Sunday, April 29, 2012

Pinoy magaling magsalita ng Ingles




Nangunguna ang bansang Pilipinas sa mga pinakamagaling magsalita ng Ingles sa larangan ng negosyo, ayon sa isingawang pag-aaral ng GlobalEnglish Corp. kamakailan.

Base sa pag-aaral, naungusan ng Pilipinas ang India, Norway at Canada, sa larangan ng :business English proficiency,” na kung titignan ang ibang bansa ang wikang Ingles ang pangunahin dyalekto.

Ayon pa sa pag-aaral, ang nakakaibang punto ng pagsasalita ng Ingles ng mga Pinoy, kaya nito gayahin punto ng punto ng mga Amerikano, punto ng mga Ingles at punto ng taga-Europa, kayat, maraming kumpanya ang kinukuhang mga Pinoy bilang “call center agent.”

Batay sa datos ng GlobalEnglish Corp, ang India, na binansagan na sentro ng “call center” sa buong daigdig ay naunahan na ng Pilipinas, pang-walo lang ang India sa “business English proficiency.”

Kasalukuyan, biglang lumobo ang bilang ng mga nagtatrabaho sa mga call center employee sa Pilipinas, at halos umabot na ng 400,000, at 50,000 lamang natin kontra sa India.

Ayon sa GlobalEnglish, ang kaalaman ng wikang Ingles ng mga Pinoy ay nababagay sa buong daigdig at muntikan pa nitong talunin ang Estados Unidos.

Ang nakuhang puntos ng Pilipinas ay nasasalamin sa magandang takbo ng ekonomiya at pakikipagkalakal nito sa buong mundo.

Ang sampung pinakamagaling sa Business English Proficiency ay Pilipinas -- 7.11; Norway -- 6.54; Estonia -- 6.45; Serbia -- 6.38; Slovenia-- 6.19; Australia; Malaysia; India; Lituania at Singapore. #30

No comments:

Post a Comment