Saturday, May 19, 2012

CANADA NEWS BITZ







Salpukan 2 eroplano 5 patay



SASKATCHEWAN – Limang katao ang nasawi matapos magbanggaana ng dalawang maliliit na eroplano sa himpapawid sa Saskatchewan kamakailan.

Nakumpirma ng mga imbestigador ang mga biktima ay nasawi sa mismo lugar kung saan bumagsak ang eroplano sa isang tubigan ng naturang probinsiya.

Napag-alaman rin na meron isang eroplano ang bumagsak sa Saskatoon, ngunit, bago pa man mangyari, na-iulat na may dalawang pang eroplano ang nawawala.

Ang isang eroplano ay ang Piper PA-28, at ang ruta nito ay Calgary papuntang St. Brieuz, dalawang lalaki at isang bata ang lulan nito.

Ang pangalawa naman ay isang Lake Buccaneer amphibious plane na may sakay na isang lalaki at babae na may biaheng Regina papuntang La Ronge.

Patuloy parin ang imbestigasyon ang sanhi ng pagbagsak ng dalawang eroplano at hindi pa matukoy kung bakit nagsalpukan ang mga ito sa himpapawid .#30




‘Volunteers’ kailangan sa paglilinis ng mga pampang ng Vancouver

VANCOUVER - Magsasanib ang Vancouver Aquarium at World Wild Life Fund upang kumuha ng mga boluntaryo na tutulong sa paglilinis ng mga kalat na naiwan ng tsunami sa mga pampang ng British Columbia. mula sa bansang Hapon.

Natatandaan noong Marso 2011 nagkaroon ng malakas na lindol sa Hapon at nagdulot ng malakas na tsunami na umabot hanggang Canada, maraming dumi ang nagkalat sa mga pampang ng BC at nais itong linisin ng World Wild Life Fund at Vancouver Aquarium.

Pagtutulungan linisin ng mga volunteers ang mga nagkalat na bote, plastik, sirang mga gamit at dumi na dulot ng tsunami.

Ang mga gustong maging boluntaaryo ay pwedeng bisitahin ang www.shorelinecleanup.ca kung interesadong sumali sa adhikain ng dalawang grupo. #30



‘Video cam’ makakatulong laban sa mga pasaway na drayber

NOVA SCOTIA – May nakakaibang opisyo si Chris Osborne, isang truck driver, na nilagyan ng bidyo kamera ang salamin ng kanyang sasakyan upang makunan ang mga sasakyan na bumubuntot sa kanya.

Naisipan ni Osborne na maglagay ng bidyo kamera sa kanyang sasakyan upang makuhanan ang mga sasakyan na lumalabag sa batas, mga likuan, sobrang bilis o beating the red light at inilalagay sa youtube.

Minsan ay isinusumbong pa sa mga otoridad ang mga sasakyan na lumabag sa batas ng trapiko, at mismo siya ang tatayong testigo ng mga bidyong nakuhanan at lahat ng mga kaso ay naipanalo niya.

Apat na ang naipapakulong ni Osborne dahil sa kanyang bidyo kamera, pinapayuhan niya ang lahat ng mga brayber na maging maingat at sumunod sa batas-trapiko. #30

Bagong balangkas na istraktura ng sandatahan ng Canada inihayag

Malaking pagbabago ang buong istraktura ng buong sandatahan ng Canada upang makatipid sa pondo, ito ang ipinahayag ng pamahalaan kamakailan.

Nais ng pamahalaan na lahat ng hanay ng Hukbong Sandatahan ng Canada ay pagsasamahin na at ilalagay sa iisang pamamahala sa ilalim ng Canadian Joint Operation Command (CJOC).

Inaasahan na malaki ang matitipid na pera kung ilalagay sa CJOC ang buong sandatahan ng Canada upang maalagaan mabuti ang mga pananalapi nito.

Tinatayang aabot ng 25% ang mababawas sa gastusin ng sandatahan ng Canada sakaling ilalagay ito sa ilalim ng CJOC ang command.

Si Peter MacKay, ministro ng Kagawaran ng Taggulan, ang magiging lieutenant-general ng mamumuno ang buong sandatahan ng Canada. #30

Suspek sa ‘moke bomibing’ sa Motreal kinasuhan na

MONTREAL – Isang lalaki at tastlong babae ang sinampahan ng kasong terorismo dahil sa ‘smoke bombing’ ng Montreal Metro kamakailan.

Kinilala ang mga suspek na sina Francois-Vivier Gagnon, Genevieve Valilancourt, Vanessa L’ Ecuyer at Roxanne Belisle, na mismong sumuko sa mga otoridad.

Kamakailan, nagkaroon ng biglaang ebakwasyon sng daan sa ilalim ng lupa ng Montreal (Lionel-Groulx metro station) dahil sa isang mapinsanlang usok na pansamantalang nagpatigil sa mga ng tren at libu-libong pananakay ay apektado.

Bukod sa kasong terorismo, haharapin din nila ang kason consfiracy and mischief.

Nadiskubre rin na si Gagnon ay naharap ng ng kasong possession of prohibited weapon dahil sa nakuhanan siyang may dalang kutsilyo. Pinaghahanp ng pulisya ang apat na suspek dahil nakuhan sila ng bidyo sa aktong magpapasabog ng “smoke bomb.” #30


























No comments:

Post a Comment