Monday, June 20, 2011

Pangako ng Ama




Noong 1989 sa bansang Armenia , isang napakalakas na lindol (8.2 magnitude ang lakas) ang kumitil ng buhay sa mahigit 30,000 katao sa loob lamang na apat na minuto. Halos hindi kapanipaniwala ang laking pinsala na dulot ng lindol at hirap ng naranasan ng mga tao noon.

Ngunit sa gitna ng dilim na nangyari at mga pagdurusang nararanasan ng mga mamayan doon ay lumitaw na isang kwento tungkol sa isang ama at ang naliwanag na pag-asa.

Nang matapos ang lindol nagmamadaling nagpunta ang isang ama sa paaralan ng kanyang anak. Ngunit nang makita ang gusali ng paaralan, isa na lamang itong malalaking tipak na mga bato.

Dahil sa nangyari, ang ibang mga magulang ay nawalan na ng pag-asa na buhay pa ang kanilang mga anak, ngunit ang amang ito ay dalidaling pumunta sa gumuhong gusali at unti-unting nagtatanggal ng mga bato.

Dahil sa tinuran ng naturang ama, ilang mga taong naroroon ay sinabihang siyang tigilan na ang paghuhukay, dahil sa lagay na gumuhong gusali ay tiyak na wala ng makakaligtas doon.

Ngunit ang ama ay patuloy pa rin sa paghukay at iisa lamang ang nasa isip, ang pangakong binitawan sa anak na hindi ito iiwan. Ang pangakong iyon ay nagmistulang nagbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa upang unti-unti tanggalin ang mga malalaking tipak na bato.

Pati ang mga magulang ng mga kaklase ng kanyang anak ay sinabihan rin siyang tigilan na ang paghuhukay dahil sa palagay nila lahat ng mga bata doon ay patay na. Meron pang isang doktor ang nagpayo sa kanyang ikakasama ito ng kanyang katawan.

Pumunta rin ang mga bombero at binalaan siya na maraming pagsabog ang pwedeng mangyari at baka mapahamak siya sa paghuhukay. Meron din pumuntang mga pulis at na pinapauwi siya dahil wala na silang nakikitang pag-asa.

Ngunit ang ama ay tila bingi at hindi pinakinggan ang mga babala sa kanya at sa halip ay laong pang sinipagan ang paghuhukay sa gumuhong gusali.

Sa simulang paghuhukay tumagal ng walong oras naging 12 oras at naging isang araw, hitik na ang araw, malamig na ang gabi, at umuulan pa, ngunit, hindi natinag ang ama at patuloy sa paghuhukay.

Nang umabot na ng 38 oras na paghuhukay. May narinig siyang iyak at pinakinggan ang boses. Sumigaw at tinatawag ang pangalan ng kanyang anak. “Armand, anak ikaw ba yan”. “Itay ako sinabi ko sa mga kaklase ko na pupunta kayo at pumunta nga kayo Itay.”

Dahil sa isang determinadong ama na sinunod ang pangako, nailigtas ang kanyang anak.

Nagpapaalala sa atin na matutupad ang mga pangako ng ating Ama sa langit at hindi tayo pababayaan kung mananalig tayo sa kanya. Kahit gaano kalaking mga bato na nagiging sagabal sa ating buhay ay malultas dahil walang imposible kung may sapat na pananalig at paniniwala tayo sa kanya. #30

1 comment:

  1. Paborito ko 'tong story na 'to. Sa bansang Armenia pala nangyari 'to? :D So happy ending! :))) ~

    ReplyDelete