Friday, April 8, 2011

Kwento ng mga gamit ng karpintero




Isang araw nagpulong ang mga gamit ng karpintero, Si Martilyo (hammer) ang namuno, ang mga kasama niya ay nais siyang paalisin dahil napakaingay daw siya kung magtrabaho.

Dinepensahan ng Martilyo ang kanyang sarili. “Kung aalis ako dapat si Barena (gimlet) din aalis dahil wala naman siyang gaanong pakinabang sapagkat pambutas lang siya ni Amo,” paliwanag ni Martilyo.

Sumagot si Barena, “Tanggap ko aalis ako ngunit kailangan rin umalis ni Birador (screwdriver) dahil kailangan paikutin siya ng paikutin upang mapakinabangan.”

Binalingan naman ni Birador ang ibang mga kasama, “Kung nais niyo akong paalisin, si Katam (plane) ay kailangan din mawala dahil ang trabaho niya maghugis lang ng mga bagay.”

Sagot naman ni Katam, “Kung mawawala ako dapat din mawala si Lagare (Saw) dahil lagi si nakakaputol ng gamit.”

Nagalit si Lagare, “E paano naman si Ruler (reglador) walang ginawa kundi sukatin ang kahit anuman mga bagay.”

Sinilip naman ni Ruler si Papel de Liha (sandpaper), “Ganun ba kailangan din umalis si Papel de Liha dahil wala siyang ginawa kung di lihain ang anumang bagay.”

Naputol ang pagtatalo ng mga gamit ng dumating ang kanilang Amo. Ang Karpintero ay may ginagawang upuan kinuha niya sina Martilyo, Barena at Lagare. Ginamit rin niya sina Katam, Birador, Ruler at Papel de Liha. Lahat sila ay ginamit ng Amo at binigyan ng kahalagahan ang bawat isa upang makabuo ng isang bagay at makapagtrabaho.

Gintong Aral: Lahat tayo ay may kanya-kanyang katangian. Walang sinumang tao ang nabubuhay na walang kwenta. Dahil lahat tayo ay ipinanganak sa may mukha at mula sa Diyos, kayat lahat tayo ay magkakaibang mga katangian na kailangan ipagpasalamat sa Diyos. #33

No comments:

Post a Comment