Friday, July 30, 2010

Micro needle – ineksyon walang aray





Natatakot bang maineksyonan ng bakuna? Kung natatakot, tulad sa mga bata. Puwes, ngayon, maging masaya na dahil nakalikha na ng mga siyentipiko nang isang ineksyon na hindi aaray.

Kamakailan sa Emory University Atlanta, Georgia, matagumpay na nakalikha ang mga siyentipiko ng isang ineksyon na walang marararamdamang anumang sakit kung ituturok sa katawan.

Dati rati ang matutulis na dulo ng karayom ng iniksiyon kapag itinurok tuwing magpabakuna ay kagyat na makakaramdam ng sakit. Ngunit, ngayon upang wala ng maramdamang sakit, papalitan na ng microscopic needle ang karayom ng mga iniksyon, ayon kay Sean Sullivan, lead author ng pagaaral.

Paliwanag ni Sullivan, halos kasinlaki lamang ng isang hibla ng buhok ang micro needle na umaabot lamang ng 650 microns o .03 inch ang haba, at halos di na makikita ang karayom.

Sa halip na iniksyunan ng karayom, 100 pirasong micro needles ang pagsasamahin na may hugis “band aid” na ididikit lamang sa katawan ng tao kapag tuturukan ng bakuna.

Gawa ang micro needle sa polymer o poly-vinyl pyrrolidone material, na kapag itinurok sa katawan matutunaw at magiging tubig na lang sa balat ng katawan. Wala ring side effect sa balat at halos walang mararamdaman kapag ginamit.

Dagdag pa ni Sullivan, walang dapat ipag-aalala dahil ligtas gamitin ang micro needle, sapagkat isang beses lang ang gamitan. Ang mga bakuna ay dapat naka freeze-dried at may halong vinyl pyrrolidone monomer, upang maging malinis ito.

Maari nang gamitin ang micro needles sa pagbabakuna, tulad sa sakit na trangkaso, sakit sa ulo, sipon at ubo. Binabalak rin ng mga siyentipiko na lumikha ng isang micro needle sa pangkuha ng dugo. #30#

No comments:

Post a Comment