Saturday, July 16, 2011

News Brief Canada


Ottawa tutulong sa paggawa sa dumi ng baka maging ‘fuel’

OTTAWA – Mahigit-kumulang sa $3.4 milyon ang magiging pabuya sa mga mananaliksik sa University of Western Ontario na makapagbigay ng ambag sa ikaka-tagumpay na planong gawin enerhiya ang dumi ng baka.

Naglaan ng pondo ang federal na galing sa Natural Sciences and Engineering Research Council, upang tulungan ang pag-aaral upang gawing enerhiya ang dumi ng baka.

Halos $411 milyon ang inalaan upang suportahan ang pag-aaral at isang malaking hakbang sa larangan ng siyensiya sa bansang Canada , ayon kay Susan Truppe, conservative MP sa London , Ottawa .

Maganda rin bigyan ng pabuya sa mga taong makakatuklas tulad sa nagawa ng mga mananaliksik ng UWO, dahil malaki ang ma-iaambag sa ating bansa, upang mahikayat na gumawa ng mga importante bagay na makakatulong sa bansa, pati na sa buong mundo, dagdag ni Truppe. #30#



Lamok sa Toronto may West Nile Virus

TORONTO – Positibong taglay ng mga lamok sa Toronto ng nakakamatay na “West Nile Virus,” ayon sa pagsusuri ng Toronto Public Health.

Natuklasan ng mga health officials sa pamamagitan ng paghuli ng mga lamok sa kanilang mga lungga sa lahat ng bahagi ng lungsod, at naglagay ng 43 mosquito traps na ikinalat upang makahuli ng mga lamok at masuri ito.

Pinag-iingat ang mga mamamayan sa Toronto , dahil may mga lamok na positibo sa virus at dapat proteksyonan ang kanilang sarili sa kagat ng mga lamok, babala ni Dr. Howard Shapiro, associate medical officer ng Toronto Public Health.

Natatandaan noong 2001 at 2002 nagkaroon ng pagsilakbo ang West Nile Virus sa Toronto, 163 taong nagkaroon nito at 11 ang namatay sa sakit. #30#

No comments:

Post a Comment