi ng aso pwedeng gawing enerhiya



CAMPBRIDGE, Mass. – Naiinis ba kayo nakakaapak ng dumi ni Bantay? Nahihirapan ba kayong linisin ang ipot ng inyong alagang aso? Puwes, dapat magpasalamat pa rin dahil nandito na ang kasagutan sa kalat ni Bantay matapos makagawa na gawing enerhiya ang kanilang dumi.

Sasalain ang dumi ng aso, ilalagay sa isang methane digester at tutunawin hanggang maging gas upang umilaw ang isang street lamp, ayon kay Matthew Mazzotta, imbentor ng Park Spark Project.

Naisip ni Mazzotta sa dami ng may alagang mga aso na dumudumi sa mga parke, napag-aralan niya na maaring gamitin ang kanilang dumi upang magpagkukunan ng enerhiya sa tulong ng methane digester.

Kung gagamitin ang dumi ng aso bilang kuryente ay kayang pandarin ang mga street lamps, tiyak na makakatipid ng gastos ang lokal na distrito sa kanilang mga bayarin sa kuryente.

Unang sinubukan ang Park Spark Project sa Pacific Street Park ng Cambridge , pinayuhan ang mga residente doon na magdala ng plastic bag tuwing kasama ang kanilang alagang aso, kailangan kunin nila ang kalat ng alaga at itapon ito sa methane digester.

Natuwa naman si Mazzotta dahil tinulungan siya ng mga lokal na opisyal ang kanyang naimbento at umaasang mapapalawak niya ang kanyang Park Spark Project sa buong US . #30#

Balat gawa sa nanowires




Nakalikha ang mga inhinyero ng University of California ng isang artificial na balat na gawa sa mga nano wires.

Gawa sa inorganice single crystalline semiconductors, ang balat na ito ay katulad rin ng balat ng tao sensitibo at maayos na gumalaw, ani Ali Javey, professor ng electrical engineering and computer sciences at hepe ng UC Berkeley research team.

Nakaisip ng paraan ang mga inhinyero ng isang innovative fabrication technique pamalit sa mga balahibo ng isang totoong balat.

Hindi madali ang paggawa ng fibers na ito, gumugol ng mahabang oras ang mga ehinyero upang mapantayan ang isang totoong balat ng tao, sabi ni Javey.

Nagpursige silang magpatubo ng isang germanium silicon nanowires upang makagawa ng isang aritificial na balat.

Balak naman nina Javey at ng UC Berkeley engineers na subukan ang nano wires skin sa tao upang makatulong lalo sa mga nangangailangan. #30#

Cell phone mula sa Coke




Inilabas ng isang imbentor na isang Tsino ang nalikhang Coke phone, pantapat sa Samsung Watered battery cell phone.

Cellular phone na pinapagana ng isang softdrinks o Coca-cola, ito ang kamanha-manghang imbensyon ni Daizi Zheng.

Gawa ang Coke phone sa biodegradable bio-battery na sumisipsip ng enzymes at asukal na galing sa carbohydrates ng isang Coca-Cola softdrink, upang gawing enerhiya ng cell phone.

Ang ikinaganda pa nito ayon kay Zheng, apat na beses na mas matagal ang baterya ng Coke cell phone kaysa pangkaraniwang mobile phone.

Malinis rin ang Coke cell phone dahil walang mapanganib na mga halong kemikal at kaibigan pa ito ng kalikasan, dagdag pa ni Zheng.

Subalit hindi pa inilalabas sa merkado dahil balak bilhin ang teknolohiyang gawa ni Zheng ng Nokia upang makalikha rin ng isang environmental friendly na cell phone. #30#

Wednesday, September 22, 2010

Pinoy-Tsino komunidad sa Baguio nanalangin




BAGUIO CITY, Philippine – Nagkaisa ang mga Filipino-Chinese, Tsino at Filipino sa pagdarasal upang magkaroon ng rekonsilasyon ang nagkakaroong lamat sa pagiging magkaibigan ng bansang Pilipinas at Tsina.

Nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa pagkamatay ng walong turistang mula Hong Kong sa hindi inaasahan hostage-taking na naganap sa Luneta ng nakaraan Agosto 23, 2010.

Idinaos ang pagsisindi ng mga kandila sa isang “vigil prayer” na ginanap sa Burharm Lake na pinangunahan ni Baguio Mayor Mauricio G. Domagan at Filipino-Chinese lider Charles Cheng.

Dasal ng grupo na payapain ang galit at hilumin ang sakit na naranasan ng Tsina, matapos maganap ang natrurang trahedya at marami ang nangangamba sa anumang maaaring iganti ng Hong Kong sa mga libu-libong OFWs na nagtatrabaho sa lugar.

Nagkasundo ang grupo na manalalangin sa ikagaganda ng relasyon ng dalawang bansa at ipaalam na rin sa buong mundo na ang naganap ay isang “isolated incident” lamang. #30#

Anti-Littering muling ipinatupad, 100 huli


MANILA, Philippines – Mahigit isang-daang katao ang nahuli matapos ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang batas na nagbabawal sa pagtatapon ng kalat sa kalye at sa lansangan.

Dahil seryoso ang MMDA na magpatupad ng Anti-Littering Law libu-libong “environmental cops” na ipinakalat sa mga lansangan ng Metro Manila upang manghuli ng mga taong pasaway na nagtatapon ng kalat.

May nakalakip parusa sa mga taong nahuling lumabag sa batas na ito ay bibigyan ng “environmental violation receipts o EVR.”

Ang EVR ay kailangan tubusin sa hindi babang halaga ng multa na P500-P1000 at kung hindi magbayad, maglilinis sa kalye o kahit anong klase ng “community service” sa loob ng 8-16 oras.

Kung sakali naman tumakas ang nahuling nagkalat sa kanyang ginampanan na tungkulin, magkakaroon ito ng record sa National Bureau of Investigation (NBI), bilang isang litterer.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ng displina ang mga tao upang sumunod sa batas at mabawasan na rin ang mga kalat na nagpapalala sa baha Metro Manila, ani Francis Tolentino, MMDA tserman.

Hindi na bago ang MMDA Regulation Number 99-006 o Anti-Littering Law, na isinabatas pa noong 1996 at ngayon na lamang ipiantupad sa ilalim ng pamahalaan ni Presidente Noynoy Aquino.

Sa bagong Anti-Littering Law bawal ang magkalat, magtapon, dumura, umihi o dumumi sa pampublikong lugar upang mapanatiling malinis ang kapaligiran.
Sa unang araw tagumpay naman na naparating ang MMDA ang seryosong kampanya upang maging malinis ang Metro Manila, dagdag pa ni Tolentino. #30#

Saturday, September 11, 2010

GOES 15 Sateliite




Pinakawalan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), ang GOES-15 satellite na kayang kumuha ng high resolution na litrato sa mundo at kaunaunahang satellite na kayang mabigay ng infrared images.

Ang mga pangunahing layunin ng GOES-15 ay babantayang mabuti ang mundo sa mga mapanirang bagyo, pabagu-bagong panahon at matutukang mabuti ang klima, ani Andre Dress, manager ng GOES Deputy Project sa NASA Goddard Space Right Center.

Ilalagay ang GOES 15 satellite sa labas ng mundo sa may sapat na layo upang makita ang 50 porsiyento kabuan o kalahati ng mundo.

Ihahanay ito a GOES 14 satellite sa west longitude na 105 degrees, at 24 oras itong nakatutok sa mundo at inaasahan din makalipat sa ibang puwesto kung kinakailangan.

Mahalaga sa mundo ang pag puwesto ng GOES 15 sa labas ng daigdig dahil sa kanyang iksaktong pagbibigay ng impormasyon sa klima ng mundo. #30#

May tubig sa hangin




Napakahalaga ng tubig sa lahat, ito ang nagbibigay ng buhay sa mga tao o kahit anumang nilalang sa mundo.

Ngunit, kakaiba ang natuklasan ng mga siyentipiko sa bansang Germany . Nadiskubre ng mga researchers ng Fraunhofer Alliance SysWasser na maaring makakuha ng malinis na tubig sa hangin sa pamamagitan ng Hygroscopic brine.

Makakuha ng tubig sa hangin sa pamamagitan ng pagsala ng Hygospic brine sa hangin at kukuha ng hamog na inilalagay sa vacuum upang gawing tubig, ayon sa mga siyentipiko ng Fraunhofer.

Sa bawat hampas ng hangin nakakaipon ang Hygospic brine ng 11.55 millileters tubig kada minuto at di hamak na mas maraming ang maiipon kumpara sa isang windmill.

Wala rin problema sa pagpapa-andar ng Hygospic brine dahil maliban sa elektrisidad, maari din gumamit ng enerhiya sa araw.

Mabisa daw ang Hygospic brine sa mga mahahanging disyerto upang mabigyan ng sapat at malinis na tubig ang mga tao nakatira doon, dagdag ng isang siyentipiko ng Fraunhofer. #30#

Artificial Kidney




Inihayag ng isang grupo ng researchers mula sa University of California , San Francisco (UCSF) ang paglikha sa prototype ng kauna-unahang “implantable artificial kidney.”

Ang makabagong kidney ay yari sa silicon na kayang magsala ng dugo, gumalaw bilang metabolismo ng katawan at magtrabaho tulad ng isang tunay na kidney, ayon kay Dr. Shuvo Roy, isang miyembro ng research team.


Sa artificial kidney sasailalim ang pasyente sa dalawang sistema, ang hemofilter upang malinis ang dugo at paglalagay ng renal tubule cells upang lumusog ang kidney ng tao.

Mainam ang artificial kidney sa kahit na anong edad ng tao, di tulad ng isang kidney transplant na kailangan pang kadugo ang magbigay ng kidney.

Subalit, kailangan parin dumaan sa masusing pagsusuri upang malaman ng mga doktor ang babaguhin sa artificial kidney upang bumagay ito sa katawan ng pasyente.

Tagumpay ang proyektong artificial kidney sa mga dummy na kanilang sinubukan, inaasahan naman na magkakaroon na ng totoong pagsubok ito sa mga tao sa darating na panahon, dag dag ni Roy. #30#

Robotic Surgeon




Sukdulan na ang naabot ng tao sa larangan ng teknolohiya at walang pasubali pati ang trabaho ng mga doktor ay mauukupuhan na ng robot.

Sa dami na ngayon naglabasan at mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang trabaho, doktor parin ang siyang nangangalaga ng kalusugan at buhay ng tao, ngunit may plano ang mga siyentipiko na gumawa ng Artificial Intelligence (AI) at gawin itong robot ang doktor.

Isang robotic surgeon na kayang mag-opera ng isang tao na kahit walang tulong ng doktor o anumang remote control na galing sa isang teknisiyan. Batay ito sa pag-aaral sa pangunguna ni Stepheen Smith, director ng Duke University Ultrasound Transducer Group sa Pratt School of Engineering at isang senior member ng research team.


Gamit ang isang AI program bilang utak nito, ang ultrasound 34 scanner naman ang mata ng Robot at meron mekanikal na mga kamay upang maopera ito na ang kaunaunahang Robotic Doctor, ani ni Kaicheng Liang, isa sa kasapi ng Duke research team.

Ang pagpapagana sa robot doktor ay mula sa ultrasound 3D scanner at ang mga larawang nakuha nito ay ipinapasa sa AI program na nag-uutos naman sa mechanical arms nito ang mga dapat gawin.

Sadyang kumpleto ang kagamitan ng robotic arms, meron itong matutulis na panghiwa na kayang putulin maski mga buto ng tao, mga gamot na kayang pahilomin ang mga sugat at biopsy plunger device upang makakuha ng mga samples.

Hanggang ngayon sa isang turkey pa lamang ito nasusubukan, matagumpay naman ang simulation na naganap sa pagopera ng breast ng isang turkey.

Banayad, mabilis, iksakto at maayos magtrabaho ang isang robotic doctor, kayat di magtatagal maaaring mapapalitan na ng robot ang mga dalubhasang doktor, dagdag ni Smith. #30#

Friday, September 3, 2010

Untitled 1


Her black silhouette hair. The aroma of her body and perfume. The shade of her dark eyes. Her angelic smile. Her smooth lips. The sweet taste of her kiss. Her brown porcelain skin. Her soft hands. The warmness of her embrace. A thunder roar. Move my head on the right side where the sound comes. I heard her melodic voice calling my name. Turn to my left where she is and there she was gone. I look up at the starry night. Tears fell on my cheek and felt my heart pumps with joy. I close my eyes for a moment. And I saw the morning blue sky. I smile and whisper. “Thank you for letting me fall in love again.” Stand up quickly and sense the coldness of the stone floor. I laugh and say. “Back to reality.”