Monday, July 11, 2011
Pinas maingat sa pagkain dahil sa kalusugan
MANILA, Philippines – Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo ang nangunguna na masyadong nagpapahalaga sa kalusugan dahil nag-iingat sa pagkain at mas pinipili ang masusustansiyang mga pagkain.
Ayon kasi sa mga Pinoy, kung nais magkaroon ng malusog na buhay, kailangan idaan sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at malaki ang impluwensiya ito sa bata at gayundin sa mga nakatatanda.
Isa pang dahilan, nais rin silang makaiwas sa mga sakit, dahil nagsisilbing depensa ang mga masustansiyan mga pagkain upang maging malusog ang buhay.
Ayon sa pag-aaral ng isang grupo mula Britanya, sa 17 bansang pinag-aralan, lumalabas ang Pilipinas ay mas nagbigay halaga sa kinakain dahil pinapangalagahan ang kanilang kalusugan kahit hindi gaano kasarap ang isang pagkain.
Halos 63% mga Pinoy na tumogon ang nagpahalaga sa nutrisyon ng kinakain, dahil na rin sa katayuan ng bansa na maraming sakit na kumakalat at sa hirap ng buhay kaya marami ang naging mapili sa mga kinakain.
Ang malusog na pagkain ay magandang epekto sa isang bansa dahil ang malulusog na mga mamamayan ay katumbas ng isang malakas na bansa. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment