Sunday, June 5, 2011

Perpektong Puso



Isang araw may isang batang lalaking pinagyayabang ang kanyang puso sa mga tao. Bawat bayan na kanyang pinupuntahan, tinatawag niya ang lahat ng tao at ipinapakita kung gaano kaganda ang kanyang puso. Walang bahid ng dumi at maganda ang hugis ng kanyang puso. Lagi niya itong pinagmamalaki sa bawat lugar na kanyang puntahan.

Sa isang bayan na kanyang napuntahan, habang ipinagyayabang ang kanyang puso sa mga tao, may isang matandang lalaking lumapit sa kanya. “Hindi gaano kaganda ang iyong puso kaibigan kumpara akin.” Tinignan ng mga tao at ang batang lalaki ang puso ng matanda.

Nagtawanan ang lahat na nanduon dahil ang puso ng matanda ay malakas ang tibok, may sugat at napalibutan ng dumi. Sinagot ito ng batang lalaki, “Paano mo nasabing maymaganda ang iyong puso e puno naman ito ng sugat at dumi.” Sumang-ayon naman ang mga taong nanunuod.

“Oo, magandang tignan ang puso mo dahil walang sugat at dumi ngunit ayokong ipagpalit ang puso ko dahil ang bawat sugat at dumi ay nagpapaalala sa akin kung paano angmagmahal. Ang mga bahagi na maganda sa aking puso ay mga taong nagsukli ng pagmamahal na ibinigay ko. Ang mga dumi naman ay mga taong hindi nagbigay ng kaunting pagmamahal at ang sugat ay mga taong nanakit sa akin ngunit ako ay umaasa ang mga sugat at dumi ay maghihilom at malilinis rin dahil sa salitang pagmamahal, e ikaw natuto ka na bang magmahal,” sabi ng matanda.

Napahiya ang batang lalaki at napaluha. Lumapit ito sa matanda at kinuha ang puso nito at ibinigay sa matandang lalaki.

Ibinigay naman ng matanda ang puso niya sa batang lalaki at nang inilagay ng batang lalaki sa kanyang katawan, naramdaman niya ang kung ano ang tunay na pagmamahal.

Ano nga ba ang tunay na pagmamahal? Ito ay kung ibigay ang puso mo na walang patumangi at walang hinihintay na kapalit. #33#

No comments:

Post a Comment