Monday, October 25, 2010

Galaw ng tao kayang alamin ng computer




Isang computer ang naimbento na kayang tukuyin at basahin ang galaw ng isang tao at ito ngayon ang pinagsisipagan buoin ng mga dalubhasa ng European-funded Multimodal Interactions of and Observation of Users in a Controlled Environment (MIAUCE).

Kapag nabuo na ang computer, ito na ang magbabantay sa bawat sulok ng mga paliparan; isang computer na magmamatyag sa bawat kilos ng mga mamimili sa isang shopping mall at kikilala ng mga ugali ng mga tao,

Ito ang nais mangyari sa robot kaya gustong gawin ng MIAUCE ang proyekto, ayon kay Chaabane Djeraba, coordinator ng naturang proyekto.

Kahit nasa ilalim pa ng mga proseso upang subukan ang naturang teknolohiya, maingat naman ang grupo na ipaliwanag na ugali lamang ng tao ang nais nitong alamin upang mapangalagaan ang seguridad at hindi upang maapakan ang pribadong buhay ng isang indibidwal.

Napaka-sensitibo kasi ang computer na ito lubhang makikilala ang ugali ng tao sa pamamagitan lamang ng kinikilos, dagdag ni Djeraba.

Panatag naman ang MIAUCE na matatangap ng publiko ang naturang teknolohiya at dapat lamang na ipalawanag at ipaalam ng mabuti kung para saan ang computer. #30#

No comments:

Post a Comment