Sunday, September 16, 2012

Pag-Mina sa Kalawakan




Washington, USA - Pinagaaralan ng mga siyentipiko ngayon kung maari minahin ang mga naglalakihang mga asteroid.

Magpadala ng mga robot ships sa kalawakan upang magmina ng mga asteroid at
pagkakitaan, ito ang balak ng Planetary Resources Inc, isang bagong tayong kumpanya sa Amerika.

Ayon sa mga eksperto, binabalutan ng mga mineral na platinum at ginto ang isang asteroid, ito ang nais ng Planetary Resources Inc , ang magamit ang minerals nito.

Malaking palaisipan parin sa mga siyentipiko kung paano ma extract ang mga minerals  ng asteroid, at natinding pagsubok pa ang makakuha ng asteroid sa kalawakan dahil sa layo nito sa mundo.

Ngunit kahit gaano kahirap desidido ang sina Eric Anderson at Peter Diamandis founders ng Planetray Resources Inc, na mag invest sa mga asteroid. #30

No comments:

Post a Comment