Monday, July 4, 2011

Ang Maliwanag na Araw at ang Madilim na Gabi




Isang araw, nang pasikat pa lang si Araw at si Gabi naman ay palubog, sa kauna-unahang pagkakataon kinausap ni Gabi si Araw.

Sabi ni Gabi, “Alam mo Araw ang liwanag mo ay mawawala din at bilang na ang araw mo. Isa kalang kasing usok at apoy, kaya ang oras mo ay malapit na at mamamatay ka rin tulad ng lahat ng bagay sa mundo, ngunit ako ay mabubuhay habambuhay.

Natakot si Araw sa sinabi ni Gabi, kasi ngayon lamang napagsabihan ng ganitong kasama. Lahat ng mga nilalang sa mundo ay maganda ang pakikitungo kay Araw. Lahat ng ibon, hayop, at kasama na ang mga tao ay mga kaibigan, kayat, ang ginagawa tuwing umaga ay nagtatago kay Ulap.

Lalong ininis ni Gabi si Araw, tuwing madaling araw, laging sinasabihan si Araw ng ganito – darating ang panahon ang buong mundo ay didilim at ikaw ay mauupos din at magiging malamig. Hindi ka kailangan ng mundo ang malaking bolang apoy. Ikaw ay ginawa sa umpisa at darating ang panahon ay matatapos.

Patuloy ang pang-aasar ni Gabi kay Araw. Hanggang nasanay na si Araw at hindi na lamang ito pinapansin at nagpatuloy sa pagsinag sa mundo. Naging masaya si Araw at lalong pang pinasigla ang sinag niya. Halos matalbugan na niya si Gabi.

Kapag si Gabi ang nasa kalangitan, tinatakot ang lupain at mga nilalang sa mundo. Ngunit, pagsapit ng tanghali, naririnig niya ang mga usapan bulaklak at insekto na anong mangyayari sa kanila kung mawawala si Araw at paano na sila mabubuhay?

Ngunit, ang mga nilalang sa mundo ay may sariling kapalaran. Ang lahat ay nagpatuloy sa kanilang mga buhay at laong ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya upang mabuhay ng matiwasay, at umasang may magliligtas sa kanila.

Tuwing madilim, naririnig ng mga nilalang sa mundo ang hikab ni Gabi at mga pananalitang malapit at matatapos ang maliligayang araw nila dahil mawawala na si Araw.

Kaya, naging mailap ang mga nilalang sa mundo kay Gabi. Hindi na nila nagugustuhan ang kanyang mga pananalita at kayabangan. Isang araw, habang nilalamon ni Gabi ang isang lugar kay Araw, tuloy pa rin ang pang-iinis at sinasabing marami ang namatay pagsapit ang kanyang oras at gaano kalamig ang mundo kapag wala na siya.

Hindi pinansin ni Araw ang pang-iinis ni Gabi. Nakaisip si Araw ng plano at may ipinakalat na balita na may kaibigan siyang na dating bolang apoy na nawalan ng sinag. Si buwan ang tinutukoy at ibinalita sa mundo na kasama niya ito.

Ipinagtanggol naman ni Gabi ang kanyang sarili na di niya kailangan si Buwan, kaya niyang mabuhay sa kanyang sarili. Hindi naman pinansin ni Araw si Gabi, dahil ang liwanag ay may sikreto.
Dahil dito, nagtanong si Gabi kay Araw, “Ano ba ang sikreto mo Araw bakit lalo pang sumisinag at gumanda ang apoy mo?” Hindi ito sinagot ni Araw at lalo pang pinaliwanag ang kanyang sinag.

Hindi nakayanan ni Gabi ang pananahiminik ni Araw inulit ang tanong – “Bakit ka masaya Araw? Ano ba ang sikreto mo? Kung may sikreto ka ano ito, Saan yon? At Sino ba yon? Ikaw ay mawawala na. Ilang beses ko itong nakita. Ako lang ang matitira. Mabubuhay ako ng habambuhay. Ngunit kailangan malaman ko ang sikreto mo.”

Sagot ng Araw, “Hindi mo ba makita ang sinag ng araw? Ang ibidensya? Napakaganda ng liwanag nito.”

Ano ang ibidensya? Tanong uli ni Gabi. “Ang nakikita ko lang ay katapusan mo. Pero, kapag ikaw ay manghihina na. Mawawala ang tatlong buhay mo – ang Sinag, Ilaw at Araw.”

“Kaibigan diba ikaw ang may hatid ng kamatayan dahil ikaw si patay, ikaw si dilim at ikaw si katapusan. Alam mo ba kung sino ka? O pinaglalaruan mo lang ang sarili mo. Nakita mo ba ang liwanag, napanood mo na ang ganda ng mundo. Ikaw ang naghatid ng kamatayan mo. Di ba ikaw ang nagsasabi ng sakit, kamalasan, at kamatayan dito, kaya ikaw ang ama ng dilim? “

Mula noon hindi na ginambala pa ni Gabi si Araw. #30

No comments:

Post a Comment