Sunday, May 13, 2012
Mga benepisyong idudulot ng Facebook
Ang Facebook, ay isang “social networking website” na naimbento noong Peb. 4, 2004. Libreng website sa mga taong naghahanap ng kaibigan, nakikipagtalastasan sa mga kaibigan o mga kaklase, ginagamit na rin sa pakikipagkalakal at maraming pang iba.
Ngayon, nasa ika-walong taon na ang Facebook at ayon sa datos, halos aabot ng 794,564,900 milyon ang mga tumatangkilik nito. Ang kalahati ay aktibong gumgamit ng online. Ating itong bubusisiin ang mga kabutihang maaring idudulot ng Facebook.
Una: Ang Facebook ay isang “social software,” kaya nauso sa mga estudyante at mga bata. Ang mga mag-aaral ay kayang makipag-ugnayan sinuman basta miembro ito sa Facebook. Binansagan itong malayang pagpapahayag, dahil walang itong batas upang kontrolin ipinapahayag, kaya, pwedeng sabihin ang nais na iparating.
Pangalawa: Sa Facebook, malayang makapamili kung ano ang gustong ibahagi sa iba, kung sino ang gustong kaibiganin, kung saan grupo gustong sumali o di kaya umalis.
Pangatlo: Ang mga kliente at gumagamit ng Facebook ay kayang magkaroon ng grupong talakayan. Pwede nilang pag-usapan ang kahit na anong isyu. Ang mga grupong ng talakayan ay nagpapatatag sa isang asosasyon, kumpanya o magkakaiban kinabibilangan.
Pangapat: Sa mga estudyante, ang Facebook ay bahagi na ng kanilang buhay, tulad ng cellphone, na tila hindi matatapos ang araw hanggat di makagamit. Ganito rin ang Facebook, kailangan lang magkaroon ng responsibilidad bago gumamit ng Facebook upang matunghayan ang pinakabagong pinag-uusapan.
Panglima: Sa mga negosyante, sa pamamagitan ng Facebook, pwedeng magbenta ng kahit na anumang bagay na libreng i-anunsiyo. Mga kalakaran ng mga iba’t ibang kumpanya na i-anunsiyo ng kanilang mga produkto, at kung may nagbebenta sigurado meron rin mamimili. Tulad ng mga “online shop” na Bestbuy at EBAY.
Panganim: Bukod sa pakikipagtalastasan, marami rin gamit ang nakukuha sa Facebook, pwedeng rin kumuha ng mga litrato at mga bidyo. Pwede rin gumawa ng blog at ibahagi sa iba. Meron din ibang gamit tulad ng twitter, yahoo at mga online games.
Pangpito: At ang kahanga-hanga ay maaring mag-Facebook sa cellphone, uso ngayon ang mga cellphone ang pwedeng mag-Internet. Tulad ng blackberry, iphone o android cellphone. Lahat ito ay pwede makunekta sa Internet. Sa pamamagitan lang pag-log pwede ng mag-Facebook.
Ngunit, sa bandang huli, maraming magagandang bagay ang naibibigay ng Facebook o kahit anumang “social networking website,” ngunit, ang pinamahalagang tuntunin ay isipin muna bago gumamit o “Think Before You Click” at ang sobrang paggamit dahil anuman sobra ito ay masama. #30
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment