
Ang Axe, kumpanyang gumagawa ng personal na pag-aalaga ng mga
kalalakihan, katuwang ng Space XC, isang ahensiya para sa kalawakan na nakabase
sa US ay balak na magpadala ng isang Filipino sa kalawakan.
Tinawag itong “Axe Apollo Space Academy” o AASA, na pipili ng isang Pinoy
sa mga libu-libong kalahok, subalit, kailangan
dumaan ang sinuman nang iba’t ibang mga pagsubok at matitira ang matibay upang
mapanalunan ang libreng sakay papuntang kalawakan.
Inaasahan tatagal ang pagsubok hanggang taon 2014, kailangan pa din
magsanay at mapakondisyon ng sarili ang sinuman manalo dahil hindi biro ang
maging isang astronawta.
Bukas sa mga lalaking ang edad ay 18 anyos ang AASA, bukod sa
Pilipinas, 21 bansa ang maghahanap rin ng sarili nilang Axe astronaut. #30
No comments:
Post a Comment