Saturday, November 6, 2010

Pagkalong sa ‘laptop’ habang ginagamit mapanganib




Lumalabas sa isang masusing pagsusuri ng mga doktor na mapanganib ang laptop computer pag kinakalong habang ginagamit dahil sa radiation taglay nito.

Kumakailan, na-iulat sa pahayagan na isang 12-anyos na lalaki ay nasunog ang balat habang kalong ng matagal ang ginagamit na laptop sa kanyang hita.

Sa tagal kasi ng pagkababad ng laptop computer sa balat ng tao, posibleng maging sanhi ng pagkasunog ng balat o sakit na kanser sa balat lalo kapag madalas kinakalong habang ginagamit.

Wala kasing proteksyon ang heating pads ang mga laptop computer at meron inilalabas na radiation kaya’t delikado sa balat ng tao, ayon kina Dr. Andreas Arnold at Dr. Peter Itin, mga researcher sa pag-aaral.

Nagiging malapit din ang pagkakaroon ng “squamous cell skin cancer” kapag madalas kalungin ang ginagamit na laptop compute at mas mapanganib kumpara sa ibang mga skin cancer.

Maliban sa pagkasira ng balat, maari din mabaog ang mga kalalakihan dahil sa iniinit nito ang scrotum, kayat nagkukulang ang sperm cells na inilalabas ng mga lalaki.

Payo ng mga siyentipiko, huwag kanlungin ng matagal ang laptop kapag ginagamit upang di mababad ang balat sa radiation ng portable computer.

Noong 1970, ang portable computer ay mula sa malikhain-isip ni Alan Kay, noong 1973 naman inilabas ng IBM ang kauna-unahang laptop computer, noong 1982, naimbento naman ang karaniwang itsura ng laptop na “flip form” na unang ginamit ng NASA. #30#

No comments:

Post a Comment