Monday, January 3, 2011

Walang nagyaya kay Juan na magpakabuti





Isa siyang panday na may masamang ugali. Alam niya ang lahat ng uri ng masama at kabastusan. Kinasusuklaman niya ang pagiging mabuti at hilig niya ang paggagawa ng masama. Pati ang mga relihiyoso sa kanilang bayan ay hindi ligtas sa kanyang pang-aalipusta. Ang kanyang asawa na isang tapat na kapanalig sa Diyos ay kanyang sinasaktan tuwing nakikitang nagdadarasal. Hindi siya naniniwala sa Diyos, walang siyang pakialam sa simbahan dahil walang gustong kumausap sa kanya tungkol sa mga bagay na makaDiyos.



Sa isang malayong lugar mula sa bayan ng panday, may mag-asawang masayang nagsasama. Si Juanito at Juanita na mula sa pamilyang mangingisda. Matanda na ang dalawa, humigit-kumulang 90 taon gulang ang magasawa. Payapa, kuntento at hitik sa pag-ibig ng Diyos ang kanilang pagsasama.



Isang madaling araw, nagising ang lalaki at dadali nitong sinabihan ang kanyang asawa na “Tayo na aking asawa, Gising na.”



“Bakit, irog ano ang problema,” tanong ng babae. Sagot ng lalaki, “Hindi ko masasabi ngayon basta kailangan kong pumunta sa bayan, halina na at tumayo ng makapaghanda at makakain na ako dahil malayo pa ang aking lalakbayin.” “Pupunta ka sa bayan? Nababaliw ka na ba? Pano ka makakapunta dun e di ka nga makalakad?,” sabi ng babae. “Wag mong sabihin ang di ko kayang gawin. Nanaginip ako kagabi at kailangan kong makapunta sa bayan teka kailangan makagawa ng apoy upang makaalis na. Sasabihin ko na lang sayo mamaya,” sagot ng lalaki.



Sinunod ng babae ang kanyang asawa, hinanda ang agahan at nang makakain ay umalis na ang matandang lalaki papuntang bayan. Isang napakahaba at napakahirap na biyahe para sa isang matandang lalaki, ngunit meron kakaibang lakas ang naibigay kay Juanito sa araw na yon at nakarating ito ng matiwasay papunta sa tindahan ni Juan, ang panday.



“O mangingisdang Juanito, ano ang ginagawa mo dito? sobrang aga mo ata?,” ani ni Juan. Sinagot ng matanda, “Pumarito ako dahil ikaw ang sadya ko, kailangan natin mag-usap, halika punta tayo sa loob ng inyong bahay at may sasabihin ako sa iyo.”



Pumasok sina Juan at Juanito sa loob ng bahay. Lahat ng napanaginipan ni Juanito ay kanyang isiniwalat. “Juan, nanaginip ako, napaginipan ko ang matagal ko ng minimithi, ang makasama ang Panginoon Maykapal. Kagabi sa akin panaginip, dinalaw ako ng maraming anghel at doon binalita na mamatay na ako at makakasama ko na ang Panginoon sa langit. Sinabi ng anghel sa akin na mahal niya ako. Dinala ako ng mga anghel sa isang mataas na bundok, na halos maapakan muna ang ulap at maabot ang mga bituin. Doon nagkantahan mg mga anghel na kay ganda ng mga boses para akong nasa paraiso.”



“At ng pumasok sa isipan ko nasaan si Juan, di ko nakita si Juan. Sinubukan kitang hanapin. Pumunta ako sa lahat ng sulok ng lansangan, nagtanong sa lahat ng naninirahan sa bayan, ngunit walang nakapagturo kung saan kita matatagpuan. Humingi ako ng tulong sa taas, nanalangin at umasang matagpuan ka. Sinabi sa aking ng Panginoon Maykapal na hindi ka makakasama. Umiyak ang Panginoon Maykapal at sinabing walang nag-imbita kay Juan na pumunta sa paraiso. Naawa ako sa Panginoon, umupo at sinamahan siyang umiyak. Hinugasan ko ng luha ang kanyang paa, at nagmungkahi sa kanya yayain ko si Juan, ang panday na dumalo sa paraiso. Bibigyan ko sa siya ng imbitasyon. At ng ako ay magising at nagdalidaling pumunta dito upang sabihin ang napaniginipan ko. Juan gusto mo bang makarating sa paraiso.”



Pinilit ng matanda ang panday na pumayag sa imbitasyon papunta sa paraiso. Walang nasagot si Juan, nagulat siya sa kanyang narinig, di maigalaw ang kanyang katawan at nagmistulang naging utal. Hanggang sa nagpaalam si Juanito at umalis na sa tirahan ng panday.



Sa araw na iyon walang nangyaring tama sa buhay ng panday. Ang kanyang martilyo ay nasisira, ang mga pako ay nababaluktot, wala siyang nagawa kahit isang pirasong sapatos ng kabayo. Kahit ipinakunsulta niya sa mga doktor o salamangkero ang problema walang nakagamot sa kanyang suliranin. Hanggang makita niya ang isang krus na kanyang ginagawa at doon nagdasal. Ang kaununahang dasal at kanyang sinabi niya “O Ama, maawa ka sa akin.” Biglang napaluha si Juan at umuwing umiiyak at nagsisisi sa kanyan mga kasalanan. Pagdating sa kanyang bahay nadatnan niya ang kanyang kabiyak na masaya. Sinabi ng kanyang asawa na bumisita si mangingisdang Juanito na may hatid na magandang balita. Sabi ng kanyang asawa na papuntahin muli ang matanda dahil hindi pa natapos magkwento tungkol sa magandang balita. Nagulat ang kanyang asawa ng magwika rin si Juan ng “Oo, gusto kong makinig kay mangingisdang Juanito sa kanyang magandang balita. Gusto kong magsisi at maniwala sa Diyos na Maykapal.” #30#

No comments:

Post a Comment