Friday, July 23, 2010

Video game para sa mga batang bulag





Kadalasan diumano, ang mga batang may kapansanan sa mata ay madaling tumaba at nagkakaroon ng sakit na diabetes, dahil hindi masyadong aktibo ang buhay dahil laging nakakuliong sa kanilang mga tahanan, ayon kay ni Eelke Folmer, research team leader at assistant professor, engineering department ng University of Nevada.

Ngunit, dahil sa tulong ng isang videogame na kung tawagin ay VI fit, magkakaroon na ng impotansya, kasiyahan at ehersisyo ang mga batang may kakulangan sa paningin, upang maiwasan nilang maging obese o di kaya maging masakitin.

Ang VI fit ay isang video sports game, na hango sa larong Nintendo Wii sports, ang pinagkaiba lamang ay napakasensitibo ang tunog at vibration ng controller, na akma sa mga bulag, dahil sa umaasa lamang sa kanilang sentibong pandinig at pakiramdam.

Sa lahat nang parte ng laro, meron tunog at vibration na nakakabit, mula sa paggalaw at kautusan, mayroon rin nakakabit n g mga akmang tunog.

Katulad ito nang Nintendo Wii sports na kailangan ang wii remote at kasama ang mainam na paggalaw, upang masundan at manalo sa laro.

Iba’t-ibang klaseng laro ang napapaloob sa VI fit, ilan dito ang Tennis game, bowling game at maraming pang iba, lahat ng mga laro ay idinesenyo, upang magamit ng mga may kakulangan sa paningin.

Umaasa si Folmer, na makakahikayat sila ng maraming manlalaro, nang dumami ang malusog at masiyahing mga bata na pinagkaitan ng paningin, nang maranasan naman ang pagiging parang normal na bata.

Maari ng idownload ang VI fit sa website na www.vifit.org, kailangan lang gamitan ng Wii remote joystick at PC, upang malaro ito. #30#

No comments:

Post a Comment