Tuesday, December 28, 2010
Paru-Paro
Isang lalaki ang nakakita ng kukun ng paru-paro. Isang araw nagkaroon ito ng maliit na butas. Ilang oras umupo at pinanuod ng lalaki ang paru-paro, na sumisiksik at nahihirapan sa sikip ng kukun. Minsan tumigil na sa pagalaw at paglaki. Mukhang hindi na tatagal pa at mabubulok na lang hindi man lang masisilayan ang mundo.
Sinubukan tulungan ng mama ang paru-paro. Kumuha ng gunting, ginupit ang kukun upang makawala ang paruparo.
Lumabas nga ang paru-paro, ngunit hindi ito naging kumpleto: maliit, payat at putol ang kanyang pakpak.
Ipinagpatuloy ng lalaki ang panunood sa paru-paro, akala nito na hahaba pa ang pakpak at makakalipad, ngunit dahil pinabilis ang paglabas nito sa kukun hindi nakumpleto ang pakpak ng paru-paro, sa halip na lumipad namatay ito.
Ang ginawa ng lalaki dahil sa kanyang pagmamalasakit at pagmamadali, hindi niya naintindihan ang kailangan ng isang paru-paro ang mahirapan sa maliit na butas ng kukun upang makumpleto at mabuo ang pakpak ng paru-paro.
Minsan kailangan ng isang pagsubok sa buhay natin. Pag hinayaan ng Diyos na hindi tayo bigyan ng mga pagsubok sa yugto ng ating buhay. Tayo ay inutil at hindi magiging ganap na tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment