Sunday, July 18, 2010

Cell phone Microscope




Nakamamangha ang naimbento ni Aydagan Ozcan, isang researcher ng UCLA California Nano Systems Institute at assistant professor ng electrical engineering sa UCLA School of Engineering, matapos makagawa ng isang cell phone microscope.

Ang naimbentong cvellular phone ay kakayahang maging optical microscope, tulad ng isang medical tool na panuri sa mga maliliit ng cell. Gawa ang cell phone microscope sa isang light emitting diode (LED), na karaniwang parte ng isang mobile phone.

Sa halip na lens, isang detector array material ang ikinabit sa camera ng cell phone at nagmistulang nagsusuri sa mga cell, sa pamamagitan ng ilaw mula sa LED, ayon kay Ozcan.

Nababasa ng cell phone microscope ang kahit anumang sub-cellular elements kaliit isang cell, dahil sa semi-transparent ang mga ito, na mainam sa LED, kung saan pinapakita ang mga bilang ng isang holographic image sa cell phone.

Madaling gamitin ang cell phone microscope, maraming itong gamit, napapanahon at mura. Ito ang makabago at high-tech na cell phone, telemedicine, pwede rin gamitin sa komunikasyon at pang medisina, ayon kay Ozcan.

Paliwanag ni Ozcan, makakatulong ito sa mga mahihirap na bansa, na may kakulangan sa mga gamit sa ospital, dahil maaring ipadala ang mga nakunan na imahe mula sa magandang ospital, sa pamamagitan ng cell phone microscope, upang suriin ito.
Sa taong ito balak gamitin ang cell phone microscope sa Africa , ang bansang may pinakamababang kalidad ng medisana.

Itinanghal na Emerging Explorer si Ozcan, sa National Geographic, binigyan ng award bilang isang Grand Challenges Exploration Grant, at Best Career sa National Science Foundation (NSF). #30#

No comments:

Post a Comment