Saturday, June 2, 2012

Planetang tulad ng mundo posibleng aabot ng milyon




WASHINGTON – Hindi lang daw ang mundo ang nag-iisang planetang may buhay sa buong sandaigdigan at maaring aabot daw ito ng milyon ang bilang na posibleng may mga nilalang pang nabubuhay, ayon sa pag-aaral ng ilang mga mananaliksik.

Sa lawak ng sangkalupaan at dami ng kalawakan, malaki ang tsansang mayroon din tulad ng Mundo, isang daigdig na hitik ang mga nabubuhay na organismo at ito ang naging palagay ni Professor Chandra Wickramasinghe, direktor ng Buckingham Center for Astrobiology of the University of Buckingham.

Mula sa teoryang Big Bang, maaaring umaabot ng 750 milyon planeta ang namuo ng buong sangkalupaan, kaya, malaki ang paniniwala ng mga dalubhasa na meron ibang mga nabubuhay na nilalang ang naninirahang milyun-milyong milya ang layo sa Mundo.

Ang patunay nilang kalawakan ay tugma sa Milky Way at ang mga planetang halos kasing-laki lamang ng Mundo, ang mga planetang naka-posisyon sa sariling daangtala, ito ang naging batayan ng mga mananaliksik na magpapatunay na meron ngang alyen.

Ayaw ngang gamitin ni Wickramasinghe ang salitang alyen, dahil buhay na organismo naman ang mga ito, bagamat ibang nilalang at nasa ibang kalawakan at may sarili pang buhay tulad ng tao.

Marami pang dapat na pag-aaralan ng mga tao, hindi sapat ang buhay natin upang malaman kung meron iba pang mga nilalang, ngunit, ang kalawakan natin ay di rnag-iisa at maraming katulad nito kayat naniniwala si Wickramasinghe na meron isang planetang milyun milyong milya ang layo sa mundo na meron rin nabubuhay tulad natin. #30




No comments:

Post a Comment