Sunday, April 29, 2012
Pagmimina sa kalawakan pinag-aaralan
Masusing pinag-aaralan na ngayon ng mga siyentipiko ngayon kung maari magmina sa mga naglalakihang mga asteroid sa kalawakan
Nagpadala ng mga sasakyang robot sa kalawakan upang magmina sa mga asteroid at pagkakitaan ito ang balak ng Planetary Resources Inc, isang bagong tayong kumpanya sa Amerika.
Ayon sa mga dalubhasa, binabalutan ng mga mineral na platinum at ginto ang mga asteroid, nais gamitin ng Planetary Resources Inc. ang minerals nito.
Malaking palaisipan parin sa mga siyentipiko kung paano ma makuha ang mga minerals ng asteroid, mas malaki pa ang pagsubok paano marating ng mga asteroid sa kalawakan dahil sa layo nito sa mundo.
Ngunit, kahit gaano kahirap, desidido ang sina Eric Anderson at Peter Diamandis, mga nagtatag ng Planetray Resources Inc, upang maglagak ng puhunan sa mga asteroid. #30
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment