Tuesday, December 28, 2010
Paru-Paro
Isang lalaki ang nakakita ng kukun ng paru-paro. Isang araw nagkaroon ito ng maliit na butas. Ilang oras umupo at pinanuod ng lalaki ang paru-paro, na sumisiksik at nahihirapan sa sikip ng kukun. Minsan tumigil na sa pagalaw at paglaki. Mukhang hindi na tatagal pa at mabubulok na lang hindi man lang masisilayan ang mundo.
Sinubukan tulungan ng mama ang paru-paro. Kumuha ng gunting, ginupit ang kukun upang makawala ang paruparo.
Lumabas nga ang paru-paro, ngunit hindi ito naging kumpleto: maliit, payat at putol ang kanyang pakpak.
Ipinagpatuloy ng lalaki ang panunood sa paru-paro, akala nito na hahaba pa ang pakpak at makakalipad, ngunit dahil pinabilis ang paglabas nito sa kukun hindi nakumpleto ang pakpak ng paru-paro, sa halip na lumipad namatay ito.
Ang ginawa ng lalaki dahil sa kanyang pagmamalasakit at pagmamadali, hindi niya naintindihan ang kailangan ng isang paru-paro ang mahirapan sa maliit na butas ng kukun upang makumpleto at mabuo ang pakpak ng paru-paro.
Minsan kailangan ng isang pagsubok sa buhay natin. Pag hinayaan ng Diyos na hindi tayo bigyan ng mga pagsubok sa yugto ng ating buhay. Tayo ay inutil at hindi magiging ganap na tao.
Bintana
Dalawang ama ang magkasabay pinasok sa ospital dahil sa malubhang karamdaman. Ang isa ay pinaupo ng doktor ng isang oras upang mawala ang tubig sa kanyang baga. Bukod sa bintana ang tanging kasama sa kwarto ay isa ring amang kinailangan ipahiga dahil sa mahinang likod.
Naisipan ng dalawang magkuwentuhan. Pinag-usapan nila ang kanilang mga asawa, pamilya, tirahan, hanapbuhay at ang mga lugar na kanilang napuntahan tuwing bakasyon. Pagsapit ng hapon, kinukuwentuhan ng lalaking naka-upo ang lalaking nakahiga kung ano ang nakikita niya sa bintana.
Ang lalaking nakahiga naman ay kuntento na hagapin ang mga kuwento ng lalaking naka-upo kung ano ang nasa labas ng bintana. Magandang parke, mga bibe at ibon naglalaro sa batis, sabi ng lalaking naka-upo sa lalaking nakahiga.
Ang mga magkasintahan na magkasamang magkahawak kamay sa ilalim ng bahaghari. Mahahabang matatandang luntian mga puno at mapang-akit na asul na kalangitan. Ang lahat ng ito’y pilit ipinapasok sa imahinasyon ng lalaking nakahiga sa bawat pikit ng mata.
Minsan isang araw, sinabi ng lalaking malapit sa bintana na may paradang dumaan sa ospital. Kahit na walang narinig ng lalaking nakahiga ng musika ng banda, halos, makita niya na at marinig ang banda dahil sa kakakuwento ng lalaking naka-upo. Ngunit, di nagtagal naingit ang nakahigang lalaki dahil sa kagustuhan niyang makita rin ang labas ng bintana. May mga gabing hindi siya makatulog sa kaiisip kung ano nasa kabila ng bintana.
Isang gabi habang nakatitig sa kisame narinig niya ang malakas na pag-ubo ng lalaking malapit sa bintana. Halos marinig niya na sumusuka ito ng tubig, nahihirapan huminga na tila naghihingalo. Walang ginawa ang lalaking nakahiga hindi ito sumigaw, mag-ingay o pindutin ang emergency button upang ipaalam sa mga nurse ang nangyayari sa kasama. Matapos ng limang minuto, nakakabinging katahimikan ang narinig nito.
Kinabukasan, nalaman ng mga nurse na namatay na ang lalaking pasyenteng malapit sa bintana. Walang salita at walang ingay, tumawag ang nurse ng iba upang iligpit ang bangkay ng nakaupong lalaki. Ang naiwang pasyente sa kuwarto, ang lalaking nakahiga ay nagmunkahi sa nurse na ilipat siya sa puwesto kung saan malapit sa bintana ang dating puwesto ng namatay na pasyente. Pinahintulutan naman ng nurse ang hiling at inayos ang higaan nito, siniguro na komportable ang sa kanyang sumunod na puwesto at saka iniwan.
Nang umalis na ang nurse, pilit tumayo ang lalaki upang makita ang labas ng bintana, kahit masakit ay tiniis upang makasilip sa bintana, ngunit laking gulat niya na ang bintana na inaasam makita ay isang pader pala.
Gintong aral: Ang pasghahanap ng kaligayahan ay kung ano ang gugustuhin… Isa itong positibong kaugalian na kailangan bukal sa kalooban. Hindi ito regalo na basta nalang nakukuha sa harap ng pintuan ng bahay o sa bintana. Ang katotohanan ay lahat ng kasiyahaan mo ngayon ay maliit lang na bahagi ng ganap na kaligayahan. Pag hinintay na maging tama ang lahat ay hindi natin mahahanap ang ganap na kaligayahan. #30#
Friday, December 24, 2010
Pinakamatibay na salamin nalikha
Nakagawa ang mga researcher sa Saudi Arabia ng isang salamin na kasing-tibay ng bakal.
Dahil sa isang mapait na karanasan matapos pasabugin ng mga terorista ang Khobar Towers noong 1996, kung saan nag-wan ng 19 taong patay dulot ng mga basag na salamin. Dahil dito nagkaroon ng ideya upang lumikha ng isang matibay na uri ng salamin.
Gawa sa plastik na polymer na meron glass fiber na kapal ay halos “quarter-inch” na kayang salaging anumang uri ng pagsabog tulad ng isang bulletproof glass, ngunit, ang tawag dito ay bombproff glass, ani Sanjeev Khanna, isang associate professor ng Mechanical Engineering sa University of Missouri .
Masusing tinutukan ng mga dalubhasa kabilang ang Department of Homeland Security’s Science and Technology S&T, ang pagawa sa matibay na uri ng salamin. Pinagsama-sama ang lahat na teknolohiya, formula at glass fibers na 15-25 micrometers na nipis at dahil sa sobrang nipis hindi sukat akalain na kakayanin salagin ang isang malakas na pagsabog.
Ilang beses ng sinubukan ang salamin kahit isang RPG missile ay nakayanan nito, sa sobrang tibay, pwede na gawing bulletproof vest ng mga sundalo, dagdag ni Khanna.
Balak ngayon nila Khanna na gumawa ng 48 by 66 inches tulad ng Khobar towers at magtayo ng isang gusali may matibay na salamin.#30#
Pinakamaliit na baterya sa buong mundo
Nagawang makalikha ng isang baterya ng kasing-liit lamang ng isang hibla ng buhok ang mga siyentipiko sa Center for Integrated Nanotechnologies (CINT) sa Albuquerque , New Mexico .
Ayon kay Jianyu Huang, researcher ng CINT, ang naimbentong baterya ay gawa sa anode nanowire, lithium based at rechargeable battery, na kayang magpatakbo ng isang transmission electron microscope.
Nagtataglay ang maliit na baterya ng tin oxide nanowire anone, 100 nanometers ang diameter at 10 micrometers ang haba, at kinakailangan pa ng tulong ng microscope upang makita.
Nahirapan din ang grupo ni Huang na gumawa ng gantiong klase ng bateryang, dahil sa sobrang liit na kayang magpailaw ng isang bumbilya sa loob ng limang sunud-sunod na araw na walang tigil. Kasama pa sa aparatong ito ang charger upang magamit uli.
Gamit naman ng mga siyentipiko ang picoampere upang makargahan ng 3.5 volts bawat isang charge ang nanobattery, dagdag ni Huang.
Balak ngayon ng CINT na subukan ang nanobattery sa laptop, cellphone at television upang malaman kung gaano ka-epektibo sa mgfa naturang electrical gadgets.
Taong 1800 nang maimbento ni Alessandro Volta ang kauna-unahang baterya sa buong mundo at tinawag itong isang voltaic pile. #30#
Sunday, December 5, 2010
Sa sobrang paggamit ng Facebook hika aatake
Sa mga sobrang pagkahilig ng Facebook, maging hinay-hinay at huwag sobrahan ang pagjamit. Sa isang ulat, muntik ng bawian ng buhay ang isang 18-anyos na lalaki matapos biglang atakehin ng hika dahil sa Facebook.
Mahilig sa Facebook si Jason, hindi nya tunay na pangalan, isang estudyante ng Goldsmiths University sa London , ngunit, lalong nalulong sa pagkahilig sa Facebook matapos maghiwalay sila ng kanyang kasintahan, ayon kay Genaari D’Amato, ang kaibigan ng minor de edad.
Minsan, binuksan niya ang kanyang facebook account upang tignan ang kanyang mga kaibigan, ngunit, nang makita nya ang kanyang dating kasintahan, nalaman niya na dumami ang mga kaibigan nito na puro lalaki at napuno ng mga mensahe sa kanyang wall na gusto siyang ligawan.
Sa sobrang selos at galit ni Jason, bigalng inatake ng kanyang asthma, muntik ng masawi ang binata, suwerte lang dahil narinig siya ng kanyang mga kaklase.
Nakaligtas naman si Jason sa ganap na kapahamakan matapos gumaling ay binigyan si Jason ng psychological therapy matapos ang siyang gumaling.
Pinayuhan ni Max Blumberg, isang psychologist ng Goldsmiths University, isang espesiyalista na humawak kay Jason, na iwasan muna na ang paggamit ng Facebook. #30#
USB gagamiting medical diagnosis
Pinag-iisipan gawin ngayon ng mga Biomedical engineers sa University of California Davis medical center, ang isang USB o Universal Serial Bus na kayang kumuha ng mga medical diagnosis sa pamamagitan ng pakabit sa katawan ng tao.
Ngunit, kailangan ng isang kagamitan na may USB port sa katawan upang kayang basahin ang mga ito, kaya, balak ni Tingrui Pan, assistant professor sa UC Davis, na gumawa ng isang microfluidic chip na ilalagay sa katawan ng tao at doon ilalagay ang USB upang makakuha ng medical diagnosis.
Ang microfluidic chip ay micrometers ang liit na gawa sa isang plastic membrane, at ilalagay ito sa isang USB storage upang basahin naman ng computer kapag ikinabit doon.
Kumpleto ang datos na makakalap ng microchip, malalaman dito ang klase dugo, temperatura at kukuha rin ng mga litrato upang masuring mabuti ang katawan ng tao.
Sa tulong ng USB, lalong mapapadali ang trabaho ng mga doktor sa pagkakalap ng mga impormasyon tungkol sa katawan ng tao upang mabigyan ng lunas sa kanilang mga sakit.
Ang USB ay isang standard peripheral device, na ginawa noong 1994, na ang umportanteng gagawin ay makabit ang dalawang devices tulad sa isang computer o printer, upang magkaroon ng komunikasyon ang dalawang gamit na ikinabit. #30#
Pinakamabilis na camera sa mundo gagawin
Planong likhain ang isang kamera na napakabilis at kayang kumuha ng deoxyribonucleic acid o DNA, ayon sa mga siyentipiko ng University of Edinburgh .
Sapamamagitan ng Megaframe imager, isang ultrafast camera, kayang kumuha ng isang milyong frames at may biochemical sensor, upang kahit DNA ay kayang kuhanin ng litrato.
Sa pamamagitan ng paggamit ng megaframe imager ng isang sensitibong Single Photon Avalanche Diode o SPAD, kagamitang nagtataglay ng on-chip intelligence na nagbibigay ng biosensing ability ng isang digital camera upang makita ang DNA, ayon sa ulat ng Biomedical Optics Express.
Taglay ng ultrafast camera ang mataas ng megapixel, neutral imaging, protein microarray scanning, automative collision at high sensitivity biosensing lens.
Balak ipasa ng University of Edinburgh ang kanilang research sa Optical Society of America upang mabigyan sila ng suporta sa naturang proyekto. #30#
Robot surgeon nang-opera na
Matagumpay ang dalawang robot sa pag-oopera sa isang tao upang sagipin sa isang ganap na kapahamakan sa McGill University Health Centre (MUHC) ng Canada .
Nagsama sina Da Vinci ng surgical robot at McSleepy ng anesthesia robot, upang operahan ang isang taong may tumor sa kanyang prostrate, ayon kay Dr. TM Hemmerling ng McGill University .
Napag-alaman ang pasyente ay meron bukol na tumubo sa kanyang prostrate at maaring maging kanser ito kapag magtagal na sasailalim sa operasyon, kaya, sa halip sa kamay ng mga doktor magpaopera sa robot na lang nagpaubaya.
Lahat ng sumagawa sa operasyon at paglalagay ng anesthesia ay ang mga partne sina DaVinci at McSleepy, binago lang ang kanilang programa upang magkaroon ng komunikasyon ang dalawang robot.
Automated o walang taong nakialam sa operasyon, ani Dr. Hemmerling, binantayan lang ng isang doctor ang buong proseso at tsaka ito kinuhanan sa video camera.
Lahat naman ay tama at malinis trabaho ang dalawang robot, banayad at iksakto ang bawat galaw ay tila parang tunay na mga doktor, ayon kay Dr. A Aprikian, isang urologist at nagbantay kina DaVinci at McSleepy.
Inembento sina Da Vinci at McSleepy noong 2008, sila ang kaunaunahang surgical robot na nagsagawa ng Protatectomy o ang pagtatanggal ng tumor sa prostrate gland ng tao.
Dahil sa tinamong tagumpay, kulang na lang ay bigyan sila ng lisensya bilang tunay na surgeon, biro ni Dr. Hemmerling. #30#
Friday, December 3, 2010
#34 Quebec , Puso ng Pranses-Canadians
Ni P. E. Bryden
Translated by Ian Estrada
Ang Quebec ang pinakamatandang probinsiya sa Canada . Simula pa noong 1608 matapos madiskubre ni French explorer Samuel de Champlain ang pangpang ng St. Lawrence River, at magtayo ng isang lugar na pwedeng pagtayunan ng kuta ng mga Pransiya sa America na tinawag na Quebec City. Kahit na idineklara ni Champlain ang pagtuklas at unang tao sa Quebec , bago pa ang mga Pransiya, ang lugar ay naging tahanan na ng mga katutubong Iroquois at Algonquin First nations at sa hilagang bahagi ay mga Inuit.
Ngunit, ang pagtatag ng Quebec ay hindi naging madali para sa mga Pranses, dahil sa gusto nilang gawin ang lugar bilang sentro ng kalakal ng probinsiya. Sinuyod nila ang buong Quebec upang makahanap ng ginto at naghanap ng daan papuntang sa Tsina upang makipagpalit ng kalakal. Nagkipagpalitan din ng mga fur sa North America at Europa. Naging interesado rin ang mga Pranses sa mga katutubo ng Canada at ipinakilala ang relihiyon Kristiyano. Nahirapan din ang mga Pranses dahil kaagaw nila noon ang mga Ingles na interesado rin sa Quebec . Dugo’t pawis ang naging puhunan ng mga Pranses dahil sa umiiral na digmaan Britanya at Pranses.
Pitong taong nagtagal ang digmaang Pransiya at Britanya, simula noong 1756 at 1763. Ang Quebec ay naging matatag na base ng Pransiya at walang anumang magawa ang Britanya sa matibay ng depensa nito. Nahinto lang ang digmaan noong 1759 matapos matalo ng Ingles ang mga Pranses sa Battle of the Plains of Ambraham. Sa labanang ito, lumambot ang kampanya ng Pransiya at hinayaan sakupin ng Britanya ang probinsiyang Quebec .
Gayunpaman, kahit nasa ilalim na ng Britanya ang pamumuno ng Quebec , hindi naalis ang kulurang Pranses. Mula pa noong masakop ang mga Ingles naging kolonya pa rin ng Pransiya ang lugar. Lumago ang ekonomiya, ngunit kahit ang Montreal at Quebec City ay sentro ng kalakal, ang edukasyon at pinansyal ay nasa kamay parin ng mga Ingles.
Dahil sa nagkaroon ng matinding diskriminasyon, ang mga mayayaman, makapangyarihan at namumuno ay nasa hanay lamang ng Ingles at wala sa Pranses. Noong 1830, nag-aklas ang mga Canadian na nagsasalita ng Pranses upang iparating sa Britanya na magkaroon ng pantay-pantay na estado ng buhya sa Canada sa pinagsamang dalawang kultura.
Ngunit hindi naging maganda ang pagsama ng dalawang kolonya ang France at English. Ang solusyon ay ang paghiwalayin ang dalawa. Ang Quebec ay sa mga French at Ontario sa mga English, kasama ang iba pang British North American Colonies at dito nabuo ang Canada.
Ang Quebec ay nanatiling probinsiyang nagsasalita ng Pranses ng Canada . Napulitika ang kultura matapos maimpluwensiyahan ng French-Canadian. Napanatiling tradisyonal ang pamumuhay hanggang ika-20th siglo. Noong 1960s, sa ilaim ng pamumuno ni Premier Jean Lesage, ipinakilala ang pagamit ng hydro electric power, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon at napalago ang pananalapi. Kabilang ito sa “French Canadian nationalism” o ang tinawag na The Quiet Revolution, na kilala ang Quebec bilang isang estado ng mga nagsasalita ng Pranses sa Canada . #30#
Translated by Ian Estrada
Ang Quebec ang pinakamatandang probinsiya sa Canada . Simula pa noong 1608 matapos madiskubre ni French explorer Samuel de Champlain ang pangpang ng St. Lawrence River, at magtayo ng isang lugar na pwedeng pagtayunan ng kuta ng mga Pransiya sa America na tinawag na Quebec City. Kahit na idineklara ni Champlain ang pagtuklas at unang tao sa Quebec , bago pa ang mga Pransiya, ang lugar ay naging tahanan na ng mga katutubong Iroquois at Algonquin First nations at sa hilagang bahagi ay mga Inuit.
Ngunit, ang pagtatag ng Quebec ay hindi naging madali para sa mga Pranses, dahil sa gusto nilang gawin ang lugar bilang sentro ng kalakal ng probinsiya. Sinuyod nila ang buong Quebec upang makahanap ng ginto at naghanap ng daan papuntang sa Tsina upang makipagpalit ng kalakal. Nagkipagpalitan din ng mga fur sa North America at Europa. Naging interesado rin ang mga Pranses sa mga katutubo ng Canada at ipinakilala ang relihiyon Kristiyano. Nahirapan din ang mga Pranses dahil kaagaw nila noon ang mga Ingles na interesado rin sa Quebec . Dugo’t pawis ang naging puhunan ng mga Pranses dahil sa umiiral na digmaan Britanya at Pranses.
Pitong taong nagtagal ang digmaang Pransiya at Britanya, simula noong 1756 at 1763. Ang Quebec ay naging matatag na base ng Pransiya at walang anumang magawa ang Britanya sa matibay ng depensa nito. Nahinto lang ang digmaan noong 1759 matapos matalo ng Ingles ang mga Pranses sa Battle of the Plains of Ambraham. Sa labanang ito, lumambot ang kampanya ng Pransiya at hinayaan sakupin ng Britanya ang probinsiyang Quebec .
Gayunpaman, kahit nasa ilalim na ng Britanya ang pamumuno ng Quebec , hindi naalis ang kulurang Pranses. Mula pa noong masakop ang mga Ingles naging kolonya pa rin ng Pransiya ang lugar. Lumago ang ekonomiya, ngunit kahit ang Montreal at Quebec City ay sentro ng kalakal, ang edukasyon at pinansyal ay nasa kamay parin ng mga Ingles.
Dahil sa nagkaroon ng matinding diskriminasyon, ang mga mayayaman, makapangyarihan at namumuno ay nasa hanay lamang ng Ingles at wala sa Pranses. Noong 1830, nag-aklas ang mga Canadian na nagsasalita ng Pranses upang iparating sa Britanya na magkaroon ng pantay-pantay na estado ng buhya sa Canada sa pinagsamang dalawang kultura.
Ngunit hindi naging maganda ang pagsama ng dalawang kolonya ang France at English. Ang solusyon ay ang paghiwalayin ang dalawa. Ang Quebec ay sa mga French at Ontario sa mga English, kasama ang iba pang British North American Colonies at dito nabuo ang Canada.
Ang Quebec ay nanatiling probinsiyang nagsasalita ng Pranses ng Canada . Napulitika ang kultura matapos maimpluwensiyahan ng French-Canadian. Napanatiling tradisyonal ang pamumuhay hanggang ika-20th siglo. Noong 1960s, sa ilaim ng pamumuno ni Premier Jean Lesage, ipinakilala ang pagamit ng hydro electric power, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon at napalago ang pananalapi. Kabilang ito sa “French Canadian nationalism” o ang tinawag na The Quiet Revolution, na kilala ang Quebec bilang isang estado ng mga nagsasalita ng Pranses sa Canada . #30#
#33 Ontario : Higante ng Conferation
Ni P. E. Bryden
Translated by Eric Estrada
Idineklara ng isang sikat na awit noong 1960 ang Ontario bilang “a place to stand and a place to grow.” Dahil pinakaraming populasyon sa lahat na probinsiya ng Canada, at sentro ng kalakal ng Canadians, napatunayan isang lugar upang gawin tirahan at makapag-umpisa para sa karamihang Canadians, na mahigit 13 milyong sa huling bilang, Ngunit, para sa mga unang nanirahan sa Ontario, higit itong mas mababa.
Isang lupain sa mabatong Canadian Shield , bahagi ng makipot at masaganang lupain sa buong kahabaan ng dakong timog ay ang tahanan ng mga mangangaso sa hilaga at mga magsasaka sa timog. Ang mga taga-Europa ang unang nagpunta sa lugar. Habang kahali-halina para sa mga misyonero na nagsisikap ikalat ng kristiyanismo sa First Nations at itago sa mga mangangalakal at mananakop at maging puhunan upang maangkin ng mga taga-Europa ang kontrol sa kalakal, na hindi ginawa ng una ng Ontario .
Pagkatapos ng rebolusyon sa Amerika nong 1780, maraming mga Amerikano ang nanatiling tapat sa Britanya at nagpuntang pahilaga sa mas komportableng kapaligiran na British North America . Ang mga tinatawag na loyalista bilang mga takas (refugees) ay nagkampo sa Quebec at karamihan nagsasalita ng wikang Pranses. Upang mapanatili ang parehong Pranses at mga bagong saltang Ingles na massaya, hinati ang Quebec sa Lower Canada sa silangan at Upper Canada sa kanluran. Sa kalaunan, dahil sa pulitika naging Ontario .
Ontario na tinatawag pa rin Upper Canada ay una nang tinirahan, kasama ang mga loyalista upang magtayo ng ilang komunidad sa paligid ng Lake Ontario . Ngunit, ang lupain ay masagana at sa katayuan ng Britanya, sa parehong gobiyerno at kultura ay naakit ang malaking bilang ng mga dayo mula sa isla ng Britanya. Pagsapit ng 1851, 60 taon matapos maitatag, umaabot na ang kanyang populasyon malapit sa isang milyon, karamihang mga dayo na maaaring mula US o Britanya.
Sa ngayon, posibleng higitan ng Ontario ang kolonyang kapatid sa dami ng populasyon. Ang relasyon sa pagitang ng Ontario at Quebec, na nabuo sa parehong kasaysayan at ekonomiya, ngunit hati ng salita ay isa sa mga dahilan sa likod ng mas malaking Confederation ng mga kolonya ng British North American noong 1867. Sinikap ng bagong uri ng pulitika, kasama na ang mga pinagsamang ekonomiya at mga pulitiko mula Ontario , ang naging instrumento upang imungkahi ang Confederation at hikayatin ang mga nag-aatubiling pultiko sa Quebec at mga Maritimer na sang-ayunan ang panukala. Tagumpay naman at noong 1867, ang Ontario, Quebec, New Brunswick, at Nova Scotia ay nagsasamang buoin ang bagong Dominion of Canada.
Lagi ang Ontario ang may pinakamaraming bilang ng populasyon kumpara sa lahat na lalawigan ng Canada , at patuloy na nanghihikayat ng dayo mula sa labas ng bansa. Walang–alinlangan na ang Toronto ang pinakamalaking sentro, ngunit, karamihan sa mga tao ay piniling tirahan ang bahaging “Southern Fertile belt” ng Ontario mula pa kalagitnaan ng ika-19th siglo. Nangangahulugan ang naging dahilan ng pag-alis ng mga mamamayan sa First Nations. Bumalangkas ng mga tratado ng Ontario upang maglagay ng teritorya para sa First Nations sa loob ng Ontario, ngunit, kamakailan, nagkaroon ng mga sigalot tungkol sa lawak sa kanilang mga lupain at ang mga Gawain.
Dahil sa magagandang polisiya na nakabuti sa pangangalakal na siyang upang umunlad ang Ontario dahil sa malakas at matatag na ekonomiya na higit na mas malakas na agrikultura kumpara sa mga ibang rehiyon. Hindi lang ang pagtanim ng pangunahin pagkain tulad ng arina o mais sa Ontario , tumpay rin na nagtanim ng mga puno ng prutas, gulay, ubasan at tabako.
Nabiyayaan rin ang Ontario ng mga likas na yaman. Ang malaking gubat sa hilagang bahagi ng probinisya ay nadiskubre sa Canadian Shield bilang pinakamalikg deposito sa Canada nang pinakukunan “pulp and paper industry” at minahan ng nickel, iron, at silver at paggamit ng “hydro-electrical power.”
Ngunit, bukod sa swerte ang lokasyon ng Ontario, mas nakikita ang uri ng klima at mga likas sa yaman, na nagbibgigay ng mga benepisyo sa lalawigan mula sa mataas na tariff barriers, ilang dekada naging hadlang ng ibang mga rehiyon upang tangkilikin ng mga produktong gawa ng US. Mga polisya rin na hinubog upang tumatag ang mga local trade. Pinasigla rin ang industriya sa Ontario , ang kapalit ay maakit ang mga tao at mga negosyante na maglagak ng puhunan sa probinsiya. Sa una ng ika-20th siglo, ang Ontario ay makina ng ekonomiya ng bansa. Patuloy ang pagiging makina dahil sa tulong ng ibang lugar ng bansa ay nakapagbibigay ng magandang ekonomiya sa Ontario .
Ang magandang ekonomiya ng Ontario ay dahil sa malakas na pulitika sa probinsiya. Mas maraming miembro sa Parlamento sa House of Commons kumpara sa ibang lalawigan na nagbibigay ng mas maraming bentahe para sa lalawigan. Mas mayaman ang Ontario dahil malaki ang tax base, at patuloy na maging magandang destinasyon para sa mga dayo, negosyo, teknolihiya at “sporting and cultural events.” Mula perspektibo ng ibang rehiyon sa buong bansa, madalas hindi nabibigyan ang Ontario ng mas maraming benepisyo ng federal. Ngunit, para sa mahigit 13 milyong mamamayan na tinawag tahanan ang Ontario, ito pa rin ang lugar upang tirahan at makapag-umpisa ng panibagong buhay na puno ng pag-asa. #30#
Subscribe to:
Posts (Atom)