NEPAL – Isang lalaking magsasaka ang aksidenteng
nabaril ang sariling anak matapos pagkamalan unggoy na nagnanakaw sa kanyang mga
pananim.
Dahil laging pineperwisyo ng mga unggoy
ang mga pananim ni Gupta Bahadur, 55, kaya, napilitan bumili ng baril upang may
pantaboy sa mga makukulit na matsing.
Kamakailan, muli na naman sinalakay ng
mga unggoy ang mga pananim ng Bahadur. Dahil ayaw na niyang mapinsala pa ang
kanyang mga pananim, hinabol niya ang mga ito na dala-dala ang kanyang riple.
Kasama ni Bahadur sa pagtaboy sa mga
unggoy ay kanyang anak na si Chitra Bahadur Pulami, 12. Habang hinahabol niya ang
mga unggoy ay binabaril niya ang mga ito at dito naisipan naman ng anak na umakyat
sa isang puno upang tumulong itaboy ang mga unggoy.
Matapos maitaboy ni Bahadur ang grupo ng
mga unggoy, bumalik ito sa kanyang sakahan. Ngunit, meron siyang napansin sa itaas
ng puno na gumagalaw na bagay at inasinta niya nito ng kanyang riple sa
pag-aakalang matsing at saka pinutukan.
Natuwa naman si Bahadur nang makita niyang
nahulog ang binaril niyang bagay at saka nilapitan. Ngunit, laking gulat niya
ng malaman anak niya pala ang binaril.
Dahil dito, mabilis na itinakbo ni
Bahadur ang anak sa ospital dahil sa tama sa ulo. Ilang raw din nanatiling
kritikal ang kundisyon ni Chitra sa pagamutan at sa kalaunan namatay rin ito.
Abot langit ang pagsisi ni Bahadur sa
kanyang nagawa at agad na sumuko sa pulis na hanggang ngayon ay nasa kulugan pa
rin at di makapaniwala sa nangyari. #30
No comments:
Post a Comment