Sunday, June 5, 2011
Ang Toro at ang Oso
Isang araw may isang Osong nakatira sa isang kuweba sa gitna ng gubat. Katabi nito ang bukid na may tinitirahan naman ng isang malaking Toro. Araw-araw pinagmamasdan ng Oso ang Toro sa kagubatan. Kilala ang Toro dahil napakalakas at nakakatakot sa, kaya, nagdadalawang-isip ang Oso kung hahamunin niya ang Toro.
Isang araw, hindi na mapigilan ang sarili ng Oso, kayat biglang nilapitan ang Toro at hinamon ng duelo. Laking gulat ng Toro, at nagtanong, “Kung bakit gusto niyang makipaglaban sa kanya.”
“Dahil nais kong patunayan sa aking sarili na ako’y mas malakas at mas magaling kaysa sa iyo,” sagot naman ng Oso. “Hindi ka mananalo sa akin dahil mas matalas ang aking sungay at kaya kitang sugatan ng malalim,” ani ng Toro.
“Bakit matalas din naman ang aking pangil at kuko, marami na akong natalong kalaban na gustong saktan ang aking anak at kunin ang aking asawa, ako ang hari ng kagubatan,” sagot ng Oso.
“Kung ikaw ang hari ng gubat bumalik ka sa kuweba mo,” ani ng Toro, “Ano? Bakit?”pagtataka ng Oso.
“Ano ang dahilan bakit tayo maglalaban, bigyan mo ako ng magandang dahilan bakit tayo magtutuos. Sinaktan ko ba ang anak mo at inaagaw ko ba ang inyong asawa?” hamon ng Toro.
“Kung matatalo kita mapapatunayan kong mas malakas ako,” sagot naman ng Oso.
“Sige, Ikaw na ang pinakamalakas ngayon umalis ka na at hayaan mo ako dito sa bukid ng mapayapa,” sagot ng Toro.
“Teka, ang ibig kong sabihin, magduelo tayo at ipaglaban mo ang iyon sarili,” akmang pasugod na ang Oso.
“Ikaw ang bahala, ngunit ayoko pa rin kitang labanan, walang dahilan bakit kita sasaktan, hindi mo naman sinaktan ang mga Bakang binabantayan ko at hindi mo naman hinahabol ang amo ko, kayat walang dahilan bakit tayo maglalaban,” depensa ng Toro.
“Hindi ko kayang labanan ang mga Baka dahil hindi nila kayang makipag-away,” sabi ng Oso.
“Oo yun nga, ngunit kung sasaktan mo ang mga Baka, at ipaglalaban ko sila? Masasaktan ako? Sino na ang magbabantay sa mga Baka laban sa mga asong gubat? At kung ikaw ang masaktan sa ating pagtutuos sino na ang mag-aalaga sa mga anak at asawa mo? Ano mangyayari sa kanila?
Napaisip ang Oso, “Oo nga kung may mangyari sa aking sino na ang magbabantay sa pamilya ko.”
“Kaya’t bumalik ka na sa gubat Oso, at mamuhay ng mapayapa at ako rin masayang mamuhay dito sa bukid, “sabi ng Toro.
Bumalik ang Oso sa kuweba at may natutunan sa usapan nila ng Toro. Sa kapayapaan, walang talunan. #33#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment