Friday, July 30, 2010
Goliath ng mga bituin nadiskubre
Atamaca Desert, CHILE – Nadiskubre ng mga astronomer ang isang dambuhalang tala at tinatayang pinakamalaki sa buong kalawakan.
Ang R136a1 ngayon ang may hawak sa titulo na pinakamalaking bituin sa buong sandaigdigan, matapos mahigitan ng 265 beses ang laki sa Araw (Sun), di hamak na mas malaki pa sa planetang Jupiter at ang big brother sa buong Solar System.
Natuklasan ito ng European Space Observatory, sa lupon ng mga bituin at tala, sa may bahagi ng Tarantula Nebula, sa loob ng Large Magellanic Cloud, 165,000 light years ang layo mula sa Daigdig.
Gamit ang Very Large Telescope, (VLT), ang pinamalaking teleskopyo sa Paranal , Chile , walang-hirap na natagpuan ang R136a1 dahil sa kanyang kinang, kulay at nakakamanghang laki.
Ayon kay Dr. Richard Parker, isang English scientist sa Shefield University, ang R136a1 ay isang blue hypergiant star, ang tinatayang sukat ay 320 solar masses, at aabot sa 40,000 degree Celsius ang temperatura at pitong beses mas mainit kaysa sa Araw.
Higit din itong mas nakakasilaw kaysa sa ibang tala, mayroon 10,000,000 beses na kinang kumpara sa Araw at mayroon rin 3.839 x 1026 watts of energy luminosity.
Nasa middle-age na daw ang R136a1, halos lagpas ng 2 milyong taon ang edad, kung ikukumpara sa mga ibang bituin, matanda na ito, dagdag ni Parker.
Ang mga massive star na katulad nito ay mabilis mabuhay at madaling mamatay, dahil sa sobrang liwanag at bigat. Ang bituin rin mismo ang pumapatay sa kanyana sarili, ani pa ni Paul Crowthe, isang Astrophysicist.
Kalimitan, tatlong milyon taon lang ang itinatagal ng mga malalaking bituin, di tulad ng maliliit na bituin na matagal, bilyong taon ang itinatagal. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment