Friday, January 11, 2013

Kaunaunahan astronawtang Pinoy?

Matagal ng pangarap ng mga Pinoy na magkaroon na isang kalahing astronawta na  makarating sa labas ng kalawakan at mukhang matutupad na ito dahil sa isang American Space Travel Angency.

Ang Axe, kumpanyang gumagawa ng personal na pag-aalaga ng mga kalalakihan, katuwang ng Space XC, isang ahensiya para sa kalawakan na nakabase sa US ay balak na magpadala ng isang Filipino sa kalawakan.

Tinawag itong “Axe Apollo Space Academy” o AASA, na pipili ng isang Pinoy sa mga libu-libong kalahok,  subalit, kailangan dumaan ang sinuman nang iba’t ibang mga pagsubok at matitira ang matibay upang mapanalunan ang libreng sakay papuntang kalawakan.

Inaasahan tatagal ang pagsubok hanggang taon 2014, kailangan pa din magsanay at mapakondisyon ng sarili ang sinuman manalo dahil hindi biro ang maging isang astronawta.

Bukas sa mga lalaking ang edad ay 18 anyos ang AASA, bukod sa Pilipinas, 21 bansa ang maghahanap rin ng sarili nilang Axe astronaut. #30

Ang Dasal ng Kabayo


Sa malayong gubat, meron isang puting Kabayo na ubod ng ganda, araw-araw pinagmamasdan ang kanyang sarili sa malinaw na tubig. Hangang-hanga siya sa kanyang sarili dahil sa gandang na kanyang taglay.

Perpekto ang pagkalikha ng Diyos sa Kabayo, makintab na balahibo, kulay-bughaw ang mga mata at may napakaamong mukha. Ngunit, hindi pa rin siya kuntento sa kanyang angkin na ganda.

Minsan naisipan nitong kausapin ang Diyos,  “Ama na nasa Langit. Ang ibinagay mo sa akin na kagandahan ay lubos kong pinasasalamatan, ngunit, gusto ko sanang mas lalong gumanda pa na pinakamaganda sa lahat ng inyong nilikha.”

Pumayag naman ang Diyos, “ Ano ba gusto mong baguhin ko sa katawan mo upang lalong gumanda ka pa?”, tanong ng Panginoon

Laking tuwa ng kabayo dahil dininig ng Diyos ang kanyang panalangin, at agad itong humiling. “Gusto ko po sanang humaba ang leeg ko dahil maikli ito, ang katawan ko naman lalong gaganda kung papahabain mo pa ang mga paa ko at papayatin.”

Wala patumangging ipinagkaloob ng Diyos ang hiling ng Kabayo. Pinahaba nito ang kanyang leeg, kasama na ang kanyang paa na humaba at pumayat din.

Laking galak ng Kabayo, dali-dali itong pumunta sa lawa upang tignan ang sarili, subalit, halos hindi siya maniwala sa nakita niya .

Naging kamelyo na ang anyo ng Kabayo at nagsusumigaw ang Kabayo sa Diyos, bakit binago ang kanyang hugis. “O Diyos ko paumanhin, bakit pumangit ang itsura ko?”

Tinanong naman siya ng Diyos. “Di ba ito ang gusto mong mangyari maging isang kamelyo?”

 “D i ko po gustong maging kamelyo, gusto ko ang dati kong anyo na isang kabayo, walang magkakagusto sa aking kapag ako’y isang kamelyo, wala na akong silbi,” sagot ng kabayo.

Nagalit ang Diyos sa Kabayo, “ Lahat ng aking nilikha ay meron silbi, Di ba ito ang nais mo.  Huwag kang maghangad ng sobra dahil di ka nakuntento sa dati mong itsura. Oo nga’t mas maganda ka sa kamelyo, ngunit mas mabigat ang responsibilidad nito kaysa sa iyo na isang kabayo.” #30

Sunday, December 30, 2012

Murang ‘cancer sensor’ naimbento ng 15-anyos




Isang mumurahin “cancer sensor” ang nalikha ng 15-anyos na estudyante pa lamang ng mataas na paaralan.

Nakuha ni Jack Andraka, isang estudyante ng Maryland, ang unang premyo bilang “grand winner” sa naganap na Intel International Science and Engineering, dahil sa naimbentong “paper sensor” na kayang tuklasin sa ang isang tao kung may sakit itong kanser.

Higit na mas mura at maganda ang kalidad, 90% ang ganap na kawastuhan, simpleng gamitin at mabilis malaman kung may sakit na kanser ang isang pasyente kumpara sa mga ibang uri ng “cancer sensor test.”

Ang “cancer sensor”ay yari sa papel. Isa itong dip-stick sensor at inilalagay sa dugo o ihi ng isang pasyente at ibabad. Ilan sandali puwede ng malaman kung positibo sa sakit na kan ser ang isang tao.

Nakukuha ng pirasong papel ang protina ng dugo at mag-iiba ng kulay at kakalat sa papel. Dito malalaman kung meron sakit na kanser ang isang pasyente

Nabigay inspirasyon kay Andraka ang kapatid ng kanyang mga kaibigan na namatay sa sakit na pancreatic cancer. Iginunugol niya ang maraming oras sa pananaliksik at pag-aaral hanggang makaisip siya ng paraan kung paano makagawa ng isang “dip-stick sensor.”

Mula pa pagkabata, nahilig na si Andraka sa siyensiya, meron din siyang naimbetong “dip stick sensor” na pwedeng tumuklas ng polusyon sa tubig. #30

Sunday, September 16, 2012

Pag-Mina sa Kalawakan




Washington, USA - Pinagaaralan ng mga siyentipiko ngayon kung maari minahin ang mga naglalakihang mga asteroid.

Magpadala ng mga robot ships sa kalawakan upang magmina ng mga asteroid at
pagkakitaan, ito ang balak ng Planetary Resources Inc, isang bagong tayong kumpanya sa Amerika.

Ayon sa mga eksperto, binabalutan ng mga mineral na platinum at ginto ang isang asteroid, ito ang nais ng Planetary Resources Inc , ang magamit ang minerals nito.

Malaking palaisipan parin sa mga siyentipiko kung paano ma extract ang mga minerals  ng asteroid, at natinding pagsubok pa ang makakuha ng asteroid sa kalawakan dahil sa layo nito sa mundo.

Ngunit kahit gaano kahirap desidido ang sina Eric Anderson at Peter Diamandis founders ng Planetray Resources Inc, na mag invest sa mga asteroid. #30

Anak pinagkamalan unggoy binaril patay




NEPAL – Isang lalaking magsasaka ang aksidenteng nabaril ang sariling anak matapos pagkamalan unggoy na nagnanakaw sa kanyang mga pananim.

Dahil laging pineperwisyo ng mga unggoy ang mga pananim ni Gupta Bahadur, 55, kaya, napilitan bumili ng baril upang may pantaboy sa mga makukulit na matsing.

Kamakailan, muli na naman sinalakay ng mga unggoy ang mga pananim ng Bahadur. Dahil ayaw na niyang mapinsala pa ang kanyang mga pananim, hinabol niya ang mga ito na dala-dala ang kanyang riple.

Kasama ni Bahadur sa pagtaboy sa mga unggoy ay kanyang anak na si Chitra Bahadur Pulami, 12. Habang hinahabol niya ang mga unggoy ay binabaril niya ang mga ito at dito naisipan naman ng anak na umakyat sa isang puno upang tumulong itaboy ang mga unggoy.

Matapos maitaboy ni Bahadur ang grupo ng mga unggoy, bumalik ito sa kanyang sakahan. Ngunit, meron siyang napansin sa itaas ng puno na gumagalaw na bagay at inasinta niya nito ng kanyang riple sa pag-aakalang matsing at saka pinutukan.

Natuwa naman si Bahadur nang makita niyang nahulog ang binaril niyang bagay at saka nilapitan. Ngunit, laking gulat niya ng malaman anak niya pala ang binaril.

Dahil dito, mabilis na itinakbo ni Bahadur ang anak sa ospital dahil sa tama sa ulo. Ilang raw din nanatiling kritikal ang kundisyon ni Chitra sa pagamutan at sa kalaunan namatay rin ito.

Abot langit ang pagsisi ni Bahadur sa kanyang nagawa at agad na sumuko sa pulis na hanggang ngayon ay nasa kulugan pa rin at di makapaniwala sa nangyari. #30




Sunday, August 26, 2012

Mamang kinagat ng ahas, sa kanyang paghiganti kinagat rin


KATHMANDU – Ngipin sa ngipin. Tila ito ang naging panuntunan sa buhya ng isang lalaking naghiganti sa ahas matapos tuklawin siya nito sa pamamagitan ng pagkagat din dito hanggang mamatay kamakailan.

Ito ang naging paliwanag ni Mohamed Salmo Miya, 55, mula sa Kathmandu, Nepal, matapos mapatay nito ang ahas na tumuklaw sa kanya sa kanilang tahanan ng nakaraan buwan.

Halos lagutan ng hininga si Miya matapos tuklawin ng ahas at hindi lang pangkaraniwan ahas ang kumagat sa kanya kundi isang makamandag na ulupong (cobra), ayon kay Niraj Shahi, opisyal ng pulisya sa Kathmandu.

Ang matinding kamandag ng naturang ulupong ang nagdulot kanya nang pagkaparalisa sa loob ng halos dalawang linggo at isang himala dahil nakaligtas.

Dahil sa pangyayari, mula ng gumaling si Miya, matiyaga na niyang hinanap ang ulupong na tumuklaw sa kanya. Ginalugad niya ang lahat na sulok ng kanilang bahay at hindi nagtagal nahanap naman niya.

Bago matuklaw ng ulupong si Miya, nagawa niyang sulyapan ang itsura ng ahas, kaya at nang mahanap niya ito sa likod na kanilang bahay, tugmang-tugma ang laki at kulay ng ahas na kumagat sa kanya.  

Sa galit ni Miya, mabilis na sinunggaban ang ulupong dahil walang makitang pamalo, subalit, nagpupumilit pumiglas ang ahas, at sa takot na tuklawin, napilitan niyang kagatin ang ulo ng ahas hanggang maputol at mamatay.

Sa takot baka malason ng kamandag ng ulupong, pumunta agad si Miya sa ospital upang magpasuri. Sa kabutihan-palad, wala naman nakitang kamandag at hindi naman siya kinasuhan ng mga otoridad sa pagpatay sa ahas dahil ito ay itinutirng itong “endagered species” sa Nepal.#30

Sunday, August 19, 2012

Gregory Galgana Villar III:Isang Pinoy ang isa sa likod ng tagumpay ng ‘Curiosity’





Muling inilagay ang pangalan ng Pilipinas sa larangan ng siyensiya matapos magtagumpay ang Curiosity sa paglapag sa planetang Mars dahil may dugong Pinoy ang isa sa mga siyentipiko at inhinyero ng National Aeronautics and Space Administration na nasa likod ng tagumpay na misyon .

Ang tinutukoy ay si Gregory Galgana Villar III, 25, isang inhinyero ng NASA  na taga-California at tubong Baguio, kaisa-isang Pinoy na pinalad makasama sa misyon ng Mars Science Laboratory.

Matapos makumpirma ang paglapag ng Curiosity rover sa kalupaan ng Mars, nabunutan ng tinik ang mga nasa likod ng misyon at napalitan ng pananabik upang ipagpatuloy ang naturang  misyon at agad na umarangkada ang sasakyan sa kanyang pagsasaliksik.

Lumaki si Villar sa Long Beach, California, na pinalaki ng mga Filipinong magulang sa US. Nanirahan muna ng ilang taon sa Pilipinas at nag.aral sa St. Louis University Laboratory Highschool at bumalik sa US upang kumuha ng Physics sa California Polytechnic State University.

Mula sa pagkabata pangarap na ni Villar ang magtrabaho sa NASA, at nang bumalik sa Pilipinas, lalong nagkaroon ng interes na maging isang astronawt, dito nahubog ang pagkahilig niya sa Aerospace.

Si Eng. Gregory Villar III kuha sa NASA: Jet Propulsion Lab
Nagkaroon ng oportunidad si Villar nang mapili siyang maging iskolar ng NASA’s Motivating Undergraduates ng Science and Technology, at noong Hunyo 2010, natanggap siya bilang empleyado ng NASA.

Ang unang trabaho ni Villar ay guguhit ng mga modelo ng rover para sa hinaharap na misyon ng NASA, hanggang napabilang siya ng Science Planner ng Mars Science Laboratory. Ang gawain niya ay magsagawa ng mga pagsasanay ng mga astronawt kahit anuman misyon.

Laking tuwa ni Villar ng matagumpay lumapag ang Curiosity Rover sa Mars. Ipinagmamalaki niyang may dugo siyang Pilipino. Di pa rin niya makalimutan ang naging buhay sa bansang Pilipinas sa kanyang pagkabata.

Ang Nanay ni Villar ay mula Novaliches, Lungsod ng Quezon, samantala, ang kanyang tatay ay lumaki sa Lungsod ng Taguig. #30