 |
Kuha ni Jonathan Velasco |
Noong unang panahon, ang mga naninirahan
sa mga bulubundukin ng Pilipinas ay biniyayaan ng masaganang buhay ni Bathala.
Ngunit, lumipas ng maraming taon, unti-unting nakalimot ang mga tao at
linapastangan ang kanyang mga linikha.
Nagtampo si Bathala sa mga tao,
makalipas ng ilang taon di nakatiis at nagalit. Lumapit ito kay Kabunian, isang
anitong nakatira sa bulubundukin at inutusan parusahan niya ang mga tao.
Ngunit, tumanggi si Kabunian at nagmakaawa siya na bigyan pa ang mga tao ng
pagkakataon.
Naawa ang Bathala dahil minamahal ni
Kabunian ang mga taga-lupa at sinabihan si Kabunian na maghanap ito na isang
tao na may mabuting puso at may takot sa diyos upang di niya lilipulin ang
sangkatauhan. Malugod na tinanggap ni Kabunian ang hamon ng Bathala.
Nagtungo si Kabunian sa isang
mag-asawang nakatira sa Bundok Pulog, pinakamataas na bundok sa buong lupalop.
Si Wigan ay isang mabait na magsasaka, kasama niya ang asawang si Bugan. Di sila nasisilaw sa kayamanan at
piniling mabuhay ng tahimik sa paanan ng bundok.
 |
Kuha ni James Bertuso |
Nagpakita si Kabunian kay Wigan,
ipinaalam nito na galit si Bathala sa mga tao at sinabihan umakyat sa Bundok
Pulog upang mag-alay kay Bathala. Nag-isip si Wigan kung paano niya akyatin ang
matarik na bundok dahil wala pang taong nakagawa nito.
Habang nag-iisip si Wigan, napansin niya
ang hagdanan ng kanilang balay patungo sa tuktok ng kanilang bubungan. Gumawa
ng plano si Wigan upang makabuo ng pormang hagdanan paakyat ng bundok at
linakihan ito para naman kay Kabunian.
Nawawalan na ng pasensiya si Bathala sa
mga tao at binalaan niya si Kabunian. Muling nagmakaawa si Kabunian na bigyan
pa siya ng kaunting panahon. Makalipas ng ilang taon, habang gumagawa ni Wigan ng
hagdan sa bundok, biglang nagkaroon ng digmaan sa lupa.
Nagalit si Bathala at linipol niya ang
sangkatauhan sa pamamagitan ng malaking baha.Kahit patuloy ang malakas na buhos
na ulan, patuloy pa rin si Wigan na gumawa ng hagdan. Dahil sobrang taas ang
bundok, hindi pa inabot ito ng tubig
Sa wakas, inabot ni Wigan ang tuktok ng
bundok at agad na nagsindi ng apoy upang mag-alay kay Bathala. Nagmakaawa si
Wigan na tigilan na ang baha. Pinakinggan siya ng Bathala at nagpakita siya kay
Wigan at sinabing bigyan pa niya ang sangkatauhan ng isa pang tsansa.
 |
Kuha ni Loraine Ricaborda |
Dahil dito, katuwang na ni Wigan ang mga
nakaligtas na tao upang gumawa pa ng maraming hagdan. Sa tulong na rin ni
Kabunian, gumawa sila ng maraming hagdan at pagdaan ng maraming taon, tumubo ng
mga palay at iba pang halaman upang may makain ng mga tao.
Dito nabuo ang mga Hagdan-Hagdan Palayan
sa Mt Province. Hanggang ngayon, napanatili ng mga tao sa Ifugao ang ganda ng hagdan
dahil sa pagmamahal sa Maykapal. Ayon sa iba, ginamit daw ni Bathala ang
hagdan-hagdang palayan upang bumaba sa lupa at makihalubilo sa mga tao. #30
Kwento
ni Erlinda Bot-og, 69-anyos na lola isang magsasaka at gabay ng mga turista sa Bomod -ok falls, Sagada, Mt Province.