Sunday, April 15, 2012

Text may magandang idudulot


Mula sa isang pag-aaral ng mga dalubhasa, nakakabobo daw ang pag-tetext dahil sa mga pinaiksing mga salita o maling ispeling, meron din naman daw magandang idudulot ang teksting.

Batay sa masusing pag-aaral na isinagawa ng Simon Fraser University, Universite de Montreal at University of Ottawa, na pinamagatang Text4Science Project, kabilang na sa sining ang pagtetext dahil nagiging malikhain o creative ang isang tao sa paggawa ng text messages.

Sa panahon ito, nais ng karamihan tao ang mabilis, kaya, pati ang pagbibigay mensahe ay pinaiksi na rin upang lalong mas mabilis ang paghahatid.

Kung natatandaan, nauso ang mga palahudyatan o codes noong unang mga panahon, upang mapaikli, mapabilis ang paghahatid o maitago ang isang mensahe, ayon kay Christian Guilbault, propesor ng Simon Frazer Univ.

Ang pinaiksing GTG ( Good to go), LOL (Laughing out loud) o BRB (be right back) ay hindi na bago dahil noon unang panahon, ang salitang “later” na panaikli ng “l8r” o “wait” sa w8 na parang stenography.

Hindi maging madali paikliin ang isang mensahe, dito masusubukan kung gaano malikhain ang isang tao, sa 160 characters ng isang pangkaraniwang cellphone kailangan mapaikli ang paggawa ng mga mensahe dito.

Ngunit lahat ng sobra ay masama at ang paggamit ng “shortcut terms” sa mga lenguahe ay dapat sipatin ng mabuti. Okay lang gamiting ang shortcut term ngunit kung sumobra magiging masama, dagdag ni Guilbault. #30

No comments:

Post a Comment