Sunday, July 18, 2010
Infrared camera sa kotse
Mahirap magmaneho kapag zero visibility ang dadaanan, lalo na pag gabi, tuwing umuulan o makapal ang usok, ngunit sa tulong ng infrared camera maaring maging madali ang mga ito at mas ligtas.
Ipinalagay ni Dr. Dirk Weiler, isang German scientist ng Institute for Microelectronic Circuits and System o IMS, na lagyan ng infrared ang isang kotse, upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga driver, upang lalong makita ang dinadaanan, tuwing gabi, umuulan, o makapal ang usok.
Sa ilalim ng infrared camera, kaya niyang makita ang anumang thermal radiation heat source, hindi masyado itong naapektuhan sa usok, ulan at gabi.
Subalit ang teknolohiyang ito ay natatagpuan lamang sa mga Night Vision Goggles (NVG), na gamit ng mga militar, gayunpaman nakaisip ng paraan si Dr. Weiler ng isang alternatibong gamit, ang IRFPA sensor (Infrared Focal Plane Array), isang klase ng temperature sensitive detector.
Mayroon itong microbolometa, na kayang i-absorb ang ilaw mula sa isang hot source, at nairerehistro ito sa camera bilang isang infrared radiation.
Kung papalarin maari ng ipalabas na ito sa mga automobile technology convention, upang maipaliwanag ang kahalagahan ng infrared camera sa mga automobile company.
Ang pangunahing misyon ng infrared camera, ay mabigyan nang mas ligtas ang bawat driver sa pagmamaneho ng kanilang mga sasakyan, dagdag pa ni Dr. Weiler.
Noong 1800, natuklasan ni Sir William Herschel, isang Briton, habang kinukuhanan niya ng temperatura ang mga kulay ng isang visible spectrum. Namangha nang tumaas ang temperatura ng thermometer kapag inilalagay ang red prism at tinawag niyang itong infrared na ibig sabihin below the red. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment