
Matagal nang sinisira ng mga daga ang mga
pananim ng mag-asawa, halos malugi na ang sakahan nila, kaya, di na sila
nakapagtimpi at gumawa ng mga patibong upang puksain ang mga daga.
Walang malay ang mag-asawang magsasaka na
nakita pala sila ng bubuwit at mabilis na pumunta ito sa ibang bahagi ng bukid upang
ipaalam sa mga ibang hayop na naroroon tungkol sa inilagay na patibong.
Nagsumbong ang bubuwit sa inahing manok,
wala naman maibigay na tulong ito dahil ang pagkaalam niya, ito ay ginawa ng kanyang
amo upang puksain ang mga daga, kaya, sinabi nito sa bubuwit na hindi niya ito
matutulungan.
Sumunod naman na pinuntahan ng bubuwit ang
kulungan ng mga baboy upang humingi ng
tulong. Tulad ng manok, wala rin maitutulong ang mga baboy at nangako na lang
sila na ipagdarasal na lang nila ang mga daga.
Ang huling pinuntahan ng bubuwit ay ang
baka, nagmakaawa itong humingi ng tulong, ngunit, hindi ito pinansin n, bagkus,
itinaboy ang bubuwit at ipinagmalaki na hindi siya tatablan ng patibong.
Umuwing malungkot ang bubuwit at
binalaan na lang ang mga kasamahan-daga na umiwas sa mga patibong na inilagay ng
magsasaka.
Isang gabi, nagising ang asawa ng
magsasaka dahil sa isang malakas na ingay na galing sa patibong. Tinignan niya
ito at nakitang may nahulog sa patibong. Lumapit upang itapon ang akala niyang
daga, ngunit, isa pala itong makamandag na ahas at tinuklaw ang kanyang paa.
Mabilis na isinugod ang asawa ng
magsasaka ito sa ospital upang gamutin at hindi nagtagal, gumaling din ito,
ngunit, nagkaroon ng isang matinding karamdaman ang babae.
Ang lalaki ay pumunta sa kanyang bukid at
kinatay ang manok upang iluto para sa kanyang nanghihinang asawa. Makalipas ang
ilang araw lumalala ang kondisyon nito. Dahil sa sobrang lungkot, pinuntahan niya
ng kanyang mga matalik na kaibigan.
Kinatay ng magsasaka ang kanyang alagang
baboy upang gawin handa sa kanyang mga kaibigan. Hindi nagtagal, nasawi rin ang
kanyang asawa at dumagsa ang maraming tao upang makiramay. Kinatay ang kanyang baka
upang gawing handa sa mga nakiramay.
Aral: Huwag balewalain ang isang taong
humihingi ng tulong at laging tandaan kung may problema sa isang bahay lahat ay
damay. #30
No comments:
Post a Comment