Isang mumurahin “cancer sensor” ang nalikha
ng 15-anyos na estudyante pa lamang ng mataas na paaralan.
Nakuha ni Jack Andraka, isang estudyante
ng Maryland, ang unang premyo bilang “grand winner” sa naganap na Intel International
Science and Engineering, dahil sa naimbentong “paper sensor” na kayang tuklasin
sa ang isang tao kung may sakit itong kanser.
Higit na mas mura at maganda ang kalidad,
90% ang ganap na kawastuhan, simpleng gamitin at mabilis malaman kung may sakit
na kanser ang isang pasyente kumpara sa mga ibang uri ng “cancer sensor test.”
Ang “cancer sensor”ay yari sa papel. Isa
itong dip-stick sensor at inilalagay sa dugo o ihi ng isang pasyente at ibabad.
Ilan sandali puwede ng malaman kung positibo sa sakit na kan ser ang isang tao.
Nakukuha ng pirasong papel ang protina
ng dugo at mag-iiba ng kulay at kakalat sa papel. Dito malalaman kung meron sakit
na kanser ang isang pasyente
Nabigay inspirasyon kay Andraka ang
kapatid ng kanyang mga kaibigan na namatay sa sakit na pancreatic cancer. Iginunugol
niya ang maraming oras sa pananaliksik at pag-aaral hanggang makaisip siya ng paraan
kung paano makagawa ng isang “dip-stick sensor.”
Mula pa pagkabata, nahilig na si Andraka
sa siyensiya, meron din siyang naimbetong “dip stick sensor” na pwedeng tumuklas
ng polusyon sa tubig. #30
No comments:
Post a Comment