Sunday, July 18, 2010

Pagsakay sa PTS mainam sa pagpapayat




May problema ka ba sa iyong timbang? Ngunit kung araw-araw kang sumasakay sa mga public transit system (PTS), walang dapat ipag-alala, dahil, ayon sa isang pag-aaral, nakapapayat umano ang madalas na pagsakay dito.

Sa mga pag-aaral na isinagawa sa University of Pennyslvania, Drexel University, at ng Research and Development Corp., natuklasan na ang madalas pagsakay sa mga PTS, katulad ng light-railway transit (LRT) o subway train, ay isang uri ehersisyo para sa katawan.

Paliwanag ni John M. MacDonald, isang lead researcher, ang paglalakad upang marating ang istasyon ng isang PTS, pakikipag-unahan sa pagsakay ng tren tuwing rush hour, at ang pagpanhik-panaog sa mga hagdanan ay ilan sa mga mabisang paraan sa pagbabawas ng timbang.

Sa isa rin pag-aaral sa Charlotte, North Carolina, isinailalim sa isang pagsusuri ang mga mananakay sa LRT at may mga sasakyan, sinuri ang kanilang timbang at kalusugan sa loob ng 12-18 months, bago at pagkatapos ng test.

Lumabas sa datus na pumayat ang mga mananakay, bumaba ang kanilang body mass index (BMI) at pumapatak ng 1.18 kg/m2, katumbas nito ng 6.45 lbs na pagkabawas sa kanilang mga timbang.

Napag-alaman pa na mas malusog ang pangangatawan ng mga mananakay ng LRT kaysa sa mga taong may sasakyan, dahil 81% sa kanila ang hindi naging obese.

Sumakatuwid ang pagsakay sa pampublikong sakayan tulad ng LRT, ay nagdudulot ng mabuti sa katawan, ang pagging aktibo sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ay isang ka-aya-ayang gawain, dagdag pa ni MacDonald. #30#

No comments:

Post a Comment