Monday, January 17, 2011
Bagong zodiac sign
Sa kalendaryo ng Tsino, meron panibagong maidagdag sa kasalukyang 12 zodia signs. Kaya sa kanilang bagong taon sa darating na Peb. 3, 2011. magiging 13 na ang kanilang zodiac signs.
Kamkailan, inilabas ng Minnesota Planetarium Society (MPS) ang karagdagang zodiac sign na tinawag na Ophiuchus ang pinakabagong zodiac sign.
Ang naging paliwanag ng mga astrologer ng MPS, nagbago kasi ang ikot ng ating mundo kayat ang naturang 12 konstelasyon ay madadagdagan ng isa.
Ang Ophiuchus o kilala sa tawag na Serpentarius, Serpent Holder, ang taga-hawak ng ahas, ay madadaanan ngayon ng atin galaxy, nasa gitna ito ng konstelasyon ng Scorpio at Sagittarius.
Ang itsura ng Ophiuchus ay isang lalaking may nakapalupot na ahas sa katawan at ang ahas na ito ay hango sa larangan ng medisina na ang kahulugan ay simbolo ng kalusugan
Kung madadagan ng isang zodiac sign, uurong ang petsa ng ibang Zodiac sign, ang Ophiuchus ay mula sa 30th ng Nobyembre hanggang sa 17 ng Desiyembre. Ang dating 28 araw na tagal ng mga zodiac sign ay uurong sa 19 araw at ang Scorpio ay tatagal lamang ng 6 na araw.
Ayon sa mga astrologer ng MPS, hindi agad itong matatangap ng kararamihan at ang nais lamang iparating ay nagbago ang paggalaw ng mundo at nang buong sandaigdagan.
Ang karacter daw ng isang Ophiuchus ay isa daw itong taong masuwerte ngunit seloso, lagi daw ito sumasadya sa kanyang panaginip at ang lagi nitong hanap ang kapayapaan at katalinuhan.
Ang kasalukuyang 12 zodiac signs ay – Aries - Marso 21-Abril 19; Taurus - Abril 20-Mayo 20; Gemini - Mayo 21-Hunyo 20; Cancer – Hunyo 21-Hulyo 22; Leo - Hulyo 23-Agosto 22; Virgo - Agosto 23-Septiembre 22; Libra - Septiembre 23 - Oktubre 22; Scorpio - Oktubre 23-Nobiembre 21; Sagittarius - Nobiembre 22-Disiembre 21; Capricorn - Disiembre 22-Enero 19; Aquarius - Enero 23-Pebrero 18; at, Pisces - Pebrero 19-Marso 20. #30#
Kwento sa 3 puno
Isang araw may tatlong puno sa gubat ang naisipan magkwentuhan kung ano ang kanilang mga pangarap. Sabi ng unang puno: “Gusto kong maging isang kahon na lalagyanan ng kayamanan. Isang magarang baul ng kayamanan na binabalutan ng magandang disenyo, laging puno ng ginto, pera at mamahaling mga alahas.”
Ani naman ng pangalawang puno: “Ako naman ay isang napakalaking at matibay na barko, mga magigiting na kapitan, tao, hari at reyna ang sasakay sa akin. Lilibutin ko ang buong mundo at walang bagyo o hangin ang magpapalubog sa akin.” Sabi naman ng pangatlong puno, “Ako naman ay isang pinakamataas at malakas na puno upang lahat ng tao ay mapapatingin at hahanga sa kisig at taas ng aking mga sanga, kahit ang kalangitan ay maabot ko sa taglay kong kataasan.”
Nagdaan ng maraming taon, nagpatuloy ang tatlo sa pagdarasal upang magkatotoo ang kanilang mga pangarap. Nang dumating ang isang magtrotroso at naggawi sa lugar ng unang puno. Mungkahi sa mga kasama: “Maganda ang punong ito at pwedeng maging isang taguan ng gamit, ito na ang putulin natin at ibenta sa mga karpintero.” Galak na galak ang unang puno dahil sa matutupad na rin ang kanyang pangarap.
Ngunit, matapos maputol ang unang puno at sa halip na gawin isang magarang kahon, napunta sa isang karpinterong gumagawa ng kainan ng mga hayop. Halos hindi makapaniwala ang unang puno ng mapunta sa kulungan ng mga hayop at maging kainan ng mga kabayo.
Makalipas ang ilang mga taon. May napadaan mga mangangaso at naghahanap ng kahoy na ibebenta. Nakita nila ang pangalawang puno. “Ito ang putulin natin mukhang matibay ang punong ito at bagay maging panglakbay pangtubig.” Tuwang-tuwa ang pangalawang puno dahil sa wakas masasagot ang matagal niyang pinapanalangin.
Naibenta naman ng mga mangangaso ang pangalawang puno sa mga mahihirap na mangingisda, sa halip na gawing malaking barko ay naging bangkang kahoy na gamit sa pangingisda. Natulala ang pangalawang puno dahil sa di nagkatotoo ang kanyang pinapangarap.
Naiwan naman ang pangatlong puno, tumankad at naging makisig na puno, makalipas ang ilang mga dekada may mga sundalong napadaan at namimili ng puno. Ang sabi ng kanilang kapitan: “Ang punong yan na napakataas ang piliin natin upang Makita ng mabuti ng mga tao ang isang kriminal na itatali upang di tularan.” Walang nagawa ang pangatlong puno kundi umiyak ng umiyak habang pinuputol ang kanyang katawan.
Nanghina at nalungkot ang tatlong puno dahil hindi nila nakamit ang kanilang minimithi. Minsan may dalawang mag-asawa ang napadpad sa taguan ng mga hayop, kung saan, ang unang puno namamalagi. Ang babae ay manganganak at walang mapaglagyan ng isisilang na sanggol. Nakita ng lalaki ang kahoy na lalagyanan ng pagkain, kinuha ito at duon inilagay ang naisilang na sanggol. Sa unang pagkakataon sumaya ang pakiramdam ng unang puno dahil kalong-kalong niya ang pinakadakilang kayamanan sa lahat dahil sa pagsilang ng Anak ng Diyos.
Lumipas ng maraming taon, meron isang lalaki ang nangaral sa may tabing dagat. Naisipan nito at ng kanilang mga kasama na maglakbay at manghuli ng isda, nang maglayag meron isang malakas na bagyo ang dumaan sa kanilang puwesto, mahimbing ang tulog ng lalaki habang ang kanyang mga kasama ay halos umiiyak sa takot, di naman hinayaan ng pangalawang puno na magpalubog, pinatibay ang kanyang katawan upang makayanan ang malakas na bugso ng hangin at mga dambuhalang alon. Tumingin na lang ito sa langit at nagdasal. Nagising ang natutulog ng lalaki at sumigaw ng “Kapayapaan.” Tumigil ang hangin at alon. Nawala ang bagyo. Halos umiyak sa kasiyahan ang pangalawang puno dahil sumakay sa kanya ang pinakamagiting na lalaki sa buong mundo ang Hari ng sanlibutan.
Halos magmakaawa naman ang pangatlong puno sa mga sundalo dahil pinutol niya. Nadurog at nawalan saysay ang kanyang buhay. Ipinasa ng sundalo ang puno sa isang lalaki. Pinabuhat sa kanya ang malaki at mabigat na puno. Kinukutya, sinasaktan at halos matikman na ng pangatlong puno ang pawis at dugo ng lalaki. Nang mahinto sa isang patay na burol. Ipinako ang lalaki sa punong ito. Walang katumbas ang kasiyahan ng pangatlong puno dahil nalaman niya na naabot na niya ang kalangitan sa lupa dahil ang namatay sa kanyang katawan ay ang anak ng Diyos Ama. Ang hari ng langit at lupa.
Ang gintong aral sa kuwento ay minsan sa ating buhay meron tayong mga bagay na hindi makamit. Ngunit alam niyo ba may plano ang Diyos para sa atin. Kailangan lamang ay magtiwala sa kanya at. ibibigay niya ang nararapat sa iyo.#30#
Monday, January 3, 2011
Walang nagyaya kay Juan na magpakabuti
Isa siyang panday na may masamang ugali. Alam niya ang lahat ng uri ng masama at kabastusan. Kinasusuklaman niya ang pagiging mabuti at hilig niya ang paggagawa ng masama. Pati ang mga relihiyoso sa kanilang bayan ay hindi ligtas sa kanyang pang-aalipusta. Ang kanyang asawa na isang tapat na kapanalig sa Diyos ay kanyang sinasaktan tuwing nakikitang nagdadarasal. Hindi siya naniniwala sa Diyos, walang siyang pakialam sa simbahan dahil walang gustong kumausap sa kanya tungkol sa mga bagay na makaDiyos.
Sa isang malayong lugar mula sa bayan ng panday, may mag-asawang masayang nagsasama. Si Juanito at Juanita na mula sa pamilyang mangingisda. Matanda na ang dalawa, humigit-kumulang 90 taon gulang ang magasawa. Payapa, kuntento at hitik sa pag-ibig ng Diyos ang kanilang pagsasama.
Isang madaling araw, nagising ang lalaki at dadali nitong sinabihan ang kanyang asawa na “Tayo na aking asawa, Gising na.”
“Bakit, irog ano ang problema,” tanong ng babae. Sagot ng lalaki, “Hindi ko masasabi ngayon basta kailangan kong pumunta sa bayan, halina na at tumayo ng makapaghanda at makakain na ako dahil malayo pa ang aking lalakbayin.” “Pupunta ka sa bayan? Nababaliw ka na ba? Pano ka makakapunta dun e di ka nga makalakad?,” sabi ng babae. “Wag mong sabihin ang di ko kayang gawin. Nanaginip ako kagabi at kailangan kong makapunta sa bayan teka kailangan makagawa ng apoy upang makaalis na. Sasabihin ko na lang sayo mamaya,” sagot ng lalaki.
Sinunod ng babae ang kanyang asawa, hinanda ang agahan at nang makakain ay umalis na ang matandang lalaki papuntang bayan. Isang napakahaba at napakahirap na biyahe para sa isang matandang lalaki, ngunit meron kakaibang lakas ang naibigay kay Juanito sa araw na yon at nakarating ito ng matiwasay papunta sa tindahan ni Juan, ang panday.
“O mangingisdang Juanito, ano ang ginagawa mo dito? sobrang aga mo ata?,” ani ni Juan. Sinagot ng matanda, “Pumarito ako dahil ikaw ang sadya ko, kailangan natin mag-usap, halika punta tayo sa loob ng inyong bahay at may sasabihin ako sa iyo.”
Pumasok sina Juan at Juanito sa loob ng bahay. Lahat ng napanaginipan ni Juanito ay kanyang isiniwalat. “Juan, nanaginip ako, napaginipan ko ang matagal ko ng minimithi, ang makasama ang Panginoon Maykapal. Kagabi sa akin panaginip, dinalaw ako ng maraming anghel at doon binalita na mamatay na ako at makakasama ko na ang Panginoon sa langit. Sinabi ng anghel sa akin na mahal niya ako. Dinala ako ng mga anghel sa isang mataas na bundok, na halos maapakan muna ang ulap at maabot ang mga bituin. Doon nagkantahan mg mga anghel na kay ganda ng mga boses para akong nasa paraiso.”
“At ng pumasok sa isipan ko nasaan si Juan, di ko nakita si Juan. Sinubukan kitang hanapin. Pumunta ako sa lahat ng sulok ng lansangan, nagtanong sa lahat ng naninirahan sa bayan, ngunit walang nakapagturo kung saan kita matatagpuan. Humingi ako ng tulong sa taas, nanalangin at umasang matagpuan ka. Sinabi sa aking ng Panginoon Maykapal na hindi ka makakasama. Umiyak ang Panginoon Maykapal at sinabing walang nag-imbita kay Juan na pumunta sa paraiso. Naawa ako sa Panginoon, umupo at sinamahan siyang umiyak. Hinugasan ko ng luha ang kanyang paa, at nagmungkahi sa kanya yayain ko si Juan, ang panday na dumalo sa paraiso. Bibigyan ko sa siya ng imbitasyon. At ng ako ay magising at nagdalidaling pumunta dito upang sabihin ang napaniginipan ko. Juan gusto mo bang makarating sa paraiso.”
Pinilit ng matanda ang panday na pumayag sa imbitasyon papunta sa paraiso. Walang nasagot si Juan, nagulat siya sa kanyang narinig, di maigalaw ang kanyang katawan at nagmistulang naging utal. Hanggang sa nagpaalam si Juanito at umalis na sa tirahan ng panday.
Sa araw na iyon walang nangyaring tama sa buhay ng panday. Ang kanyang martilyo ay nasisira, ang mga pako ay nababaluktot, wala siyang nagawa kahit isang pirasong sapatos ng kabayo. Kahit ipinakunsulta niya sa mga doktor o salamangkero ang problema walang nakagamot sa kanyang suliranin. Hanggang makita niya ang isang krus na kanyang ginagawa at doon nagdasal. Ang kaununahang dasal at kanyang sinabi niya “O Ama, maawa ka sa akin.” Biglang napaluha si Juan at umuwing umiiyak at nagsisisi sa kanyan mga kasalanan. Pagdating sa kanyang bahay nadatnan niya ang kanyang kabiyak na masaya. Sinabi ng kanyang asawa na bumisita si mangingisdang Juanito na may hatid na magandang balita. Sabi ng kanyang asawa na papuntahin muli ang matanda dahil hindi pa natapos magkwento tungkol sa magandang balita. Nagulat ang kanyang asawa ng magwika rin si Juan ng “Oo, gusto kong makinig kay mangingisdang Juanito sa kanyang magandang balita. Gusto kong magsisi at maniwala sa Diyos na Maykapal.” #30#
Kahalagahan
Isang tanyag na mananalumpati ang sinimulan ang kanyang seminar sa pamamagitan ng pagpakita ng isang $20 sa mga taong dumalo. Sa 200 kataong dumalo sa seminar, nagsalita ang mananalumpati ng “sino ang may gusto ng $20?
Halos lahat ng nanduon ay nagtaasan ng mga kamay.
Nagsalita ulit ito, “sige mapapasainyo ang $20 ngunit kailangan ko munang gawin ito.” Nilukot ang pera tulad ng isang papel at sabay ipinakita sa mga nanunuod.
“Sino pa ang maygusto ng $20,” aniya.
Walang nagbago sa mga taong nagtaas ang kamay.
“Kung ganun, gawin ko kaya ito”.Inihulog ang pera at saka inapak-apakan hanggang madumihan.
Pinulot at saka nagtanong sa manunuod. “Sino pa ang may gusto ng $20?”
Walang nabago sa bilang ng mga nagtaasan ng mga kamay.
“Mga kaibigan meron tayong natutunan sa gabing ito. Kahit anong gawin ko sa pera ay gusto niyo pa rin dahil alam niyong may halaga pa rin ang pera at hindi magbabago kahit madumihan.”
Kadalasan sa ating buhay ay tayo ay bumabagsak sa lupa, nalulukot at nadudumihan sa anumang desisyon na ating ginagawa o dumating sa ating buhay. Ngunit, kahit anumang mangyari hindi nawawala ang ating halaga dahil tayo ay espesyal na ginawa ng Diyos. Lahat ng nilalang dito sa mundo ay may halaga. #30#
Subscribe to:
Posts (Atom)