Monday, January 3, 2011
Kahalagahan
Isang tanyag na mananalumpati ang sinimulan ang kanyang seminar sa pamamagitan ng pagpakita ng isang $20 sa mga taong dumalo. Sa 200 kataong dumalo sa seminar, nagsalita ang mananalumpati ng “sino ang may gusto ng $20?
Halos lahat ng nanduon ay nagtaasan ng mga kamay.
Nagsalita ulit ito, “sige mapapasainyo ang $20 ngunit kailangan ko munang gawin ito.” Nilukot ang pera tulad ng isang papel at sabay ipinakita sa mga nanunuod.
“Sino pa ang maygusto ng $20,” aniya.
Walang nagbago sa mga taong nagtaas ang kamay.
“Kung ganun, gawin ko kaya ito”.Inihulog ang pera at saka inapak-apakan hanggang madumihan.
Pinulot at saka nagtanong sa manunuod. “Sino pa ang may gusto ng $20?”
Walang nabago sa bilang ng mga nagtaasan ng mga kamay.
“Mga kaibigan meron tayong natutunan sa gabing ito. Kahit anong gawin ko sa pera ay gusto niyo pa rin dahil alam niyong may halaga pa rin ang pera at hindi magbabago kahit madumihan.”
Kadalasan sa ating buhay ay tayo ay bumabagsak sa lupa, nalulukot at nadudumihan sa anumang desisyon na ating ginagawa o dumating sa ating buhay. Ngunit, kahit anumang mangyari hindi nawawala ang ating halaga dahil tayo ay espesyal na ginawa ng Diyos. Lahat ng nilalang dito sa mundo ay may halaga. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment