![]() |
The House Carpenter by Clarence "Tom" Ashley |
Noong unang panahon, may isang matandang
karpintero ang nais ng magretiro sa kanyang trabaho. Ipinarating niya sa
kanyang mabait na amo na balak na niyang tumigil sa paggawa ng mga bahay, at nais
mamuhay ng tahimik na kasama ang kanyang pamilya.
Labis na nanghinayang ang kanyang amo at
nalungkot dahil ang matandang karpintrro ang pinakamagaling na aluwage sa lahat
ng kanyang mga tauhan. Sa huling
pagkakataon, nakiusap ito kung maari pa siyang ipagtayo ng isa pang bahay.
Dahil matagal na ngang amo, pumayag
naman ang matandang karpintero, ngunit, lingid sa kaalaman ng kanyang amo, may
namuong galit sa loob ng karpintero, dahil hindi pa siya pinagbigyang sa kanyang
kahilingan.
Nang mag-umpisang magtrabaho ang matandang
karpintero, matamlay itong hinarap ang kanyang trabaho at tipong walang ganang
gumawa ng bahay.
Kaya, ang mga napiling ng matandang
karpinterong mga materyales ay hindi matibay, mahina ang mga pundasyon ang
ginawa, manipis na bubong ang inilagay at halatadong minamadali ang paggawa ng
bahay.
Maaga naman natapos naman ng matandang
karpintero ang bahay. Pinuntahan niya ang kanyang amo upang kunin ang kanyang sahod
at makapagpaalam na rin. Ngunit, laking gulat ng karpintero, dahil sa halip na
pera, susi ang ibinigay sa kanya ng amo.
Ang bahay pala na ipinatayo ng amo ay
regalo sa matandang karpintero. Dahil sa tagal ng serbisyong ibinigay sa amo, ibinigay
ito sa kanya bilang pasasalamat dahil sa nakakaibang-talento taglay niya bilang
aluwage.
Nagulat at malaking hinayang ng matandang
karpintero. Kung alam lang niya na para sa kanya ang ipinatayong bahay, dapat
pinag-ibayo niya ang pagtatayo at paggawa at pinatibay ang bahay at hindi
binalasubas.
Tulad din natin ang karpintero,
sumasalamin sa buhay ng isang tao, bawat-araw, bawat-oras o bawat-minuto,
hinuhubog natin ang ating sariling bahay. Pinupukpok ng martilyo, pinapalakas
ang pundasyon, pinapatibay ang bubungan dahil tayo ang umuukit sa sarili natin
buhay.
Samakatuwid, ang buhay natin ay ang
resulta sa mga naging desisyon at kilos natin sa mga nakalipas na panahon. Tayo
mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. #30#