Friday, August 20, 2010

CANADIAN BRIEFS

5 generic products na pareho sa branded products

Dahil sa resesyon, karamihan ng mga namimili ay nagtitipid sa pamamagitan ng pagpili sa mga generic product kaysa branded products. Halos kahat ng produkto ay meron generics at di-hamak na mas mura. Pero, kailangan alamin kung kailan bumili ng generics.

Mga produktong pwedeng ng “generic versions:”

Cereal: Okey lang bumili ng generic brand na cereal. Gayunpaman, marami mga namimili ang nagsasabi, na ang generic cereal ay halos kapareho sa kanilang brand name counterparts. Tulad na lamang sa isang 14-ounce box na branded corn flakes na ang presyo ay umaabot sa $2.99, habang ang generic corn flakes ay 99 cents. Kung may pag-alinlangan, suriin ang label ng brand product at ikumpara sa mga sangkap ng generics. Matutuklasan na ang sangkap ay halos parehas. Sa madaling salita, nagbabayad ng extrang halaga para sa corporate mascot.

Prescription: Kung nais makatipid ng malaking halaga ng pera sa mga prescription drug, bumili ang generics dahil mas mababa ang halaga ng 20%-80%, kumpara sa branded medicines. Noon 2008, ang retail price ng branded prescription ay $137.90 kumpara sa generic prescription na $35.22. Karamihan ng mga namimili ay nangangamba na baka hindi ligtas ang generic prescriptions. Ngunit, ang pharmaceutical companies ay gumagamit ng mga parehong sangkap ng mga gamot na ginagawa ng mga branded companies.

Over-the-Counter Medicines: Tulad ng mga prescription drug, malaki rin ang matitipid sa over-the-counter meds, kung generics ang pipiliin. Tulad nang pagbili ng Tylenol, Nyquil o Zantac, may mga murang gamot sa over-the-counter na nagtataglay na parehong sangkap at aprubado ng Food Drug Administration.

Basic Baking Products: Kung nais magimbak ng mga baking basics sa paminggalan, piliin ang generic versions. Tulad ng arina, butter, spices, asin at asukal, ang mga generic baking staples ay halos pareho sa mga branded. Ang mga pagawaan ng generics single-ingredients ay kailangan sumunod sa regulasyon sa paggawa at pagimbak katulad ng mga branded company.

Fresh Fruits and Veggies: Maaring isipin ang mga prutas at gulay na makikita sa mga malalaking supermarket ay mas maraming bitaminang at mas ligtas kainin dahil ginamitan ng makabagong teknolihiya. Pero, lumalabas na ang mga prutas at gulay na “locally produce” ay kasing-ganda kaysa mga branded at mas mura pa ang presyo. #30#

Sino sa kambal ang ikukulong?




Sobrang naguguluhan ngayon ang mga prosecutor sa New York dahil hindi nila alam kung sino sa kambal ang may sala sa isang naganap na krimen.

Ang magkakambal ay sina Edward at Raymond Nicken, 31-anyos, ay magkasama ngayon sa iisang piitan matapos ireklamo ang isa sa kanila nang pamamaril.

Naituro nang mabuti ang mga saksi na isa sa kambal ang may kasalanan ngunit ang problema kung sino sa kanila dahil pareho kasing manamit, mukha, pananalita at galaw.

Pero wala rin silbi matapos makaisip ang mga prosecutor na kunan ng litrato ang akusadong kambal na nakadamit at nakahubad upang matukoy kung sino ang may sala dahil halos magkapareholang ang dalawa. #30#

Sugalerong nanalo premyo di nakuha




AUCKLAND, New Zealand – Laking pagsisi sa sarili ang isang sugalero matapos manalo sa plarong poker ng $44,000 ngunit hindi binigay dahil ipinagbawal ang sarili na magsugal sa casino.

Halos tulala si Sothea Sinn, 28-anyos, matapos manalo sa Caribbean poker game sa SkyCity Casino, ngunit hindi ibinigay ang premyo dahil bawal pala siya nang mismong ipagbawal ang sarili na magsugal dito.

Pera na naging bato pa ang tanging namutaw sa bibig ni Sinn dahilnakalimutan na niya noong 2004, sa sobrang pagkahumaling sa sugal, mismo ipinagbawal ang sarili na maglaro sa SkyCity Casino.

Matapos manalo, napag-alaman ng mga casino personnel na banned pala siyang maglaro sa SkyCity, kaya walang silbi ang pagkapanalo niya.

Tangka naman ni Sinn na magsampa ng kaso laban sa SkyCity sa korte sa hindi pagbigay ng premyo niya. #30#

Halaman tumubo sa baga ng isang guro




Massachusetts, USA – Isang matandang lalaki ang inakalang may sakit na kanser sa baga, pero ang inaasahang tumor ay isang halaman na tumubo sa kanyang katawan.

Si Rom Sveden, 75-anyos, isang retiradong guro ay isinugod sa ospital matapos makaramdam ng kakapusan sa paghinga at pananakit sa baga.

Matapos ang ilang beses na pagsusuri ng mga doctor ang baga ni Sveden, nagulat sila sa kanilang natuklasan.

Sa halip na tumor ang nakita, sa tulong ng X-ray, nadiskubre nila ang isang halaman ang tumutubo sa baga ni Sveden.

Isang halamn na pea na may laking 12mm o 0.5 pulgada ang nakabaon at buhay sa loob nang katawan ng naturang propesor.

Natuklasan ng mga doktor, nagmula ang halaman sa pagkain ng pea beans at nagkamali ng pagpasok matapos lunukin at sa baga dumiretso sa halip na sa tiyan.

Pero, laki pa rin ang pasasalmat ni Sveden dahil hindi daw kanser ang nakita kundi halaman mula sa araw-araw na pagkain ng pea beans. #30#

Sunday, August 15, 2010

Pagkalat ng nakamamatay na super bug babala




Nagbabala ang mga siyentipiko ang posibleng pagkalat nang mas mapanganib at nakamamatay na sakit na dulot ng super bug.

Mula sa tawag sa New Delhi na metallo-lactamase-1 NDM-1 o Super Bug, ang naturang virus ay higit pang mas malakas kaysa HN-1 at Ebola virus.

Walang lunas ang kahit anumang klase gamot, vitamins at kasama na ang antibiotic, sa bagsik ng super bug, ayon kay Timothy Waish, pangunahing researcher sa virus.

Wala ring pinipiling lugar ang super bug, kaya nitong mabuhay sa malamig at mainit na lugar, ns umaabot na sa Europa at US ang mga taong naapektuhan ng virus.

Naiulat na meron ng super bug sa Great Britain at tatlo naman sa US , lahat ng mga pasyente ay diumano nagpunta o dumaan sa bansa ng India .

Sintomas ng super bug ay mataas na lagnat na may kasamang urinary tract infection, bacteremia o pneumonia, papahirapan ang maysakit hanggang mamatay.

Nakakatakot kung sakali magkaroon ng world outbreak dahil walang makakapigil sa tindi ng virus ng super bug at wala pang lunas ang nadiskubre at hindi pa tukoy ang pinangalingan ng bacteria.

Ang tangi na lamang paraan upang mapigilan ang paglaganap ng super bug ay ang pagsunod sa katagang “prevention is better than cure,” maging malinis sa kapaligiran at sa katawan at ang mga nagkasakit ay ilagay lamang sa iisang lugar.

Binigyan naman ng travel advisory ang mga tao na iwasan munang pumunta sa bansang India lalo na sa New Delhi , dahil laganap ang super bug
dito.

Sinusubukan naman ang mga bihasang siyentipiko sa buong mundo na makagawa sa lalong madaling panahon ng Kryptonite antibiotic upang malabanan ang super bug bacteria. #30#

Alkohol mabisa sa rayuma




Alam nyo ba na ang pag-inom ng alkohol tulad ng alak at serbesa ay nakababawas nang rheumatoid arthritis o rayuma, ayon kay Gerry Wilson, isang professor ng Rheumatology ng University of Sheffield ng England.

Sa ginawang pag-aaral, lumalabas na ang umiinom ng alkohol ay malulusog ang mga dugtungan ng mga buto (joints) at daluyan ng mga dugo kaya’t di nagkakaroon ng rayuma, kaysa sa mga taong hindi umiinom at tumataas ang posibilidad na mananakit ang kanilang kasukasuan.

Ikinumpara ng mga researcher ang 873 pasyenteng may rheumatoid arthristis sa 1004 taong walang sintomas ng rayuma, tinanong kung umiinom ng alak, kinuhanan ng x-ray, blood test samples at sinuri ang kanilang mga dugtungan ng buto.

Lumabas sa pag-aaral, nakitaan ang mga hindi umiinon na apat na beses nagkakaroon ng rayuma kumpara sa mga taong umiinon ng alak sa loob ng mahigit 10 beses sa loob ng isang buwan.

Nadiskubre ng mga researcher na umiinom ng alak ng isang anti-cyclic citrullinated peptide (CCP) o anti-CCP antibodies sa mga walang rayuma, paliwanag ni Dr. James Maxwell, bihasa sa Rheumatoid Arthristis ng Rotherham Foundation NHS Trust.

Napagalaman ng mga researcher na ng Anti-CCP antibodies ay meron sa dugo ng mga taong may sintomas ng rayuma sa tuwing nagpapasuri sa doktor.

Subalit wala pang ganap na ebidensiya kung bakit ang alkohol ay mabisang pangtangal ng rayuma, ang pagaaral na ito’y hindi pa ganap at meron limistasyon.

Tugon ni Dr. Maxwell, na kulang pa ang pag-aaral upang patunayan mabisa ang alkohol sa rayuma at hindi matukoy ng mga dalubhasa kung gaano kadalas uminom ng alak, ilang beses sa isang araw, anong klaseng alak ang iinumin at klase ng buhay mayron sa mga taong walang rayuma. #30#

Friday, August 13, 2010

Resibo delikado sa tao




Mahalaga ang resibo kapag bumili ng mga bagay sa mga pamilihan. Dito malaman ang halaga ng mga bagay ng nabili. Pero, ingat lang dahil ang resibo o cash register ay nagtataglay pala ng lason at nakasasama sa kalusugan ng tao.

Kamakailan, natuklasan nina John Warner, isang chemist at lider ng Warner Babcock Institute for Green Chemistry at mga kasama na ang resibo o cash register nakalalason pala sa tao matapos magsagawa ng ilang eksperimento.

Sa kanilang pagsusuri, ang resibo kasi ay nagtataglay ng kemikal na Bisphenol A, na galing sa mga receipt printer machine na madalas ginagamit sa mga supermarket, convenient store, fast food, gas station at ATM machine.

Ang Bisphenol A ay isang uri ng delikadong kemikal na kung masobrahan nang pagkalantad, pwedeng magkasakit sa puso. At sa mga bata naman nagkakaroon ng problema sa pag-iisip at nagiging obese at para sa mga buntis ay magkaroon ng metabollica disease.

Isang pangunahing sankap ang Bispenol A sa paggawa ng mga papel na inilalagay sa loob ng isang receipt printer, ang kemikal na ito ang tumutulong sa tinta ng receipt printer upang dumikit ang kulay tuwing ginagawa ang mga resibo.

Sa resulta ng experimento, sa 10 resibo nakolekta sa lugar ng Boston, walo ang positibo sa Bisphenol A, anim dito ang may 1.09% hanggang 1.70% Bisphenol A, dalawang natitira ay nakitaan nang .30% at .83% Bisphenol A.

Dagdag pa ni Koni Grob, co-author ng pag-aaral, madaling dumikit ang Bisphenol A sa balat ng tao lalo na kung basa at hindi madaling hugasan.

Sa ginawang eksperimento ni Grob, walang epekto kahit pahiran nang ethanol alcohol upang tanggalin ang Bisphenol A, bagkus ay pumapasok ang kemikal sa loob ng daluyan ng dugo.

Dipensa naman ni Warner, matagal na pagkalantad ang kinakailangan bago maging mapanganib sa tao ang Bisphenol A at ang isa hindi naman palaging hinahawakan ng tao ang mga resibo. #30#