Sunday, June 5, 2011

Pag-aayuno mainam sa puso




Nagdudulot daw ng mabuti sa katawan ng tao ang pag-aayuno o pagliban sa pagkain lalo na sa mga may sakit sa puso at bubuti ang kanilang pakiramdam, ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko kamakailan.

Ang pag-aayuno ay nakakabawas ng mga masasamang kolesterol na nagiging sanhi ng sakit sa puso at ang pagkakaroon rin ng sakit na diyabetis, ayon kay Dr. Benjamin D. Home, PhD, MPH, at director ng cardiovascular at genetic epidemiology sa Intermountain Medical Heart Institute.

Kung ang isang tao ay nag-aayuno, ito ay nagugutom at na-iistress dahil ang taong gutom ay mas maraming kolesterol ang nasusunog sapagkat nagsisilbi itong enerhiya ng katawan sa halip na ang glucose.

Dahil dito, nababawasan ang mga masasamang kolesterol at mga matatabang selula kaya bumubuti ang puso kapag ganito ang kalagayan.

Maliban sa nagpapalakas ng puso natuklasan din sa pag-aaral na ang pag-aayuno ng tao tumataas ang human growth hormone (HGH), metabolic protein na nagpapatatag sa mga kalamnam at tumutulong upang maging balanse ang metabolismo ng katawan.

Sa 24 na oras ng pag-aayuno o pagliban sa pagkain, umaabot sa 1,300% ang HGH sa mga babae at sa 2,000% naman sa mga lalaki.

Sa isang eksperimento na isinagawa, sumailalim sa pag-aayuno ang 200 tao. Sa loob ng 24 oras tubig lamang ang kanilang pampuno ng tiyan. Matapos ang 24 oras nagulat ang mga doctor at siyentipiko na lumakas ang puso at mga muscle ng mga ito.

Maaari ang pag-aayuno ay maganda ang naidudulot sa ating buhay, gaganang mabuti ang kondisyon ng pag-iisip at ang ating ispiritwal, dagdag pa ni Dr. Home. #30#

No comments:

Post a Comment