Tuesday, December 28, 2010
Bintana
Dalawang ama ang magkasabay pinasok sa ospital dahil sa malubhang karamdaman. Ang isa ay pinaupo ng doktor ng isang oras upang mawala ang tubig sa kanyang baga. Bukod sa bintana ang tanging kasama sa kwarto ay isa ring amang kinailangan ipahiga dahil sa mahinang likod.
Naisipan ng dalawang magkuwentuhan. Pinag-usapan nila ang kanilang mga asawa, pamilya, tirahan, hanapbuhay at ang mga lugar na kanilang napuntahan tuwing bakasyon. Pagsapit ng hapon, kinukuwentuhan ng lalaking naka-upo ang lalaking nakahiga kung ano ang nakikita niya sa bintana.
Ang lalaking nakahiga naman ay kuntento na hagapin ang mga kuwento ng lalaking naka-upo kung ano ang nasa labas ng bintana. Magandang parke, mga bibe at ibon naglalaro sa batis, sabi ng lalaking naka-upo sa lalaking nakahiga.
Ang mga magkasintahan na magkasamang magkahawak kamay sa ilalim ng bahaghari. Mahahabang matatandang luntian mga puno at mapang-akit na asul na kalangitan. Ang lahat ng ito’y pilit ipinapasok sa imahinasyon ng lalaking nakahiga sa bawat pikit ng mata.
Minsan isang araw, sinabi ng lalaking malapit sa bintana na may paradang dumaan sa ospital. Kahit na walang narinig ng lalaking nakahiga ng musika ng banda, halos, makita niya na at marinig ang banda dahil sa kakakuwento ng lalaking naka-upo. Ngunit, di nagtagal naingit ang nakahigang lalaki dahil sa kagustuhan niyang makita rin ang labas ng bintana. May mga gabing hindi siya makatulog sa kaiisip kung ano nasa kabila ng bintana.
Isang gabi habang nakatitig sa kisame narinig niya ang malakas na pag-ubo ng lalaking malapit sa bintana. Halos marinig niya na sumusuka ito ng tubig, nahihirapan huminga na tila naghihingalo. Walang ginawa ang lalaking nakahiga hindi ito sumigaw, mag-ingay o pindutin ang emergency button upang ipaalam sa mga nurse ang nangyayari sa kasama. Matapos ng limang minuto, nakakabinging katahimikan ang narinig nito.
Kinabukasan, nalaman ng mga nurse na namatay na ang lalaking pasyenteng malapit sa bintana. Walang salita at walang ingay, tumawag ang nurse ng iba upang iligpit ang bangkay ng nakaupong lalaki. Ang naiwang pasyente sa kuwarto, ang lalaking nakahiga ay nagmunkahi sa nurse na ilipat siya sa puwesto kung saan malapit sa bintana ang dating puwesto ng namatay na pasyente. Pinahintulutan naman ng nurse ang hiling at inayos ang higaan nito, siniguro na komportable ang sa kanyang sumunod na puwesto at saka iniwan.
Nang umalis na ang nurse, pilit tumayo ang lalaki upang makita ang labas ng bintana, kahit masakit ay tiniis upang makasilip sa bintana, ngunit laking gulat niya na ang bintana na inaasam makita ay isang pader pala.
Gintong aral: Ang pasghahanap ng kaligayahan ay kung ano ang gugustuhin… Isa itong positibong kaugalian na kailangan bukal sa kalooban. Hindi ito regalo na basta nalang nakukuha sa harap ng pintuan ng bahay o sa bintana. Ang katotohanan ay lahat ng kasiyahaan mo ngayon ay maliit lang na bahagi ng ganap na kaligayahan. Pag hinintay na maging tama ang lahat ay hindi natin mahahanap ang ganap na kaligayahan. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment