Sa malayong gubat, meron isang puting
Kabayo na ubod ng ganda, araw-araw pinagmamasdan ang kanyang sarili sa malinaw
na tubig. Hangang-hanga siya sa kanyang sarili dahil sa gandang na kanyang
taglay.
Perpekto ang pagkalikha ng Diyos sa
Kabayo, makintab na balahibo, kulay-bughaw ang mga mata at may napakaamong
mukha. Ngunit, hindi pa rin siya kuntento sa kanyang angkin na ganda.
Minsan naisipan nitong kausapin ang
Diyos, “Ama na nasa Langit. Ang ibinagay
mo sa akin na kagandahan ay lubos kong pinasasalamatan, ngunit, gusto ko sanang
mas lalong gumanda pa na pinakamaganda sa lahat ng inyong nilikha.”
Pumayag naman ang Diyos, “ Ano ba gusto
mong baguhin ko sa katawan mo upang lalong gumanda ka pa?”, tanong ng Panginoon
Laking tuwa ng kabayo dahil dininig ng
Diyos ang kanyang panalangin, at agad itong humiling. “Gusto ko po sanang humaba
ang leeg ko dahil maikli ito, ang katawan ko naman lalong gaganda kung
papahabain mo pa ang mga paa ko at papayatin.”
Wala patumangging ipinagkaloob ng Diyos
ang hiling ng Kabayo. Pinahaba nito ang kanyang leeg, kasama na ang kanyang paa
na humaba at pumayat din.
Laking galak ng Kabayo, dali-dali itong
pumunta sa lawa upang tignan ang sarili, subalit, halos hindi siya maniwala sa
nakita niya .
Naging kamelyo na ang anyo ng Kabayo at
nagsusumigaw ang Kabayo sa Diyos, bakit binago ang kanyang hugis. “O Diyos ko
paumanhin, bakit pumangit ang itsura ko?”
Tinanong naman siya ng Diyos. “Di ba ito
ang gusto mong mangyari maging isang kamelyo?”
“D i ko po gustong maging kamelyo, gusto ko ang
dati kong anyo na isang kabayo, walang magkakagusto sa aking kapag ako’y isang
kamelyo, wala na akong silbi,” sagot ng kabayo.
Nagalit ang Diyos sa Kabayo, “ Lahat ng
aking nilikha ay meron silbi, Di ba ito ang nais mo. Huwag kang maghangad ng sobra dahil di ka
nakuntento sa dati mong itsura. Oo nga’t mas maganda ka sa kamelyo, ngunit mas
mabigat ang responsibilidad nito kaysa sa iyo na isang kabayo.” #30
No comments:
Post a Comment