Tuesday, July 6, 2010

Musika therapy sa stroke





Musika. Ito’y isang artistikong klase ng tunog, na kinahihiligang pakinggan ng mga tao. Saan mang sulok ng mundo, mahalaga ang musika sa lahat, binibigyan tayo nito ng kasiyahan, libangan at inspirasyon. Ngunit, alam niyo bang maari din itong makatulong sa mga biktima ng stroke.

Ayon sa isang research, mabisang therapy ang musika, dahil sa pakikinig ng musika naisasaayos ang brain function ng isang tao, na mainam para sa mga biktima ng stroke, na may kahirapang gumalaw at magsalita.

Ang isang uri ng music therapy ay ang “rhythmic auditory stimulation” (RAS). Sa paraang ito, habang pinapatugtog ang isang musika, sumasailalim ang pasyente sa ritmo at galaw, nang mapabuti ang lagay ng kanyang katawan.

Malaking bahagi ang ginagampanan ng musika sa RAS therapy, dahil ang musika ay may ritmo na nagpapa-indak sa mga tao at nakatulong sa mga stroke patients, na maging aktibo ang kanilang pagiisip, maisaayos ang kanilang paggalaw at pananalita, ani ni Joke Bradt, isang researcher ng Arts and Quality of Life Research Center ng Temple University sa Philadelphia, US.

Sa pitong ulit na pag-aaral na isinagawa, mula sa 184 taong biktima ng stroke na di nakalalakad. Lumalabas na ang mga gumamit ng RAS therapy, ay nagkaroon ng malaking epekto sa kanilang paggalaw, umabot sa 14 metro ang kanilang walking speed improvement, mas mataas sa standard therapy na ginagamit.

Ang isa pang therapy na pinag-aaralan, ay ang paraan ng pagpaparinig sa mga pasyente ng isang live recorded music, na naitutuwid ang pananalita ng isang stroke victim.

Kada taon, 20 milyong katao sa buong mundo ang biktima ng stroke, kung kaya’t mahusay ang music therapy, upang mapabuti ang kanilang kalagayan, dagdag ni Bradt.

Ang Cerebrovascular accident o kilala sa tawag ng stroke, ay sanhi ng pagkabara sa daloy ng dugo, sa utak ng isang tao. Sinisira nito ang abilidad ng utak, kayat paralisado paggalaw at pagsalita ang taong biktima ng stroke.#30#

1 comment:

  1. Humbly asking your permission to use your tagalog version of The Old Carpenter Story inmy TV lessons thnx for immediate response

    ReplyDelete