Saturday, October 23, 2010

#27 Ang Pananakop Noong 1760 at ang Resulta w/ Eric Estrada Jr.



Ang pananakop noong 1760 ay naging dahilan upang magkaroon ng 70-taong kalat-kalat na digmaan sa pagitan ng Britanya at Pransiya. Ang pangunahing kolonya ng Pransiya sa Hilagang Amerika ay ang New France, na umaabot ang lawak mula Gulf of St. Lawrence hanggang lambak ng Mississippi upang mapigilan lumalawig ng mga kolonya ng Britanya sa kahabaan ng dagat Atlantiko. Ang mga kolonya ng Britanya ay mas sikat at mas mayaman kaysa New France . Ang pinakamahalagang depensa ng kolonya ng Pransiya ay mga daang-daang kilometrong gubat sa kahabaan ng kanyang hangganan at mga kakamping Indyan na akot at higit na galit sa Pransiya.

Ang kahinaan ng hukbo ng New France ay dagat. Malakas ang nabal ng Britanya kaysa Pransiya at madaling putulin ang mga komunikasyon, mga supply o reinforcements, na manggagaling sa Pransiya. Nang pumutok ang digmaan noong 1750, ito ang ginawa ng Britanya, bagama’t ilang taon ang ginugol upang itatag ang sariling hukbo sa Hilagang Amerika at nakahanap pa ng mga magagaling na heneral upang pamunuan ang kanyang mga hukbo. Dahil naputol na pagkakaibigan ng mga Indyan sa Pransiya, isa ring naging dahilan upang sapitin ang naging kapalaran ng New France .

Noong 1759, isang batang heneral ng Britanya, na si James Wolf, ang nagdala ng hukbo sa Quebec , ang kabisera ng New France . Pagkatapos ng dalawang buwang paglusob, natalo ang Pransiya sa “ Plains of Abraham ,” na labas lamang ng lungsod. Sumuko ang Quebec at sa sumunod na taon, nilusob ang mga hukbo ng Britanya ang mga natitirang sundalo ng Pransiya. Napilitan sumuko ang Pransiya noong Sep. 8, 1760. Dahil madaling pagkapanalo ng Britanya, nagawang hikayatin ang Pransiya na isuko ang Canada sa Britanya at pagsapit ng 1763 pormal nang nagkaroon ng kapayapaan.

Ang Pranses sa Canada na tinawag ang sarili bilang “Canadiens” ay opisyal na hiwalay sa Pransiya at dati nang magkaiba ang rehiyon at pagkalipas ng mga panahon habang ang kasaysayan ng Pransiya ay naiba sa Canada . Ang rebolusyon sa Pransiya noong 1789, na nagpalayas sa monarkiya ng Pransiya, ay inalis ang mga karapatan ng Simbahan Katolika. Ang mga Canadien ay may hari pa rin, kahit galing sa isang Ingles at Protestante, at naging mabisa ang Simbahang Katolika bilang relihiyon ng estado at kahit nagtataglay ng “feudal system” na tinawag na “seigneurs.” At sa sumunod na 200 taon, nakitaan ang mas lumang bersyon ng Pransiya at pagkakaiba sa pagitan ng dalawa ay lalo pang tumindi.

Nagkaroon sa mga Ingles ng nagsasalita ng wikang Pranses na mga Katoliko at pinangalanan ang kanilang probinsiya ng Quebec . Nangako ang Britanya na magkaroon ng pahitulot sa mga ibang relihiyon sa mga mamamayan at pinayagan panatilihin ang kanilang civil law, at hindi naki-alam sa paggamit sa wikang Pranses. Sa parehong panahon, dumating ang mga nagsasalita ng Ingles at nanirahan sa lungsod ng Quebec at Montreal ang nagkaroon na ng dalawang grupo at nagkasundong na magkaroon ng “workable and compromise” sa kanilang maakaibang salita.

Ang naging pangunahin salita sa pangangalakal ay Ingles. Napatakbo ang pamahalaan ng dalawang wika, lalo na pagkatapos magkaroon ang halalan sa lehislatura noong 1791, habang nanatiling matatag ang Simbahang Katolika sa Pransiya.

Maraming French-Canadians ang nakapag-asawa ng mga Ingles, at minsan, ang kanilang ninuno na apelyido ay Burns, Blackburn o Johnson, dahil noong ika-20th siglo, ang mga itong apelyido ay mga pulitikong tumitiwalag sa Quebec .

Tama lang ang pananakop noong 1760 dahil napigilan ang posibleng pagkakaroon ng mga mamamayang nagsasalita ng Pranses sa buong St. Lawrence at sapilitan ang mga French-Canadian na manirahan sa English Quebec at Canada na maging “bilingual.” Ngunit, ang pagkapanalo ng Britanya noong 1760 ay prinotektahan ang Pransiya, kahit pinababa ang kahalagahan ng kanyang wika, nariyan pa rin ang halos 7 milyong katao na nagsasalita ng Pranses sa Canada . #30#

No comments:

Post a Comment