Wednesday, May 30, 2012

Ang Talinghaga ng Lapis





Isang araw isang lalaking dalubhasang gumawa ng lapis ang naisipan lumikha ng limang iba’t ibang klase ng lapis.

Ang Unang lapis niyang ginawa ay napakaganda, pino ang hawakan at tila isang makinang na ginto at napakalinaw ang sulat nito. Ang Pangalawang lapis na kanyang ginawa ay may kakaibang katangian, meron itong pambura sa kabilang dulo.

Ang Pangatlo naman ay pangkaraniwan lang, ngunit maganda rin ang panulat nito, matingkad ang itim at magandang pangmarka kahit anong mga bagay. Ang Pang-apat ay medyo manipis ang panulat at madaling mabali, ngunit, madaling tasahan.

Sa Panglima lapis na ginawa ay medyo hindi kagandahan. Bukod na minadali ito, simpleng kahoy lang ang ginamit sa katawan at hindi pa tasado.

Pagkatapos mayari ang limang lapis agad ibinenta sa tindahan. Ang Unang lapis ang agad na nabili, dahil sa gandang taglay. Ang nakabili nito ay ginawang regalo. Subalit, dahil sa sobrang ganda nanghinayang gamitin nang pinagbigyan hanggang nabulok.

Ang Pangalawang lapis ay napunta sa isang pintor, malaking tulong ang naibigay ng lapis sa pintor dahil tuwing nagkakamali sa pagguhit, nabubura niya ito at nababago hanggang naging mahusay na pintor.

Ang Ikatlong lapis ay napasakamay naman sa isang karpintero, naging matibay lahat ang bahay na kanyang ginawa dahil sa pagmamarka at malaking rin naitulong nito sa pagpaplano nang pagtatayo ng bahay.

Ang Pang-apat na lapis ay napunta sa isang estudyante, sa nipis ng panulat nito lagi itong napuputol o minsan hindi pa malinaw ang marka nito. Ngunit, hindi tumigil ang estudyante at lagi nitong tinatasahan hanggang magkaroon ng magandang panulat.

Ang Panglimang lapis na lang ang hindi nabili dahil hindi kagandahan ito. Itatapon na sana ang lapis nang makita nya ang isang batang pulubi na nakatingin sa kanyang tindahan. Nilapitan ang bata at tinanong bakit nakatingin ito sa tindahan. Sagot ng ng bata, mag-aaral na sana siya sa darating na pasukan ngunit wala siyang panulat. Naantig sa bata at binigay itong ng walang bayad.

Makalipas ng ilang taon may bisita ng gumagawa ng lapis, ang pulubing batang binigyan niya ng lapis. Kwento ng bata bagamat pangit ang lapis na ibinigay niya, ang panulat naman nito ay ubod ng ganda. Tumagal ang lapis sa kanya hanggang siya maging manunulat. Tinanong kung ano ang isinulat niya na gamit ay ang lapis at ang kanyang sagot ay Bibliya.

Aral: Ang limang lapis ay tugma rin sa buhay ng isang tao.

Ang Unang lapis ay sumasalamin, kahit ng anong ganda at galing mo kung wala ka naman pananampalataya sa Diyos, para kang ligaw na bata. Ang ibig sabihin naman ng Pangalawang lapis ay kahit anong pagkakamali na nagawa mo ay kaya mo itong burahin upang mabago.

Ang Pangatlong lapis ay sumalamin sa marka mo sa ibang tao at kung ito nagampanan mo ang tungkulin mo sa iba. Ang Pang-apat na lapis ay tungkol sa buhay ng tao, lahat ng paghihirap ay hangganan, ang mga problema at pagsubok ang tumatasa sa upang maging isang ganap na tao.

Ang Panglima ang pinakamahalaga sa buhay na ito, kung ano ang na sa loob mo ay ito ay nasa puso mo. Ito ay magandang halimbawa ng isang tao na tapat sa kanyang sarili, sa iba at sa Diyos. Walang bahid na dumi at purong puro ang ganda ng kalooban. #30

2 comments: