Saturday, July 16, 2011
Epektibong anti-HIV drugs sinusuri sa Canada
Posible ng magkaroon ng gamot para sa sakit na HIV, dahil sa Anti-HIV drugs na masusi ng pinag-aaralan ng mananaliksik sa British Columbia .
Ang pinag-aaralan ay hindi isang contraceptive kundi kombinasyon ng antiviral drugs na kilala na tinawag na Active Anti-retroviral Therapy (AART) at mabisang panlaban ng HIV upang di mahawaan at nakagagamot din ito, ayon kay Dr. Julio Montaner ng British Columbia Medical Centre.
Bagamat hindi pa nasusubukan, ang plano nila Dr. Montaner na gawin anti-HIV drugs upang makontrol ang lalong pagkalat ng sakit na AIDS.
Imbes na gamot, isang droga ang magpapataas sa resistensya ng tao upang malabanan ang virus ng HIV, kaya’t pursigido ang grupo ni Dr. Montaner na tuklasin ang solusyon bilang isang anti-HIV drugs.
Ngunit, ayon kay Dr. Montainer, prevention is better than cure, kaya kung meron pangontra sa HIV masusugpo ang sakit na AIDS. #30#
Paggamit ng tuko bilang gamot sa AIDS babala
Binalaan ng Pilipinas ang paggamit ng mga tuko (geckos) bilang gamot sa nakamamatay na AIDS na maaring makasama ito sa kalusugan.
Isa itong alamat ng katutubo, makaluma at wala pang ebidensya na nakagagamot ang mga tuko sa sakit na AIDS, ayon kay Mundita Lim, Wildlife opisyal sa Pilipinas.
Na-alarma ang mga “ildlife organizations” sa pagdami nang pag-aangkat ng mga tuko sa Pilipinas, naipamalita sa mga pahaygan ang na ang 11 onsa (300 grams na) na tuko ay nagkakahalaga ng halos $1,160 o P70,000.
Ang ginagawa sa tuko ay pinapatuyo at tinatanggalan ng laman upang gawing sangkap o gamot sa mga me asthma, diarrhea, tuberculosis at ngayon sinasabing lunas sa AIDS.
Mula sa lizard family ang Gecko o Tuko o Gekkonidae na isang carnivorous reptile na matatagpuan sa mga tropikong bansa tulad ng Pilipinas. #30
News Brief Canada
Ottawa tutulong sa paggawa sa dumi ng baka maging ‘fuel’
OTTAWA – Mahigit-kumulang sa $3.4 milyon ang magiging pabuya sa mga mananaliksik sa University of Western Ontario na makapagbigay ng ambag sa ikaka-tagumpay na planong gawin enerhiya ang dumi ng baka.
Naglaan ng pondo ang federal na galing sa Natural Sciences and Engineering Research Council, upang tulungan ang pag-aaral upang gawing enerhiya ang dumi ng baka.
Halos $411 milyon ang inalaan upang suportahan ang pag-aaral at isang malaking hakbang sa larangan ng siyensiya sa bansang Canada , ayon kay Susan Truppe, conservative MP sa London , Ottawa .
Maganda rin bigyan ng pabuya sa mga taong makakatuklas tulad sa nagawa ng mga mananaliksik ng UWO, dahil malaki ang ma-iaambag sa ating bansa, upang mahikayat na gumawa ng mga importante bagay na makakatulong sa bansa, pati na sa buong mundo, dagdag ni Truppe. #30#
Lamok sa Toronto may West Nile Virus
TORONTO – Positibong taglay ng mga lamok sa Toronto ng nakakamatay na “West Nile Virus,” ayon sa pagsusuri ng Toronto Public Health.
Natuklasan ng mga health officials sa pamamagitan ng paghuli ng mga lamok sa kanilang mga lungga sa lahat ng bahagi ng lungsod, at naglagay ng 43 mosquito traps na ikinalat upang makahuli ng mga lamok at masuri ito.
Pinag-iingat ang mga mamamayan sa Toronto , dahil may mga lamok na positibo sa virus at dapat proteksyonan ang kanilang sarili sa kagat ng mga lamok, babala ni Dr. Howard Shapiro, associate medical officer ng Toronto Public Health.
Natatandaan noong 2001 at 2002 nagkaroon ng pagsilakbo ang West Nile Virus sa Toronto, 163 taong nagkaroon nito at 11 ang namatay sa sakit. #30#
Monday, July 11, 2011
Pinas maingat sa pagkain dahil sa kalusugan
MANILA, Philippines – Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo ang nangunguna na masyadong nagpapahalaga sa kalusugan dahil nag-iingat sa pagkain at mas pinipili ang masusustansiyang mga pagkain.
Ayon kasi sa mga Pinoy, kung nais magkaroon ng malusog na buhay, kailangan idaan sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at malaki ang impluwensiya ito sa bata at gayundin sa mga nakatatanda.
Isa pang dahilan, nais rin silang makaiwas sa mga sakit, dahil nagsisilbing depensa ang mga masustansiyan mga pagkain upang maging malusog ang buhay.
Ayon sa pag-aaral ng isang grupo mula Britanya, sa 17 bansang pinag-aralan, lumalabas ang Pilipinas ay mas nagbigay halaga sa kinakain dahil pinapangalagahan ang kanilang kalusugan kahit hindi gaano kasarap ang isang pagkain.
Halos 63% mga Pinoy na tumogon ang nagpahalaga sa nutrisyon ng kinakain, dahil na rin sa katayuan ng bansa na maraming sakit na kumakalat at sa hirap ng buhay kaya marami ang naging mapili sa mga kinakain.
Ang malusog na pagkain ay magandang epekto sa isang bansa dahil ang malulusog na mga mamamayan ay katumbas ng isang malakas na bansa. #30#
Monday, July 4, 2011
Ang Maliwanag na Araw at ang Madilim na Gabi
Isang araw, nang pasikat pa lang si Araw at si Gabi naman ay palubog, sa kauna-unahang pagkakataon kinausap ni Gabi si Araw.
Sabi ni Gabi, “Alam mo Araw ang liwanag mo ay mawawala din at bilang na ang araw mo. Isa kalang kasing usok at apoy, kaya ang oras mo ay malapit na at mamamatay ka rin tulad ng lahat ng bagay sa mundo, ngunit ako ay mabubuhay habambuhay.
Natakot si Araw sa sinabi ni Gabi, kasi ngayon lamang napagsabihan ng ganitong kasama. Lahat ng mga nilalang sa mundo ay maganda ang pakikitungo kay Araw. Lahat ng ibon, hayop, at kasama na ang mga tao ay mga kaibigan, kayat, ang ginagawa tuwing umaga ay nagtatago kay Ulap.
Lalong ininis ni Gabi si Araw, tuwing madaling araw, laging sinasabihan si Araw ng ganito – darating ang panahon ang buong mundo ay didilim at ikaw ay mauupos din at magiging malamig. Hindi ka kailangan ng mundo ang malaking bolang apoy. Ikaw ay ginawa sa umpisa at darating ang panahon ay matatapos.
Patuloy ang pang-aasar ni Gabi kay Araw. Hanggang nasanay na si Araw at hindi na lamang ito pinapansin at nagpatuloy sa pagsinag sa mundo. Naging masaya si Araw at lalong pang pinasigla ang sinag niya. Halos matalbugan na niya si Gabi.
Kapag si Gabi ang nasa kalangitan, tinatakot ang lupain at mga nilalang sa mundo. Ngunit, pagsapit ng tanghali, naririnig niya ang mga usapan bulaklak at insekto na anong mangyayari sa kanila kung mawawala si Araw at paano na sila mabubuhay?
Ngunit, ang mga nilalang sa mundo ay may sariling kapalaran. Ang lahat ay nagpatuloy sa kanilang mga buhay at laong ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya upang mabuhay ng matiwasay, at umasang may magliligtas sa kanila.
Tuwing madilim, naririnig ng mga nilalang sa mundo ang hikab ni Gabi at mga pananalitang malapit at matatapos ang maliligayang araw nila dahil mawawala na si Araw.
Kaya, naging mailap ang mga nilalang sa mundo kay Gabi. Hindi na nila nagugustuhan ang kanyang mga pananalita at kayabangan. Isang araw, habang nilalamon ni Gabi ang isang lugar kay Araw, tuloy pa rin ang pang-iinis at sinasabing marami ang namatay pagsapit ang kanyang oras at gaano kalamig ang mundo kapag wala na siya.
Hindi pinansin ni Araw ang pang-iinis ni Gabi. Nakaisip si Araw ng plano at may ipinakalat na balita na may kaibigan siyang na dating bolang apoy na nawalan ng sinag. Si buwan ang tinutukoy at ibinalita sa mundo na kasama niya ito.
Ipinagtanggol naman ni Gabi ang kanyang sarili na di niya kailangan si Buwan, kaya niyang mabuhay sa kanyang sarili. Hindi naman pinansin ni Araw si Gabi, dahil ang liwanag ay may sikreto.
Dahil dito, nagtanong si Gabi kay Araw, “Ano ba ang sikreto mo Araw bakit lalo pang sumisinag at gumanda ang apoy mo?” Hindi ito sinagot ni Araw at lalo pang pinaliwanag ang kanyang sinag.
Hindi nakayanan ni Gabi ang pananahiminik ni Araw inulit ang tanong – “Bakit ka masaya Araw? Ano ba ang sikreto mo? Kung may sikreto ka ano ito, Saan yon? At Sino ba yon? Ikaw ay mawawala na. Ilang beses ko itong nakita. Ako lang ang matitira. Mabubuhay ako ng habambuhay. Ngunit kailangan malaman ko ang sikreto mo.”
Sagot ng Araw, “Hindi mo ba makita ang sinag ng araw? Ang ibidensya? Napakaganda ng liwanag nito.”
Ano ang ibidensya? Tanong uli ni Gabi. “Ang nakikita ko lang ay katapusan mo. Pero, kapag ikaw ay manghihina na. Mawawala ang tatlong buhay mo – ang Sinag, Ilaw at Araw.”
“Kaibigan diba ikaw ang may hatid ng kamatayan dahil ikaw si patay, ikaw si dilim at ikaw si katapusan. Alam mo ba kung sino ka? O pinaglalaruan mo lang ang sarili mo. Nakita mo ba ang liwanag, napanood mo na ang ganda ng mundo. Ikaw ang naghatid ng kamatayan mo. Di ba ikaw ang nagsasabi ng sakit, kamalasan, at kamatayan dito, kaya ikaw ang ama ng dilim? “
Mula noon hindi na ginambala pa ni Gabi si Araw. #30
Murang ‘antidote’ sa malarya ginawa
Nakatuklas ng mga siyentpiko sa Saskatoon ng isang murang gamot pangontra sa sakit na malarya na kumikitil ng buhay sa milyon katao sa mundo sa bawat taon.
Mahalaga ang gamot sa pangontra sa malarya. Sang-ayon ang World Health Organization ang kahalagan ng gamot na ito, ayon kay Patrick Covello, isa sa mga mananaliksik ng National Research Council sa Saskatoon .
Ang nadiskubreng gamut ay mula sa Artemisinin, isang sangkap na nakikita lamang sa “sweet wormwood plant” na tumutubo lamang sa Asya at Aprika. Ang halamang ito ang sagot sa nakamamatay na sakit na malarya.
Taong 2003, natuklasan ni Covello ang naturang halaman dahil sa sangkap nitong Artemisinin at mura lang pag-angkat, napakasimple ang pagawa ng gamot at ang malaki ang maitutulong dahil mabibili ito sa murang halaga lamang.
Ang target ng paggagawa ng gamot ng pangontra sa sakit ng malarya ng ang abot-kayang presyo nito para sa mga mamamayan ng mga bansang mahihirap upang malabanan ang sakit na ito.
Nakahanap naman ng katulong si Covello sa pagawa nito, ang Amyris Technologies upang makagawa ng murang gamot laban sa malarya sa pamamagitan ng Artemisinin.
Dagdag ni Covello, sa pamamagitan ng Artermisinin, malaki ang nai-ambag nito sa larangan ng medisina at makatulong pangontra sa sakit na malarya. #30#
Sunday, June 26, 2011
Apple I phone, ipod suki sa internet sa Canada
Lumabas sa pagsisiyasat ng Comscore na ang Canada ay isa sa mga bansang maraming tumatangkilik ng internet, ngunit alam nyo ba ang karamihan dito ay galing sa Apple ang kumpanyang naghatid ng Ipod, Ipad at Iphone.
Sa ulat na lumabas sa Canada , mataas ang agwat pagdating sa bansang madami ang taong gumagamit ng I phone at mga adik sa internet pagdating dito.
Halos 33.5% ang gumagamit ng internet na Smartphone sa Canada ay galing sa I phone at 14.9% naman ang galing sa mga gumagamit ng I pod.
Subalit, ang computer at lap top pa rin ang nangunguna at pinamataas na gumagamit ng internet at nakakagulat ang datos na nakalap sa mga gumagamit ng Iphone at I pod internet.
Ayon din sa Comscore, ang paggamit ng Iphone upang mag-internet ang dahilan bakit lumubo ang tumangkilik nito. Mas dumami ang nahilig dahil sa telepono at mag-surf sa internet sa pamamagitan ng paggamit ng Iphone.
Sumusunod naman sa survey ang iba pang smart phone tulad ng Android at Montion Playbook na meron 0.4 at 1.3 porsiyento lamang. #30#
Potato chips sisrain pag nagpapayat
Kung ikaw ay nagbabawas ng timbang, mag-ingat sa pagkain ng potato chips dahil malaki daw ang impluwensya na sisirain ang pagdidiyeta.
Sa pag-aaral na isinagawa ng New England of Medicine, ang potato chips ay hindi naman talaga nakakataba kung kaunti lamang ang kakainin, subalit, magiging masama na kapag marami na ang nakain at may lasang nakaka-adik tulad ng caffeine.
Napakasarap kasi ang potato chips dahil sa mga sangkap inihahalo, at hindi mapipigilan ang pagkain at kapag linantakan, hindi lang isa o dalawang piraso, ngunit umaabot sa isang supot, ani Dr. F Xavier Pi-Sunyer ng St Luke’s – Roosevelt Hospital Center .
Sa pag-aaral na isinagawa sa loob na apat na taon, mahigpit na sinubaybayan ng mga researcher ang mga taong nasa edad 12 at 20 at nahati sa tatlong grupo – 50,422 ang babae, 47,898 babae at 22,557 lalaki at lahat ay malusog ang pangangatawan at maganda ang klase ng pamumuhay.
Dahil lang sa pagkain lang ng potato chips o mga tsitsirya, lahat ng mga kalahok ay karaniwan bumigat na umaabot ng 3.35 libra sa loob ng apat na taon at 16.8 libra sa loob ng 20 taon kung tuloy-tuloy ang pagkain.
Base sa nakalp na mga datos, malaking impluwensya ang potato chips at nangunguna sa ibang mga pagkain, tulad ng tsokolate, karne at iba pang nakakatabang pagkain. #30#
Monday, June 20, 2011
Pangako ng Ama
Noong 1989 sa bansang Armenia , isang napakalakas na lindol (8.2 magnitude ang lakas) ang kumitil ng buhay sa mahigit 30,000 katao sa loob lamang na apat na minuto. Halos hindi kapanipaniwala ang laking pinsala na dulot ng lindol at hirap ng naranasan ng mga tao noon.
Ngunit sa gitna ng dilim na nangyari at mga pagdurusang nararanasan ng mga mamayan doon ay lumitaw na isang kwento tungkol sa isang ama at ang naliwanag na pag-asa.
Nang matapos ang lindol nagmamadaling nagpunta ang isang ama sa paaralan ng kanyang anak. Ngunit nang makita ang gusali ng paaralan, isa na lamang itong malalaking tipak na mga bato.
Dahil sa nangyari, ang ibang mga magulang ay nawalan na ng pag-asa na buhay pa ang kanilang mga anak, ngunit ang amang ito ay dalidaling pumunta sa gumuhong gusali at unti-unting nagtatanggal ng mga bato.
Dahil sa tinuran ng naturang ama, ilang mga taong naroroon ay sinabihang siyang tigilan na ang paghuhukay, dahil sa lagay na gumuhong gusali ay tiyak na wala ng makakaligtas doon.
Ngunit ang ama ay patuloy pa rin sa paghukay at iisa lamang ang nasa isip, ang pangakong binitawan sa anak na hindi ito iiwan. Ang pangakong iyon ay nagmistulang nagbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa upang unti-unti tanggalin ang mga malalaking tipak na bato.
Pati ang mga magulang ng mga kaklase ng kanyang anak ay sinabihan rin siyang tigilan na ang paghuhukay dahil sa palagay nila lahat ng mga bata doon ay patay na. Meron pang isang doktor ang nagpayo sa kanyang ikakasama ito ng kanyang katawan.
Pumunta rin ang mga bombero at binalaan siya na maraming pagsabog ang pwedeng mangyari at baka mapahamak siya sa paghuhukay. Meron din pumuntang mga pulis at na pinapauwi siya dahil wala na silang nakikitang pag-asa.
Ngunit ang ama ay tila bingi at hindi pinakinggan ang mga babala sa kanya at sa halip ay laong pang sinipagan ang paghuhukay sa gumuhong gusali.
Sa simulang paghuhukay tumagal ng walong oras naging 12 oras at naging isang araw, hitik na ang araw, malamig na ang gabi, at umuulan pa, ngunit, hindi natinag ang ama at patuloy sa paghuhukay.
Nang umabot na ng 38 oras na paghuhukay. May narinig siyang iyak at pinakinggan ang boses. Sumigaw at tinatawag ang pangalan ng kanyang anak. “Armand, anak ikaw ba yan”. “Itay ako sinabi ko sa mga kaklase ko na pupunta kayo at pumunta nga kayo Itay.”
Dahil sa isang determinadong ama na sinunod ang pangako, nailigtas ang kanyang anak.
Nagpapaalala sa atin na matutupad ang mga pangako ng ating Ama sa langit at hindi tayo pababayaan kung mananalig tayo sa kanya. Kahit gaano kalaking mga bato na nagiging sagabal sa ating buhay ay malultas dahil walang imposible kung may sapat na pananalig at paniniwala tayo sa kanya. #30
Sunday, June 5, 2011
Perpektong Puso
Isang araw may isang batang lalaking pinagyayabang ang kanyang puso sa mga tao. Bawat bayan na kanyang pinupuntahan, tinatawag niya ang lahat ng tao at ipinapakita kung gaano kaganda ang kanyang puso. Walang bahid ng dumi at maganda ang hugis ng kanyang puso. Lagi niya itong pinagmamalaki sa bawat lugar na kanyang puntahan.
Sa isang bayan na kanyang napuntahan, habang ipinagyayabang ang kanyang puso sa mga tao, may isang matandang lalaking lumapit sa kanya. “Hindi gaano kaganda ang iyong puso kaibigan kumpara akin.” Tinignan ng mga tao at ang batang lalaki ang puso ng matanda.
Nagtawanan ang lahat na nanduon dahil ang puso ng matanda ay malakas ang tibok, may sugat at napalibutan ng dumi. Sinagot ito ng batang lalaki, “Paano mo nasabing maymaganda ang iyong puso e puno naman ito ng sugat at dumi.” Sumang-ayon naman ang mga taong nanunuod.
“Oo, magandang tignan ang puso mo dahil walang sugat at dumi ngunit ayokong ipagpalit ang puso ko dahil ang bawat sugat at dumi ay nagpapaalala sa akin kung paano angmagmahal. Ang mga bahagi na maganda sa aking puso ay mga taong nagsukli ng pagmamahal na ibinigay ko. Ang mga dumi naman ay mga taong hindi nagbigay ng kaunting pagmamahal at ang sugat ay mga taong nanakit sa akin ngunit ako ay umaasa ang mga sugat at dumi ay maghihilom at malilinis rin dahil sa salitang pagmamahal, e ikaw natuto ka na bang magmahal,” sabi ng matanda.
Napahiya ang batang lalaki at napaluha. Lumapit ito sa matanda at kinuha ang puso nito at ibinigay sa matandang lalaki.
Ibinigay naman ng matanda ang puso niya sa batang lalaki at nang inilagay ng batang lalaki sa kanyang katawan, naramdaman niya ang kung ano ang tunay na pagmamahal.
Ano nga ba ang tunay na pagmamahal? Ito ay kung ibigay ang puso mo na walang patumangi at walang hinihintay na kapalit. #33#
Paper computer
Tila ata hindi na mapigilan ang tao sa pagusbong sa larangan ng teknolohiya ngayon nalikha nbg mga cellphone engineers ang kaunaunahang Paper computer.
Kanipis ng isang papel ang Paper computer, kaliit ng isang iphone ngunit ang processor nito ay tulad ng isang desktop computer, ito na ang papalit sa mga smartphones, computer at cellphone sa darating na panahon, ayon kay Dr. Roel Vertegal, direktor ng Queen University Human Media Lab.
Ang Paper computer ay may nipis na 9.5 cm na gawa sa espesyal na metal, flexible ito, kayang maglagay at mabukas ng mga files tulad ng movies, mp3, at meron internet connection, isang super computer smartphone na pinagsasama sa isang gadget.
Touchscreen din ang Paper computer, gamit ang isang stylus para kang nagsusulat sa papel, napakagaan din dalhin kailangan mong ilagay ito sa isang casing upang hindi ito masira, dagdag ni Dr. Vertegal
Hanggang ngayon sinusubukan parin ng grupo nila Dr.Vertegal ang Paper computer, wala pa kasi itong ganap na mapagkukunan ng enerhiya para tumakbo, ito pa ay nakalagay sa isang espesyal na casing upang mapaandar. Ngunit positibo sina Dr. Vertegal na magiging maganda ang proyekto nila ng Paper Computer sa tao. #33#
Ang Toro at ang Oso
Isang araw may isang Osong nakatira sa isang kuweba sa gitna ng gubat. Katabi nito ang bukid na may tinitirahan naman ng isang malaking Toro. Araw-araw pinagmamasdan ng Oso ang Toro sa kagubatan. Kilala ang Toro dahil napakalakas at nakakatakot sa, kaya, nagdadalawang-isip ang Oso kung hahamunin niya ang Toro.
Isang araw, hindi na mapigilan ang sarili ng Oso, kayat biglang nilapitan ang Toro at hinamon ng duelo. Laking gulat ng Toro, at nagtanong, “Kung bakit gusto niyang makipaglaban sa kanya.”
“Dahil nais kong patunayan sa aking sarili na ako’y mas malakas at mas magaling kaysa sa iyo,” sagot naman ng Oso. “Hindi ka mananalo sa akin dahil mas matalas ang aking sungay at kaya kitang sugatan ng malalim,” ani ng Toro.
“Bakit matalas din naman ang aking pangil at kuko, marami na akong natalong kalaban na gustong saktan ang aking anak at kunin ang aking asawa, ako ang hari ng kagubatan,” sagot ng Oso.
“Kung ikaw ang hari ng gubat bumalik ka sa kuweba mo,” ani ng Toro, “Ano? Bakit?”pagtataka ng Oso.
“Ano ang dahilan bakit tayo maglalaban, bigyan mo ako ng magandang dahilan bakit tayo magtutuos. Sinaktan ko ba ang anak mo at inaagaw ko ba ang inyong asawa?” hamon ng Toro.
“Kung matatalo kita mapapatunayan kong mas malakas ako,” sagot naman ng Oso.
“Sige, Ikaw na ang pinakamalakas ngayon umalis ka na at hayaan mo ako dito sa bukid ng mapayapa,” sagot ng Toro.
“Teka, ang ibig kong sabihin, magduelo tayo at ipaglaban mo ang iyon sarili,” akmang pasugod na ang Oso.
“Ikaw ang bahala, ngunit ayoko pa rin kitang labanan, walang dahilan bakit kita sasaktan, hindi mo naman sinaktan ang mga Bakang binabantayan ko at hindi mo naman hinahabol ang amo ko, kayat walang dahilan bakit tayo maglalaban,” depensa ng Toro.
“Hindi ko kayang labanan ang mga Baka dahil hindi nila kayang makipag-away,” sabi ng Oso.
“Oo yun nga, ngunit kung sasaktan mo ang mga Baka, at ipaglalaban ko sila? Masasaktan ako? Sino na ang magbabantay sa mga Baka laban sa mga asong gubat? At kung ikaw ang masaktan sa ating pagtutuos sino na ang mag-aalaga sa mga anak at asawa mo? Ano mangyayari sa kanila?
Napaisip ang Oso, “Oo nga kung may mangyari sa aking sino na ang magbabantay sa pamilya ko.”
“Kaya’t bumalik ka na sa gubat Oso, at mamuhay ng mapayapa at ako rin masayang mamuhay dito sa bukid, “sabi ng Toro.
Bumalik ang Oso sa kuweba at may natutunan sa usapan nila ng Toro. Sa kapayapaan, walang talunan. #33#
Kaunaunhang solar airplane pinalipad
Matagumpay na pinalipad ang isang solar airplane mula Switzerland hanggang Brussels at 13 oras halos ang itinagal nito sa himpapawid.
Magaan sa pakiramdam at tila isang malaking scooter ang kapag pinalipad ang naturang eroplano, ngunit, may konting kaba dahil sa di malalaman ang klase ng panahon, ayon kay Andre Borchberg, piloto ng solar powered na eroplano.
Sa loob ng 13 oras suwerte si Borchberg dahil hindi dinamutan ng sikat ng araw ang pinalipad na solar airplane, 480 km ang tinakbo nito at lumipad sa himapapawid ng 3,600 metro taas kung kayat malaki itong tagumpay sa mga taong sumusulong na solar-powered aircraft.
Isa itong tagumpay ng tao, dahil kapag isinulong ang solar-powered aircraft, mababawasan ang mga eroplano na maglalabas na mapanganib na polusyon sa kapaligiran, ayon kay Betrand Piccard, founder ng Solar impulse project.
Gamit ni Borchber ang HB-SIA model solar airplane na meron 12,000 solar cells 65 metro sa kanyang papak ang nagsilbing enerhiya at gas ng eroplano na umaabot ang kanyang bilis ng 10 horsepower na may apat na elise.
Sa solar cells na meron ang solar airplane model HB-SIA, kaya nitong magkarga no baterya upang lumipad hanggang gabi.
Kung tatanggapin ang teknolohiyang solar cells, makakatulong ito sa buong mundo dahil hindi lang maganda sa kapaligiran kungdi mas matipid pa kaysa mga hydrolic fuel na ginagamit sa pagpapalipad ng isang pagkaraniwang eroplano. #30
Pag-aayuno mainam sa puso
Nagdudulot daw ng mabuti sa katawan ng tao ang pag-aayuno o pagliban sa pagkain lalo na sa mga may sakit sa puso at bubuti ang kanilang pakiramdam, ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko kamakailan.
Ang pag-aayuno ay nakakabawas ng mga masasamang kolesterol na nagiging sanhi ng sakit sa puso at ang pagkakaroon rin ng sakit na diyabetis, ayon kay Dr. Benjamin D. Home, PhD, MPH, at director ng cardiovascular at genetic epidemiology sa Intermountain Medical Heart Institute.
Kung ang isang tao ay nag-aayuno, ito ay nagugutom at na-iistress dahil ang taong gutom ay mas maraming kolesterol ang nasusunog sapagkat nagsisilbi itong enerhiya ng katawan sa halip na ang glucose.
Dahil dito, nababawasan ang mga masasamang kolesterol at mga matatabang selula kaya bumubuti ang puso kapag ganito ang kalagayan.
Maliban sa nagpapalakas ng puso natuklasan din sa pag-aaral na ang pag-aayuno ng tao tumataas ang human growth hormone (HGH), metabolic protein na nagpapatatag sa mga kalamnam at tumutulong upang maging balanse ang metabolismo ng katawan.
Sa 24 na oras ng pag-aayuno o pagliban sa pagkain, umaabot sa 1,300% ang HGH sa mga babae at sa 2,000% naman sa mga lalaki.
Sa isang eksperimento na isinagawa, sumailalim sa pag-aayuno ang 200 tao. Sa loob ng 24 oras tubig lamang ang kanilang pampuno ng tiyan. Matapos ang 24 oras nagulat ang mga doctor at siyentipiko na lumakas ang puso at mga muscle ng mga ito.
Maaari ang pag-aayuno ay maganda ang naidudulot sa ating buhay, gaganang mabuti ang kondisyon ng pag-iisip at ang ating ispiritwal, dagdag pa ni Dr. Home. #30#
Ang Langgam at ang Tipaklong
Isang ina ng siyam-na-taong gulang na bata, na ang pangalan ay Mark, ang nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa guro ng kanyang anak sa pinapasukang paaralan.
“Gng. Smith, may nakakaibang ginawa ng inyong anak sa kanyang klase kayat nais kong ipaalam sa iyo,” sabi ng titser sa ina ni Mark.
Nagulat at nabahala si Gng. Smith dahil tanghaling tapat ay tumawag ang guro ng kanyang anak at baka may masamang nangyari o masamang ginawa ang anak. “Maam, ano po nangyari sa aking anak, may nagawa basiyang kasalanan?
“Wala naman. Matagal na akong natuturo sa paaralan ito ngunit ngayon lang ako nakakita ng ganito. Itong umaga habang nagtuturo ako sa klase nina Mark sa pagsusulat at nang bigyan ko sila ng halimbawa tungkol sa kwento ng Langgam at Tipaklong,” sabi ng guro.
Nagkwento ang guro sa loob ng klase at ganito ang kwento, “Isang araw may isang Langgam na walang ginawa kundi mag-ipon ng pagkain at isa naman tamad na Tipaklong.
Nang dumating ang tag-ulan at mga bagyo, nagumpisang makaramdam ng gutom ang Tipaklong dahil wala ng makain. Lumapit ito sa Langgam upang humingi ng kaunting makakain. Ngayon class, ituloy niyo ang kwento at isulat nyo kung anong susunod na mangyayari, dagdag ng guro.
“Ang iyon anak na si Mark ay itinaas ang kanyang kamay at sinabing Maam, me nais akong iiguhit sa pisara (balck board)? sabi ni Mark.
“Oo Mark pwede, ngunit tapusin mo muna ang kwento,” sagot naman ng guro.
Nang matapos ni Mark ang pagsasalita sa klase upang ibahagi ang karugtong ng kwento tungkol sa Langgam at Tipaklong.
“Kakaiba ang katapusan ni Mark tungkol sa kwento ng Langgam at Tipaklong. Ang ibang mga bata ay sinabing binigyan ng Langgam ng makakain ang Tipaklong at ang iba naman ay hindi binigyan ng Langgam ang Tipaklong.
Subalit, ang isinulat ng inyong anak ay “Ibinigay ng Langgam ang lahat ng kanyang pagkain sa Tipaklong at lumipas ang ilang araw ang Langgam ay namatay.
Sa katapusan ng kwento ni mark, gumuhit ito ng tatlong krus sa black board at nagsalita. “Di ba ang Anak ng Diyos na si Hesukristo ay isinakripisyo ang kanyang buhay para sa atin, upang makamit natin ang buhay na walang hanggang.” #30#
Sunday, April 24, 2011
Ang negosyante at mga asawa
Noong unang panahon may isang napakayaman na negosyante na meron apat na asawa. Ang kanyang pinakamamahal ay ang pang-apat na asawa dahil lagi niyang hinahandugan ng regalo at kayamanan. Alagang-alaga niya ang pang-apat na asawa at halos lahat na oras ay iginugol dito.
Mahal din ng negosyante ang pangatlong asawa. Dahil sa ganda, lagi niya itong pinagyayabang at pinagmamalaki sa kanyang mga kaibigan at mga kaanak. Ngunit, sa ganda niya pinangangambahan lagi ng mangangalakal na maaagaw at sasama sa ibang lalaki.
Mahal din ng negosyante ang pangalawang asawa, mabait, pasensiyosa at mapagkakatiwalaan. Kung meron problema siya lagi niya itong tinatakbuhan upang humingi ng tulong at ni minsan hindi tumanggi.
Ngunit ang una nitong asawa, kahit na siya ang humahalili sa kanyang mga trabaho, nag-aalaga ng bahay at kanyang mga anak. Hindi gaanong binibigyan ng halaga ng negosyante, kahit tapat ang pagmamahal ito sa kanya.
Dumating ang panahon na nagkasakit at malapit ng mamatay ang negosyante. Dahil alam niyang malapit na niyang kunin ng kamatayan. Ipinatawag nito ang pang-apat niyang asawa.
Suyo niya sa kanyang pang-apat na asawa. “Mahal na mahal kita, binihisan, hinandugan ng mga regalo at inalagaan. Ngunit, ngayon malapit na akong mamatay. Nais ko sana sinta na sumama ka sa akin hanggang kamatayan. Sagot ng pang-apat na asawa.”Hindi maari,” umalis ito at di nagsalita. Nasaktan ang negosyante at nalungkot.
Ipinatawag naman nito ang pangatlong asawa. “Irog, mahal na mahal kita, malapit na akong pumanaw sa mundong ito. Hiling ko sana na samahan mo ako na umalis sa mundong ito. Sinagot ito ng pangatlong asawa, “Ayoko, di ako aalis sa mundong ito, maganda ang buhay ko dito. May magmamahal pa sa akin at mag-aasawa uli ako.” Halos madurog ang puso ng negosyante.
Pinapunta naman ng negosyante ang kanyang pangatlong asawa. “Mahal, malapit na akong mamaalam sa buhay na ito, nais ko sanang kasama kita sa pagpunta ko sa kabilang buhay, lagi kang nandiyan kung may problema ako at nais ko sanang samahan mo ako sa kabilang buhay.” Umiyak at lumuhod ang pangatlong asawa. “Patawarin mo ako mahal ngunit hindi maari, may mga anak tayo na hindi ko puwedeng iwanan, hanggang burol lang kita masasamahan. Nalungkot at umiiyak ang negosyante.
Nang sumapit ang kamatayan ng negosyante. May bumulong sa kanyang tenga. “Hinding-hindi kita iiwan hanggang kamatayan, sasamahan kita hanggang sa kabilang buhay. Nang masilayan niya kung sino ang bumulong. Nagulat siya dahil ang kaharap ay ang kanyang unang asawa.
Ang kanyang unang asawa, payat na payat, naghihingalo na rin dahil matandang-matanda na rin. Niyakap ng negosyante ito at nagsalita, “ Sana inalagaan kita ng mabuti noong una pa.”
Gintong Aral: Lahat tayo ay may apat na asawa sa buhay. Ang pang-apat na asawa ay sumisimbolo ng atin katawan. Kahit anong oras at tiyagang aalagaan ang ating katawan. Mabubulok pa rin pag tayo’y namatay.
Ang pangatlong asawa ay ang ating mga kagamitan, katayuan at kayamanan. Kung tayo masawi, mapapasakamay ito ng iba.
Ang pangalawang asawa ay ang mga kaibigan, kasama at kapamilya. Kahit gaano ka kamahal ng mga ito hindi sila maaring sumama hanggang sa kabilang buhay dahil mayroon din silang sariling buhay.
Ngunit, ang unang asawa ay ang ating kaluluwa, na simula pa ng isilang tayo sa mundong ito nandiyan na at kahit na mamatay tayo hindi aalis sa atin dahil kabahagi na ito ng buhay natin.
Kung kayat dapat palusugin na ang ating kaluluwa dahil ito ang magiging sandigan natin sa ating pupuntahan kung tayo aalis na sa mundong ito. #33#
Friday, April 8, 2011
Kwento ng mga gamit ng karpintero
Isang araw nagpulong ang mga gamit ng karpintero, Si Martilyo (hammer) ang namuno, ang mga kasama niya ay nais siyang paalisin dahil napakaingay daw siya kung magtrabaho.
Dinepensahan ng Martilyo ang kanyang sarili. “Kung aalis ako dapat si Barena (gimlet) din aalis dahil wala naman siyang gaanong pakinabang sapagkat pambutas lang siya ni Amo,” paliwanag ni Martilyo.
Sumagot si Barena, “Tanggap ko aalis ako ngunit kailangan rin umalis ni Birador (screwdriver) dahil kailangan paikutin siya ng paikutin upang mapakinabangan.”
Binalingan naman ni Birador ang ibang mga kasama, “Kung nais niyo akong paalisin, si Katam (plane) ay kailangan din mawala dahil ang trabaho niya maghugis lang ng mga bagay.”
Sagot naman ni Katam, “Kung mawawala ako dapat din mawala si Lagare (Saw) dahil lagi si nakakaputol ng gamit.”
Nagalit si Lagare, “E paano naman si Ruler (reglador) walang ginawa kundi sukatin ang kahit anuman mga bagay.”
Sinilip naman ni Ruler si Papel de Liha (sandpaper), “Ganun ba kailangan din umalis si Papel de Liha dahil wala siyang ginawa kung di lihain ang anumang bagay.”
Naputol ang pagtatalo ng mga gamit ng dumating ang kanilang Amo. Ang Karpintero ay may ginagawang upuan kinuha niya sina Martilyo, Barena at Lagare. Ginamit rin niya sina Katam, Birador, Ruler at Papel de Liha. Lahat sila ay ginamit ng Amo at binigyan ng kahalagahan ang bawat isa upang makabuo ng isang bagay at makapagtrabaho.
Gintong Aral: Lahat tayo ay may kanya-kanyang katangian. Walang sinumang tao ang nabubuhay na walang kwenta. Dahil lahat tayo ay ipinanganak sa may mukha at mula sa Diyos, kayat lahat tayo ay magkakaibang mga katangian na kailangan ipagpasalamat sa Diyos. #33
Spy Bird
Isang robotic na ibon na kargado ng mga makabagong kagamitan pang-ispiya ng tao o isang lugar, ang nagawa ng mga inhinyero sa AeroVironment, isang kumpanya na gumagawa ng mga eroplanong pangespiya sa San Diego California .
Sa unang tingin, tila isang Hummingbird ang lumilipad at humuhuni, ngunit hindi alam na minamatyagan nap ala ang bawat galaw o kilos ng isang tao, ani ni Matt Keennon, senior project engineer ng AeroVironment.
Ang “spy bird” na di pa pinangalan hanggang ngayon ay isang uri ng eroplanong pangespiya na may katangian tulad ng isang ibong, may sukat lang na 6.5 pulgada ang pakpak, kayang lumipad sa bilis na 11 mph, at humuni tulad ng isang hummingbird.
Pinagkaiba lang ng Spy bird sa ibon ay “remote control” ito at meron maliit na camera sa kanyang mata na nakakabit sa laptop ng taong kumokontrol upang irekord ang lahat nn mga nakikita nito.
Malaki ang tulong ng spy bird sa paghahanap ng mga kuta ng kriminal o mga nawawalang tao sa mga gubat kung kayat patuloy na inaayosng mabuti ng AeroVironment ang kanilang imbensyon na ito, dagdag pa ni Keennon. #33
Sunday, March 20, 2011
Installing Love On The Human Computer
From a good friend of mine
As I was busy trying to explain what 'limiting beliefs' were to a friend, my phone went dead. Hmmm... stranger things happened to me, I thought. SHE was the one who asked ME the question, so I know she didn’t hang up. As I tried to rationalize, I made myself a tea and went to the phone. It was still dead. Puzzled, I tried the next mode of communication. The computer!
I first had to check my incoming before I could send her an email. I waited. There were 9 emails. This message was contained within the first email. A message part of 'The Belief Buster Mini Course Program'. Coincidence? Nah! I believe things happen for a reason. So I emailed it to her.
This is what I read. I'll share it with you...
Tech Support: Yes, how can I help you?
Customer: Well, after much consideration, I've decided to install Love. Can you guide me through the process?
Tech Support: Yes. I can help you. Are you ready to proceed?
Customer: Well, I'm not very technical, but I think I'm ready. What do I do first?
Tech Support: The first step is to open your Heart. Have you located your Heart?
Customer: Yes, but there are several other programs running now. Is it okay to install Love while they are running?
Tech Support: What programs are running?
Customer: Let's see, I have Past Hurt, Low Self-Esteem, Grudge and Resentment running right now.
Tech Support: No problem, Love will gradually erase Past Hurt from your current operating system. It may remain in your permanent memory but it will no longer disrupt other programs. Love will eventually override Low Self-Esteem with a module of its own called High Self-Esteem. However, you’ll have to completely turn off Grudge and Resentment. Those programs prevent Love from being properly installed. Can you turn those off?
Customer: I don't know how to turn them off. Can you tell me how?
Tech Support: With pleasure. Go to your start menu and invoke Forgiveness. Do this as many times as necessary until Grudge and Resentment have been completely erased.
Customer: Okay, done! Love has started installing itself. Is that normal?
Tech Support: Yes, but remember you have only the base program. You need to begin connecting to other Hearts in order to get the upgrades.
Customer: Oops! I have an error message already. It says, "Error - Program not run on external components." What should I do?
Tech Support: Don't worry. It means the Love program is set up to run on Internal Hearts, but has not yet been run on your Heart. In non-technical terms, it simply means you have to Love yourself before you can Love others.
Customer: So, what should I do?
Tech Support: Pull down Self-Acceptance; then click on the following files: Forgive-Self; Realize Your Worth; and Acknowledge Your Limitations.
Customer: Okay, done.
Tech Support: Now, copy them to the "My Heart" directory. The system will overwrite any conflicting files and begin patching faulty programming. Also, you need to delete Self-Criticism from all directories and empty your Recycle Bin to ensure it’s completely gone and never comes back.
Customer: Got it. Hey! My heart is filling up with new files. Smile is playing on my monitor and Peace and Contentment are copying themselves all over My Heart. Is this normal?
Tech Support: Sometimes. For others it takes awhile, but eventually everything gets it at the proper time. So Love is installed and running. One more thing before we hang up. Love is Freeware. Be sure to give it and its various modules to everyone you meet. They will in turn share it with others and return some cool modules back to you.
Customer: Thank you.
God/Tech Support: You're Most Welcome.
- Anonymous
Funny thing happened. The phone rang almost immediately. It was my friend. She explained she dropped the phone and it went dead. Then she too, went to computer to email me. And got distracted by my email to her.
"Now I understand completely what you meant by 'limiting beliefs,'" she said. "Thank you!"
...I smiled. I knew she NOW knew what I meant. Yes, things DO happen for a reason.
Always Expect Miracles!
As I was busy trying to explain what 'limiting beliefs' were to a friend, my phone went dead. Hmmm... stranger things happened to me, I thought. SHE was the one who asked ME the question, so I know she didn’t hang up. As I tried to rationalize, I made myself a tea and went to the phone. It was still dead. Puzzled, I tried the next mode of communication. The computer!
I first had to check my incoming before I could send her an email. I waited. There were 9 emails. This message was contained within the first email. A message part of 'The Belief Buster Mini Course Program'. Coincidence? Nah! I believe things happen for a reason. So I emailed it to her.
This is what I read. I'll share it with you...
Tech Support: Yes, how can I help you?
Customer: Well, after much consideration, I've decided to install Love. Can you guide me through the process?
Tech Support: Yes. I can help you. Are you ready to proceed?
Customer: Well, I'm not very technical, but I think I'm ready. What do I do first?
Tech Support: The first step is to open your Heart. Have you located your Heart?
Customer: Yes, but there are several other programs running now. Is it okay to install Love while they are running?
Tech Support: What programs are running?
Customer: Let's see, I have Past Hurt, Low Self-Esteem, Grudge and Resentment running right now.
Tech Support: No problem, Love will gradually erase Past Hurt from your current operating system. It may remain in your permanent memory but it will no longer disrupt other programs. Love will eventually override Low Self-Esteem with a module of its own called High Self-Esteem. However, you’ll have to completely turn off Grudge and Resentment. Those programs prevent Love from being properly installed. Can you turn those off?
Customer: I don't know how to turn them off. Can you tell me how?
Tech Support: With pleasure. Go to your start menu and invoke Forgiveness. Do this as many times as necessary until Grudge and Resentment have been completely erased.
Customer: Okay, done! Love has started installing itself. Is that normal?
Tech Support: Yes, but remember you have only the base program. You need to begin connecting to other Hearts in order to get the upgrades.
Customer: Oops! I have an error message already. It says, "Error - Program not run on external components." What should I do?
Tech Support: Don't worry. It means the Love program is set up to run on Internal Hearts, but has not yet been run on your Heart. In non-technical terms, it simply means you have to Love yourself before you can Love others.
Customer: So, what should I do?
Tech Support: Pull down Self-Acceptance; then click on the following files: Forgive-Self; Realize Your Worth; and Acknowledge Your Limitations.
Customer: Okay, done.
Tech Support: Now, copy them to the "My Heart" directory. The system will overwrite any conflicting files and begin patching faulty programming. Also, you need to delete Self-Criticism from all directories and empty your Recycle Bin to ensure it’s completely gone and never comes back.
Customer: Got it. Hey! My heart is filling up with new files. Smile is playing on my monitor and Peace and Contentment are copying themselves all over My Heart. Is this normal?
Tech Support: Sometimes. For others it takes awhile, but eventually everything gets it at the proper time. So Love is installed and running. One more thing before we hang up. Love is Freeware. Be sure to give it and its various modules to everyone you meet. They will in turn share it with others and return some cool modules back to you.
Customer: Thank you.
God/Tech Support: You're Most Welcome.
- Anonymous
Funny thing happened. The phone rang almost immediately. It was my friend. She explained she dropped the phone and it went dead. Then she too, went to computer to email me. And got distracted by my email to her.
"Now I understand completely what you meant by 'limiting beliefs,'" she said. "Thank you!"
...I smiled. I knew she NOW knew what I meant. Yes, things DO happen for a reason.
Always Expect Miracles!
Saturday, March 19, 2011
Tono ng boses malalaman kung tapat ang minamahal
Sa pamamagitan lang ng tono ng pananalita, malalaman na kung ang inyong asawa, kasintahan o mahal sa buhay ay tapat ang pagmamahal sa iyo, batay sa resulta ng isang pag-aaral ng mga scientist sa Canada..
Sa tono ng pananalita, malalaman na raw kung niloloko ko mo ang isang tao o tapat ang iyong pag-ibig, dahil sadyang mapang-akit na tono ng boses at malaking tsansa na maari mong lokohin, ayon kay Jillian O’ Connor, pangunahin researcher sa pag-aaral at nagtapos ng Nueroscience & Behavior sa McMaster University.
Ang isang tao na balak manloko babae man ito o lalaki, ay babaguhin ang kanyang tono ng pananalita upang makaakit ng mabibiktima.
Nalalaman ito sa boses, tono, arte at sa pananalita ng isang tao, kung ano tamis ng pananalita kasing tulis ring itong makapangloko ng isang tao, base sa pagaaral.
Lumabas sa survey na isanagawa, ang mga taong may magandang pananalita o mapang-akit na boses ay mga sinungaling at manloloko.
Gayunman, hindi pa naman ganap ang pag-aaral at nasa tao pa rin ang pagpili ng kanyang mamahalin dahil nasa pakiramdaman ito. #30#
Monday, March 14, 2011
‘Laser surgery’ gagawin
Balak gawin ng mga researcher sa Fraunhofer Institute for Production Technology (IPT) ang isang laser na pang-oopera at may kakayahang daigin ang mga unang kagamitan sa medisina na ginagamit ng mga doctor sa operasyon
Ang laser na ito ang magtatangal sa kadalasan inooperahan na mga sakit sa katawan na karaniwan ginagamit ay gunting o matalim na rasor o mga makina nang panghiwa o pangbutas, ayon kay Adrian Schitte, pangunahing mananaliksik sa Laser Sugery project ng IPT.
Hinango ang laser na tulad sa welding. Ang laser surgery ay gawa ng isang bagay na tinatawag na Trocar. Kasingliit lamang ng isang karayom, kaya’t kayang kontrolin ang lalabas na laser kung gagamitin.
Pinong-pino ang pagkagawa ng laser, gamit lamang ay “laser beam” na kayang hiwain at butasan ang anumang parte ng katawan ng tao. Hindi lang ibasta hiwa o butas, nababagay rin ang laser beam sa katawan ng tao, ani ni Schitte.
Mura pa ang materyales nito at abot kaya ang mga parte. Ang tanging magagastos lang ng laser beam kung gagamitin.
Kaya ng laser beam ang iksaktong hiwa o butas di-tulad ng mga pangkaraniwan ginagamit ng mga doktor na kailangan pa ang masusing pag-iingat. Sa laser surgery, perpekto ang paggamit at maliit lamang ang tsansang magkamali dahil isang laser beam lang ang kinokontrol.
Sa ngayon, masusi pang pinag-aaralan ang laser surgery sa laboratoryo, kung magagamit na sa mga operating room at sa larangan ng medisina, makakatulong ito sa mga pasyenteng kapos sa salapi, dagdag pa ni Schitte. #30#
Thursday, March 10, 2011
Ang Binhi
Sa isang malayong kaharian may isang mayamang hari ang nagpasyang pumili nang papalit sa kanyang trono. Hindi pinili ng hari ang kanyang mga anak na kadugo. Balak kasi ng hari ay maghirang ng isang taong may taglay na kakaibang katangian upang pamunuan ang kanyang kaharian.
Nagdaos ang hari ng isang paligsahan at inanyayahang lahat ng mga mayayaman, mga sikat at mga may gustong mamuno sa kanyang kaharian. Dumalo naman ang mga nais na hawakan ang trono at palasyo ng hari.
Matapos mapuno ang palasyo ng mga dumalo, nagsalita ang hari at inutusan sa kanyang mga kawal. “Bigyan ng tig-iisang BINHI ang mga kasali sa paligsahan.” Lahat ng mga gustong sumali ay nakatanggap ng tig-iisang BINHI. “Itanim nyo ang BINHI at bumalik kayo sa akin makalipas ang isang taon. Huhusgahan ko ang mga halaman na napalaki niyo at saka ako pipili ng karapat-dapat na mamuno sa aking kaharian.
Kabilang dito ay si Juan na isang hamak na karpintero. Matapos matanggap ang BINHI ay nagmamadaling umuwi at nagpatulong sa kanyang asawa na itanim ang BINHI upang ito’y madaling lumaki.
Walang ginawa si Juan kundi diligan at alagaan ang itinanim na BINHI araw-araw. Ngunit makalipas ng anim na buwan laking pagtataka kung bakit walang tumutubong kahit isang hibla ng halaman.
Lalo pang nalungkot si Juan nang makita ang mga tumubong halaman na itinanim na BINHI ng mga kasama sa paligsahan dahil hitik sa bulaklak sa kanilang mga pananim. Lahat ng mga kasali ay nakapagpatubo ng magagandang at naglalakihan mga puno at halaman, maliban lang kay Juan.
Dumating ang araw na kailangan ng ipakita ng mga kalahok ang mga tumubong BINHI upang itoy mahusgahan ng hari. Ang balak ni Juan ay wag na lang magpakita sa hari dahil nahihiya sa kanyang BINHI na hindi tumubo.
Pinayuhan naman si Juan ng kanyang asawa na magpunta at maging tapat sa Hari. Ipakita ang BINHI kahit ito’y patay ang basta tanggapin ang kanyang pagkatalo, maging matapang at maging tapat siya sa hari.
Kahit labag sa kalooban ni Juan ay nagpunta siya sa palasyo. Dala-dala ang walang buhay na BINHI. Inisip na lang niya ang sinabi ng kanyang asawa na maging tapat sa hari.
Sa palasyo tinignan ng Hari ang lahat ng mga halaman na puno ng bulaklak na dinala ng mga kalahok. Masusi nitong tinitignan ang mga resulta ng mga tumubong BINHI.
Nang makita ng hari ang BINHI ni Juan, agad-agad na ipinatawag si Juan upang pumunta sa kanyang harapan. Hindi alam ang gagawin ni Juan dahil siya lang ang may patay na BINHI at ang akala paparusahan siya. Nagpunta si Juan sa harap ng hari na nakayuko.
“Ipinapakilala ko sa inyo ang susunod na hari sa inyong kaharian,” sigaw ng hari. Laking gulat ni Juan at mas lalong nagtaka ang mga kalahok ng paligsahan.
May sumigaw “Bakit si Juan ang nanalo e hindi naman niya napatubo ang kanyang BINHI.”
“Oo nga bakit si Juan ang inyong pinili mahal na hari,” sabi rin ng iba.
Tumayo ang Hari at pinahinto ang ingay. “Nang bigyan ko kayo ng BINHI, sinabi ko sa inyo na diligan ninyo ito, alagaan at ibigay makalipas ang isang taon. Ngunit alam nyo ba ang binigay ko ay mga patay na BINHI. Ang mga pinakita nyo sa akin na halaman, bulaklak at puno ay mga huwad. Pinalitan nyo ang mga ibinigay kong mga BINHI, ngunit si Juan lamang ang naging tapat at naglakas na loob na diligan at alagaan ang tunay kong ibinagay na BINHI. Kung kaya si Juan ang susunod hahalili sa aking puwesto.” #30#
Aral: Kung ang iyong itinanim ay ang pagiging tapat, ang aanihin tiwala. Kung ang iyong itinanim ay kabutihan, ang iyong aanihin kagandahan asal. Kung ano ang iyong itinanim yun rin ang aanihin. #30#
Friday, February 25, 2011
Robot therapist mabisa sa ‘stroke patients’
Mabisa daw ang “Robot therapist” na pagbutihin ang katawan ng mga stroke patients,
ayon sa pag-aaral ng mga researcher na inilabas sa American Stroke Association’s International Stroke Conference 2011 kamakailan.
Ang mga pasyente ng Robotic Therapy ay tumaas ang pagbuti sa mga paralisadong mga kamay o braso, ang iba ay tuluyan pang gumaling, ayon kay Dr. Kayoko Takahashi, isa sa mga researcher at therapist ng Kitasato University East ng bansang Hapon.
Napapagaling ng Robotic Therapy ang mga stroke patient dahil detalyado at masusing sinusuri ng robot ang katawan ng isang pasyente kayat naihahatid ang tamang ensayo at ehersisyo kayat mas naisasaayos ang daloy ng dugo sa katawan at utak.
Sa isang pag-aaral ng isinagawa sa 60 stroke patients na sumailalim sa therapy na ang edad ay karamihang nasa 65 anyos, 100% ang nagkaroon ng magandang pagbabago sa kanilang mga braso at kamay.
Ayon sa mga researcher, sumailalim ang mga pasyente sa apat hanggang walong linggong Robotic therapy na tumatagal ng 40 minuto bawat sesyon.
Ngunit hindi ito epektibo kung walang suportang mga gamot, rehabilitasyon, pagpupursige ng pasyente at payo ng mga doktor.
Kailangan parin dumaan ang isang pasyente sa kamay ng mga doktor upang maging ganap na gumaling, dagdag ni Dr. Takahashi.
Naimbento ang Robotic Therapy sa pagtutulungan ng mga doktor, siyentipiko at mga “programmer” ng MIT noong Abril 2010. Sa Baltimore unang sinubukan sa 50 pasyente nakaranas ng stroke. #30#
ayon sa pag-aaral ng mga researcher na inilabas sa American Stroke Association’s International Stroke Conference 2011 kamakailan.
Ang mga pasyente ng Robotic Therapy ay tumaas ang pagbuti sa mga paralisadong mga kamay o braso, ang iba ay tuluyan pang gumaling, ayon kay Dr. Kayoko Takahashi, isa sa mga researcher at therapist ng Kitasato University East ng bansang Hapon.
Napapagaling ng Robotic Therapy ang mga stroke patient dahil detalyado at masusing sinusuri ng robot ang katawan ng isang pasyente kayat naihahatid ang tamang ensayo at ehersisyo kayat mas naisasaayos ang daloy ng dugo sa katawan at utak.
Sa isang pag-aaral ng isinagawa sa 60 stroke patients na sumailalim sa therapy na ang edad ay karamihang nasa 65 anyos, 100% ang nagkaroon ng magandang pagbabago sa kanilang mga braso at kamay.
Ayon sa mga researcher, sumailalim ang mga pasyente sa apat hanggang walong linggong Robotic therapy na tumatagal ng 40 minuto bawat sesyon.
Ngunit hindi ito epektibo kung walang suportang mga gamot, rehabilitasyon, pagpupursige ng pasyente at payo ng mga doktor.
Kailangan parin dumaan ang isang pasyente sa kamay ng mga doktor upang maging ganap na gumaling, dagdag ni Dr. Takahashi.
Naimbento ang Robotic Therapy sa pagtutulungan ng mga doktor, siyentipiko at mga “programmer” ng MIT noong Abril 2010. Sa Baltimore unang sinubukan sa 50 pasyente nakaranas ng stroke. #30#
Ang mag-asawang sapatero
Sa isang malayong lugar merong matandang mag-asawa na ang tanging ikinabubuhay ay paggawa ng mga sapatos. Masaya ang mag-asawa, ngunit sa hindi inaasahan, naubusan sila ng mga parokyano na bibili sa kanilang nagawang sapatos. Halos wala silang pambili ng mga materyales upang makagawa ng dalawang pares ng sapatos.
Minsan, sa sobrang-kapos ng materyales, naisipan ng lalaki na gumawa ng pambatang pares na sapatos. Halos magdamag pinag-isipan ng lalaki kung paano gumawa ng magandang sapatos upang kumita ng malaki at makabili ng pagkain.
Umabot na sa halos hating-gabi sa kakaisip ang lalaki, hininto at iniwan na lang ang kanyang ginagawang sapatos sa mesa upang magpahinga at dahil pagod na rin. Sinabi na lang ng lalaki sa sarili na ipagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa kinabukasan.
Kinabukasan, nagulat ang lalaki sa kanyang nakita, isang napakagandang pambatang sapatos ang sumambulat sa kanya. Sinuri niya mabuti ang magarang sapatos at halos perpekto ang pagkagawa. Agad na sinabi sa kanyang asawa, subalit, halos hindi rin naniwala at ibinenta sa isang kakilalang mayaman sa kanilang lugar. Malaking hakaga ang ibinayad ng mayaman sa pagbili ng sapatos.
Sa sumunod na araw, bumili ang lalaki ng mga materyales upang gumawa uli ng ibebentang sapatos at kasama na ang asawa. Umabot sila hanggang hating-gabi sa paggawa ng sapatos ngunit walang natapos. Iniwan nila ang mga ginagawa upang ipagpatuloy na lang sa kinabukasan.
Ngunit, nang gumising ang dalawa, nakita nila ang mga pares ng napakagandang sapatos. Kanila itong ibenebenta at natutuwa sila tuwing nauubos ang mga inilalakong sapatos.
Mula noon iniiwan na lang ng mag-asawa ang mga materyales at hindi sila nabigo na makakakita mga yaring sapatos na kanila naman ibebenta. Dahil dito, yumaman at naging tanyag ang mag-asawa sa larangan ng paggawa ng sapatos. Walang sapatos ang hindi naibebenta at sumikat sila kahit mga taga-ibayong lugar ay pumupunta sa kanilang tindahan upang bumili ng sapatos.
Isang araw naisipan ng mag-asawa na alamin kung sino ang tumutulong sa kanila sa paggawa ng sapatos. Nag-iwan sila ng mga materyales, binantayan at nagtago upang di makita. Halos di makapaniwala sa kanilang nakita.
Dalawa pa lang mag-asawang duwende ang gumagawa tuwing hating-gabi ng sapatos. Masipag ang mag-asawang duwende, pino ang mga napakaputing sintas, malinis ang pagkagawa. Ngunit, naawa ang mag-asawa sapatero dahil ang damit ng mag-asawang duwende ay tila basahan at nangangayat na ang dalawa sa kagagawa.
Kinabukasan naisipan ng lalaki na pasalamatan ang mag-asawang duwende. Gumawa sila ng napakagarang mga damit na babagay sa dalawa, bumili sila ng isang napakalaking tinapay at isang bote ng gatas. Iniwan nila ito pagsapit ng hating-gabi.
Tuwang tuwa ang mag-asawang duwende sa mga regalo. Halos magtatalon sa tuwa ang lalaking duwende at habang umiiyak naman ang babae.
Simula noon hindi na nakita ng mag-asawang mga duwende, ngunit, pinalad naman sila kanilang buhay at lalong matagumpay sa kanilang hanapbuhay.
Aral: Pasalamatan ang mga taong tumutulong kahit hindi sa materyal na bagay kundi sa simpleng pasasalamat na galing sa puso upang maipakita lang ang pagkagalak dahil sa tulong na ibinigay. #30#
Thursday, February 17, 2011
Surgeons gagamit na ng mga ‘robotic nurse’
Ni Eric Estrada
Pinag-aaralan na ng mabuti ang mga siruhano (surgeons) ang paggamit ng isang sistemang “hand gestures command” at makontrol ang “robotic scrub nurse” sa pamamagitan ng computer habang ang isang pasyente ay ino-operahan
Ang “hand-gesture recognition” at “robotic nurse innovation” ay maaaring makatutulong upang mabawasan ang haba nang operasyon at ang posibleng pagkakaroon ng impeksiyon, ani Juan Pablo Wachs, profesor sa industrial eng’g sa Purdue University .
Ang teknolohiya ng “vision-based hand gesture recognition” ay posibleng magkakaroon ng ibang aplikasyon, kasama na ang koordinasyon sa mga “emergency response activities” habang may sakunang nangyayari.
Kailangang repasuhin ng paulit-ulit ang “medical images” at mga rekord habang isinasagawa ang operasyon sa pasyente, na malayo sa “operating table at ang paggamit ng keyboard at mouse na maaring maantala ang operasyon at tataas ang panganib na magkaroon ng impeksiyon.
Ang panibagong estilo ay isang sistema na gagamit ng kamera at ng “specialized algorithms” upang makilala ang “hand gestures” habang minamandohan ang isang computer o robot.
Ang pag-aaral ng “hand gesture recognition” ay nag-umpisa ilang taon ng nakakaraan na pinangunahan ng Washington Hospital Center at ang Ben-Gurion University, kung saan, si Wachs ay isang researcher at estudyante sa doctoral.
Nakagawa ng mga researchers sa Purdue ng isang prototype “robotic scrub nurse” habang ang ibang institusyon ay kasalukuyan gumagawa ng “robotic scrub nurses” na maaaring mandohan sa pamamagitan ng boses.
Ang scrub nurse ay tumutulong ang siruhan na i-abot ang mga “proper surgical instrument” sa isang doktor kung kinakailangan. #30#
Saturday, February 12, 2011
Puno ng Mansanas
Meron isang malaking puno ng mansanas. Madalas bisitahin ng isang batang lalaki upang maglaro sa paligid nito, kumain ng kanyang bunga at matulog sa ibabaw ng kayang mga sanga. Mahal na mahal ng bata ang punong ito.
Dumaan ang panahon, naging binata ang bata, hindi na dumadalaw sa puno ng mansanas. Kaya’t minsan, napadaan ang lalaki, tinawag siya ng Puno. “Halika at maglaro tayo,” anyaya ng puno. Ngunit tinangihan ng lalaki at sinabing “Hindi na ako bata, ang nilalaro ko na ngayon ay computer games kaso wala akong salaping pambili.”
Sabi ng puno. “Wala akong pera ngunit maari mong pitasin ang aking mga bunga at ibenta sa palengke upang magkaroon ka ng salapi.” Kinuha ng lalaki ang lahat ng bunga ng puno at ibinenta sa palengke upang ipambili ng computer.
Lumipas ulit ang panahon, nagkaroon na ng pamilya ang lalaki. Ang puno ng mansanas nalungkot dahil hindi na pumupunta ang lalaki. Minsan napadaan ang lalaki, tinawag uli ng puno. “Halika at maglaro tayo.” “Matanda na ako at wala na akong panahon maglaro dahil may pamilya na ako. Kailangan kung magtrabaho upang mabuhay ang pamilya ko.” Nasira kasi ang aking bahay dahil sa bagyo baka pwede mo naman akong tulungan,” sagot ng lalaki. “Wala akong bahay ngunit maari mong putulin ang aking mga sanga upang gawin pansamantalang tirahan,” ani ng puno. Naging masaya muli ang puno ng mansanas dahil dinalaw siya ng lalaki. Pinutol naman ng lalaki ang lahat ng sanga ng puno upang gawin tirahan.
Tumagal ang panahon, hindi nagpakita ang lalaki at lalong nalungkot ang puno. Minsan sa isang panahon ng tag-araw, bumisita ang lalaki. Sabi ng puno. “Halika at maglaro tayo.” Ngunit ang isinagot ng lalaki. “Tumatanda na ako at gusto kong lakbayin ang buong mundo, upang maging masaya at kailangan ko ang bangka. Sabi naman ng puno ng mansanas. “Halika at kumuha ka sa aking katawan ng magagamit mo paggawa ng bangka upang makapaglakbay ka sa malalayong lugar at maging masaya.” Kinuha ang halos lahat ng katawan ng puno at gumawa ng bangka, nagpakalayo, nagpunta sa ibang bansa, iniwan nag-iisa ang puno.
Nagdaan muli ang maraming taon, hindi na nagpakita ang lalaki. Lalong nalungkot ang matandang puno. Tila nawalan na ng pag-asa magpapakita pa ang lalaki. Nang bumisita ang lalaki. “Wala na akong maibibigay sa iyo kaibigan dahil kinuha mo na ang lahat ang pag-aari ko.” Ngumiti ang lalaki, “wala na akong ngipin upang kainin pa ang mansanas, hindi na malakas ang aking binti upang akyating ang iyong mga sanga, wala na akong lakas upang kunin pa ang anuman bagay sa iyo, ang nais ko lang ay humanap ng lugar na mapaghihingaan. Isang lugar na mapayapa tulad ng kinatatayuan mo.” Halos umiyak sa galak ang puno ng mansanas dahil muli na niyang nakapiling ang lalaki.
Ang kwento ay para sa lahat. Ang puno ng mansanas ay sumisimbolo sa ating mga magulang. Noon tayo sanggol pa lang hangang sa ating paglaki palaging nandyaan ang magulang upang gumabay at tumulong. Hindi maitatangi na kailangan natin lumayo sa kanila ngunit ang aral ay wag natin kalimutan ang mga taong tumulong sa ating upang maging ganap na tao sa mundong ito. Mahalin natin ang ating mga magulang kahit anuman at nasaan sila. #30#
Thursday, February 3, 2011
Canada at Unang Digmaan Pangdaigdig
Ang Canada ay hindi pa ganap na isang malayang bansa ng sumali sa Unang Digmaan Pandaigdig, noong Agosto 4, 1914. At saka lamang umusad sa pagiging malayang bansa ng pagkatapos ng Unang Digmaan Pandaigdigan noong Nob. 11, 1918.
Matapos ideklara ng Britanya ang labanan ang Germany at Austro-Hungary noong Agosto 4,1914, nang nasa ilalim pa ang Canada sa pamumuno ng Emperyong Ingles. Ang Canada ay di nagdalawang isip na kumampi sa Britanya. Kahit, 7.8 milyon katao lamang ang populasyon at umabot lamang sa 60,000 sundalo sa kanyang hukbong sandatahan at walang ganap na pagsasanay at kulang pa sa sandata.
Malakas ang aniban ng Germany at Austria-Hungary dahil sa tamang pagsasanay ng kanyang mga sundalo at makapangyarihan armas, laban sa Britanya, Pransiya, Rusiya at Italya na hidi sapat ang paghahanda sa isang digmaan. Si Punong Ministro Sir Robert Laird Borden ng Konserbatibo, ang nagmunkahing magpadala ng 500,000 hukbong nabal upang tumulong sa pakikipaglaban ng Britanya. Pinakamalaking pagsubok ito ng Canada dahil sa kakaunting populasyon. Ngunit noong kasagsagan ng digmaan, maraming mga binatilyo na wala sa wastong gulang na lalaki na ipinanganak sa Britanya o may lahing Ingles ang boluntaryong pumunta sa Britanya upang ipagtangol ang kanilang bayan. Napilitan din ang ibang Canadians na makipagsapalaran dahil sa mahinang ekonomiya at kaunting trabaho sa bansa.
Ang unang pulutong ng mga sundalong Canadians ay nakarating sa Britain noong Oktubre 1914. Nasubukan ang tapang ng mga ito sa kanilang kauna-unahang pakikipaglaban sa bayan ng Ypres sa Belgium , bagamat kapos sa pagsasanay at kulang sa kagamitan laban sa makapangyarihan armas ng mga German; lalo na sa kanilang nakakalason gas. Mahigit 6,000 sundalo ang nalagas sa unang linggo pa lamang nang pakikipaglaban at napilitan umatras upang dumipensa sa mga lumulusob na mga sundalong German.
Nang magpadala ng karagdagan pwersa ang Canada . Lumaki sa apat na dibisyon ang mga sundalo sa Belgium at sa Pransiya. Isang daan libong sundalong Canadians ang nakikipagsagupa sa mga German. Sa Ypres, napanatili ito sa kamay ng Allies kahit sa kakakunti lang ang sundalo ng Canada sa tuwing may magganap na labanan. Nagwagi ang mga sundalong Canadians sa iba pang mga lugar ng Belgium , ang Festubert at St. Eloi noong 1915 at Somme noong 1916. Noong 1917, dumalo si Borden sa Imperial War Conference at nangakong na ipagpapatuloy ng Canada ang pakikipagtulungan sa Britanya. Pag-uwi ni Borden sa Canada noong Abril 1917, nagpasa ng isang batas na “compulsory service” upang madagdagan ang pwersa ng mga Canadian sa Europa. Naipasa ni Borden noong Agosto 29,1917 kahit na tumutol si Liberal Prime Minister Sir Wilfrid Laurier at mga mambabatas sa Quebec. Gumawa si Borden ng isang Union Government na meron kasamang Liberal at nanalo sa ginanap na halalan noong Dis. 17, 1917.
Maliit ang naibigay na tulong ng Canada sa larangan ng digmaan sa dagat ngunit sa digmaan panhimpapawid ay malaki sa kampanya ng Allies. Maraming mga pilotong Canadian nangibabaw sa ere halos walang panama ang mga German sa mga mandirigmang pilotong Canadians. Ang ilan na naging tanyag sa “air to air combat” ay sina W.A. “Billy” Bishop, Raymond Collishaw at William Barker, mga “aces” sa larangan ng digmaan panghimpapawid. Mahigit sa isang daan eroplano ng kaaway ang napabagsak ng mga ito.
Sa lupa naman naging matatag ang Canadian Corps., ang pinakamalaking panalo nang mapataob ang mga German sa Virmy Ridge sa Pransiya noong 1917. Gamit ang epektibong plano at mga armas na hiniram sa ng Britanya napasuko nila ang mga kaaway sa loob lamang ng apat na araw. Ang mga sundalong Canadian ay gumaling at noong Hunyo 1917, sa pangunguna ni Lt. Gen. Sir Arthur Currie, napanalo nila ang matitinding labanan sa Passchendaele noong Okt 1916 at ang Battle of Amiens noong Agosto 8, 1918.
Ang Amiens, kung saan, naging napakahalagang lugar noong First World War, naganap ang isang matinding labanan sa pagitan ng mga Allies at German. Nagtulong-tulong ang mga hukbo ng Australyano, Britanya at Canadian upang maipanalo ang laban. Nang masakop ng mga allies ang Amiens , bumagsak ang pwersa ng Germany . Isang heneral na German ang nagsabi na ang pagkatalo nila sa Amiens ay “the black day of German army.” Maraming sundalong Canadian ang nasawi, gayunman, nanalo sila sa isang importanteng laban. Matapos masakop ng allies ang Amiens , nawalan ng lakas ang Germany at nagkaroon ng tigil laban noong Nob. 11, 1918 na nagpatuloy sa Treaty of Versailles na nagpatapos sa First World War noong Hunyo 28,1919.
Ang gamtipala ng Canada sa pagsuporta sa mga Allies ay nagsimulang umusad at nakamit nito sa pagiging malaya. Anim na raan at labing siyam na libong Canadians ang nakipaglaban sa First World War halos 10% sa populasyon ng bansa. Napasama si Borden sa Versailles Treaty na kumatawan sa Canada . Napabilang ang Canada sa League of Nations na kabilang ang bansang Estados Unidos at Britanya. Noong 1920 sa Imperial Conferences, hinirang ang Canada bilang malayang bansa kabilang ang New Zealand, Australia, South Africa, na parehas din nagbigay tulong sa Britanya noong First World War. Ngunit, nakamit man ang kalayaan, hindi naman malimutan ang 60,000 sundalong namatay at 172,000 sugatan na sumabak sa Unang Digmaan ng Pandaigdig. #30#
Wednesday, February 2, 2011
Kasal mainam sa katawan at sa isip ng tao
WALES, England – Batay sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga psychologist sa Cardiff University , mainam daw ang pagpapakasal sa pisikal at mental na kalusugan.
Napapabuti ang kalusugan pisikal at mental kung ang isang tao ay inspirado sa pag-ibig, lalo na ang masayang nagsasama, kaya, ang kasal ng magkatipan ay magkakaroon ng malusog na pangangatawan at pag-iisip, ayon kina David at John Gallacher, ng Cardiff University .
Lumabas sa British Medical Journal (BMJ), nagiging maganda ang pakiramdam ang isang tao kung umiibig, at lalong napapalakas kung kasal, lahat ng pag-iisip ay positibo tila nagiging bata muli na puno ng sigla.
Ngunit hindi nila magarantiyang 100 porsiyento mabisa ito sa pisikal at mental na kalusugan, ang mga mag-asawang kasal na masayang relasyon ang may malusog na katawan at pag-iisip, kasi ang mga kasal na nabahiran ng masamang pagsasama, nagiging malungkot at nawawalan ng pag-asa sa tao, lalo na kung sawi sa pag-ibig.
Paliwanag ng mga espesyalista kung ang dalawang nagpakasal ay nagpasyang maghiwalay, nagbibigay ito ng masamang epekto, napapaaga ang kamatayan ng isang tao kung bigo sa pagibig.
Payo nina David at John Gallacher, kung ang tao ay kasal sa mata ng Diyos lalong pinapatibay nito ang pagibig ng dalawang tao kung kaya ang mga magkasintahang kasal na nagsasama ng matiwasay ay isa sa pinakamalulusog na tao. #30#
Monday, January 17, 2011
Bagong zodiac sign
Sa kalendaryo ng Tsino, meron panibagong maidagdag sa kasalukyang 12 zodia signs. Kaya sa kanilang bagong taon sa darating na Peb. 3, 2011. magiging 13 na ang kanilang zodiac signs.
Kamkailan, inilabas ng Minnesota Planetarium Society (MPS) ang karagdagang zodiac sign na tinawag na Ophiuchus ang pinakabagong zodiac sign.
Ang naging paliwanag ng mga astrologer ng MPS, nagbago kasi ang ikot ng ating mundo kayat ang naturang 12 konstelasyon ay madadagdagan ng isa.
Ang Ophiuchus o kilala sa tawag na Serpentarius, Serpent Holder, ang taga-hawak ng ahas, ay madadaanan ngayon ng atin galaxy, nasa gitna ito ng konstelasyon ng Scorpio at Sagittarius.
Ang itsura ng Ophiuchus ay isang lalaking may nakapalupot na ahas sa katawan at ang ahas na ito ay hango sa larangan ng medisina na ang kahulugan ay simbolo ng kalusugan
Kung madadagan ng isang zodiac sign, uurong ang petsa ng ibang Zodiac sign, ang Ophiuchus ay mula sa 30th ng Nobyembre hanggang sa 17 ng Desiyembre. Ang dating 28 araw na tagal ng mga zodiac sign ay uurong sa 19 araw at ang Scorpio ay tatagal lamang ng 6 na araw.
Ayon sa mga astrologer ng MPS, hindi agad itong matatangap ng kararamihan at ang nais lamang iparating ay nagbago ang paggalaw ng mundo at nang buong sandaigdagan.
Ang karacter daw ng isang Ophiuchus ay isa daw itong taong masuwerte ngunit seloso, lagi daw ito sumasadya sa kanyang panaginip at ang lagi nitong hanap ang kapayapaan at katalinuhan.
Ang kasalukuyang 12 zodiac signs ay – Aries - Marso 21-Abril 19; Taurus - Abril 20-Mayo 20; Gemini - Mayo 21-Hunyo 20; Cancer – Hunyo 21-Hulyo 22; Leo - Hulyo 23-Agosto 22; Virgo - Agosto 23-Septiembre 22; Libra - Septiembre 23 - Oktubre 22; Scorpio - Oktubre 23-Nobiembre 21; Sagittarius - Nobiembre 22-Disiembre 21; Capricorn - Disiembre 22-Enero 19; Aquarius - Enero 23-Pebrero 18; at, Pisces - Pebrero 19-Marso 20. #30#
Kwento sa 3 puno
Isang araw may tatlong puno sa gubat ang naisipan magkwentuhan kung ano ang kanilang mga pangarap. Sabi ng unang puno: “Gusto kong maging isang kahon na lalagyanan ng kayamanan. Isang magarang baul ng kayamanan na binabalutan ng magandang disenyo, laging puno ng ginto, pera at mamahaling mga alahas.”
Ani naman ng pangalawang puno: “Ako naman ay isang napakalaking at matibay na barko, mga magigiting na kapitan, tao, hari at reyna ang sasakay sa akin. Lilibutin ko ang buong mundo at walang bagyo o hangin ang magpapalubog sa akin.” Sabi naman ng pangatlong puno, “Ako naman ay isang pinakamataas at malakas na puno upang lahat ng tao ay mapapatingin at hahanga sa kisig at taas ng aking mga sanga, kahit ang kalangitan ay maabot ko sa taglay kong kataasan.”
Nagdaan ng maraming taon, nagpatuloy ang tatlo sa pagdarasal upang magkatotoo ang kanilang mga pangarap. Nang dumating ang isang magtrotroso at naggawi sa lugar ng unang puno. Mungkahi sa mga kasama: “Maganda ang punong ito at pwedeng maging isang taguan ng gamit, ito na ang putulin natin at ibenta sa mga karpintero.” Galak na galak ang unang puno dahil sa matutupad na rin ang kanyang pangarap.
Ngunit, matapos maputol ang unang puno at sa halip na gawin isang magarang kahon, napunta sa isang karpinterong gumagawa ng kainan ng mga hayop. Halos hindi makapaniwala ang unang puno ng mapunta sa kulungan ng mga hayop at maging kainan ng mga kabayo.
Makalipas ang ilang mga taon. May napadaan mga mangangaso at naghahanap ng kahoy na ibebenta. Nakita nila ang pangalawang puno. “Ito ang putulin natin mukhang matibay ang punong ito at bagay maging panglakbay pangtubig.” Tuwang-tuwa ang pangalawang puno dahil sa wakas masasagot ang matagal niyang pinapanalangin.
Naibenta naman ng mga mangangaso ang pangalawang puno sa mga mahihirap na mangingisda, sa halip na gawing malaking barko ay naging bangkang kahoy na gamit sa pangingisda. Natulala ang pangalawang puno dahil sa di nagkatotoo ang kanyang pinapangarap.
Naiwan naman ang pangatlong puno, tumankad at naging makisig na puno, makalipas ang ilang mga dekada may mga sundalong napadaan at namimili ng puno. Ang sabi ng kanilang kapitan: “Ang punong yan na napakataas ang piliin natin upang Makita ng mabuti ng mga tao ang isang kriminal na itatali upang di tularan.” Walang nagawa ang pangatlong puno kundi umiyak ng umiyak habang pinuputol ang kanyang katawan.
Nanghina at nalungkot ang tatlong puno dahil hindi nila nakamit ang kanilang minimithi. Minsan may dalawang mag-asawa ang napadpad sa taguan ng mga hayop, kung saan, ang unang puno namamalagi. Ang babae ay manganganak at walang mapaglagyan ng isisilang na sanggol. Nakita ng lalaki ang kahoy na lalagyanan ng pagkain, kinuha ito at duon inilagay ang naisilang na sanggol. Sa unang pagkakataon sumaya ang pakiramdam ng unang puno dahil kalong-kalong niya ang pinakadakilang kayamanan sa lahat dahil sa pagsilang ng Anak ng Diyos.
Lumipas ng maraming taon, meron isang lalaki ang nangaral sa may tabing dagat. Naisipan nito at ng kanilang mga kasama na maglakbay at manghuli ng isda, nang maglayag meron isang malakas na bagyo ang dumaan sa kanilang puwesto, mahimbing ang tulog ng lalaki habang ang kanyang mga kasama ay halos umiiyak sa takot, di naman hinayaan ng pangalawang puno na magpalubog, pinatibay ang kanyang katawan upang makayanan ang malakas na bugso ng hangin at mga dambuhalang alon. Tumingin na lang ito sa langit at nagdasal. Nagising ang natutulog ng lalaki at sumigaw ng “Kapayapaan.” Tumigil ang hangin at alon. Nawala ang bagyo. Halos umiyak sa kasiyahan ang pangalawang puno dahil sumakay sa kanya ang pinakamagiting na lalaki sa buong mundo ang Hari ng sanlibutan.
Halos magmakaawa naman ang pangatlong puno sa mga sundalo dahil pinutol niya. Nadurog at nawalan saysay ang kanyang buhay. Ipinasa ng sundalo ang puno sa isang lalaki. Pinabuhat sa kanya ang malaki at mabigat na puno. Kinukutya, sinasaktan at halos matikman na ng pangatlong puno ang pawis at dugo ng lalaki. Nang mahinto sa isang patay na burol. Ipinako ang lalaki sa punong ito. Walang katumbas ang kasiyahan ng pangatlong puno dahil nalaman niya na naabot na niya ang kalangitan sa lupa dahil ang namatay sa kanyang katawan ay ang anak ng Diyos Ama. Ang hari ng langit at lupa.
Ang gintong aral sa kuwento ay minsan sa ating buhay meron tayong mga bagay na hindi makamit. Ngunit alam niyo ba may plano ang Diyos para sa atin. Kailangan lamang ay magtiwala sa kanya at. ibibigay niya ang nararapat sa iyo.#30#
Monday, January 3, 2011
Walang nagyaya kay Juan na magpakabuti
Isa siyang panday na may masamang ugali. Alam niya ang lahat ng uri ng masama at kabastusan. Kinasusuklaman niya ang pagiging mabuti at hilig niya ang paggagawa ng masama. Pati ang mga relihiyoso sa kanilang bayan ay hindi ligtas sa kanyang pang-aalipusta. Ang kanyang asawa na isang tapat na kapanalig sa Diyos ay kanyang sinasaktan tuwing nakikitang nagdadarasal. Hindi siya naniniwala sa Diyos, walang siyang pakialam sa simbahan dahil walang gustong kumausap sa kanya tungkol sa mga bagay na makaDiyos.
Sa isang malayong lugar mula sa bayan ng panday, may mag-asawang masayang nagsasama. Si Juanito at Juanita na mula sa pamilyang mangingisda. Matanda na ang dalawa, humigit-kumulang 90 taon gulang ang magasawa. Payapa, kuntento at hitik sa pag-ibig ng Diyos ang kanilang pagsasama.
Isang madaling araw, nagising ang lalaki at dadali nitong sinabihan ang kanyang asawa na “Tayo na aking asawa, Gising na.”
“Bakit, irog ano ang problema,” tanong ng babae. Sagot ng lalaki, “Hindi ko masasabi ngayon basta kailangan kong pumunta sa bayan, halina na at tumayo ng makapaghanda at makakain na ako dahil malayo pa ang aking lalakbayin.” “Pupunta ka sa bayan? Nababaliw ka na ba? Pano ka makakapunta dun e di ka nga makalakad?,” sabi ng babae. “Wag mong sabihin ang di ko kayang gawin. Nanaginip ako kagabi at kailangan kong makapunta sa bayan teka kailangan makagawa ng apoy upang makaalis na. Sasabihin ko na lang sayo mamaya,” sagot ng lalaki.
Sinunod ng babae ang kanyang asawa, hinanda ang agahan at nang makakain ay umalis na ang matandang lalaki papuntang bayan. Isang napakahaba at napakahirap na biyahe para sa isang matandang lalaki, ngunit meron kakaibang lakas ang naibigay kay Juanito sa araw na yon at nakarating ito ng matiwasay papunta sa tindahan ni Juan, ang panday.
“O mangingisdang Juanito, ano ang ginagawa mo dito? sobrang aga mo ata?,” ani ni Juan. Sinagot ng matanda, “Pumarito ako dahil ikaw ang sadya ko, kailangan natin mag-usap, halika punta tayo sa loob ng inyong bahay at may sasabihin ako sa iyo.”
Pumasok sina Juan at Juanito sa loob ng bahay. Lahat ng napanaginipan ni Juanito ay kanyang isiniwalat. “Juan, nanaginip ako, napaginipan ko ang matagal ko ng minimithi, ang makasama ang Panginoon Maykapal. Kagabi sa akin panaginip, dinalaw ako ng maraming anghel at doon binalita na mamatay na ako at makakasama ko na ang Panginoon sa langit. Sinabi ng anghel sa akin na mahal niya ako. Dinala ako ng mga anghel sa isang mataas na bundok, na halos maapakan muna ang ulap at maabot ang mga bituin. Doon nagkantahan mg mga anghel na kay ganda ng mga boses para akong nasa paraiso.”
“At ng pumasok sa isipan ko nasaan si Juan, di ko nakita si Juan. Sinubukan kitang hanapin. Pumunta ako sa lahat ng sulok ng lansangan, nagtanong sa lahat ng naninirahan sa bayan, ngunit walang nakapagturo kung saan kita matatagpuan. Humingi ako ng tulong sa taas, nanalangin at umasang matagpuan ka. Sinabi sa aking ng Panginoon Maykapal na hindi ka makakasama. Umiyak ang Panginoon Maykapal at sinabing walang nag-imbita kay Juan na pumunta sa paraiso. Naawa ako sa Panginoon, umupo at sinamahan siyang umiyak. Hinugasan ko ng luha ang kanyang paa, at nagmungkahi sa kanya yayain ko si Juan, ang panday na dumalo sa paraiso. Bibigyan ko sa siya ng imbitasyon. At ng ako ay magising at nagdalidaling pumunta dito upang sabihin ang napaniginipan ko. Juan gusto mo bang makarating sa paraiso.”
Pinilit ng matanda ang panday na pumayag sa imbitasyon papunta sa paraiso. Walang nasagot si Juan, nagulat siya sa kanyang narinig, di maigalaw ang kanyang katawan at nagmistulang naging utal. Hanggang sa nagpaalam si Juanito at umalis na sa tirahan ng panday.
Sa araw na iyon walang nangyaring tama sa buhay ng panday. Ang kanyang martilyo ay nasisira, ang mga pako ay nababaluktot, wala siyang nagawa kahit isang pirasong sapatos ng kabayo. Kahit ipinakunsulta niya sa mga doktor o salamangkero ang problema walang nakagamot sa kanyang suliranin. Hanggang makita niya ang isang krus na kanyang ginagawa at doon nagdasal. Ang kaununahang dasal at kanyang sinabi niya “O Ama, maawa ka sa akin.” Biglang napaluha si Juan at umuwing umiiyak at nagsisisi sa kanyan mga kasalanan. Pagdating sa kanyang bahay nadatnan niya ang kanyang kabiyak na masaya. Sinabi ng kanyang asawa na bumisita si mangingisdang Juanito na may hatid na magandang balita. Sabi ng kanyang asawa na papuntahin muli ang matanda dahil hindi pa natapos magkwento tungkol sa magandang balita. Nagulat ang kanyang asawa ng magwika rin si Juan ng “Oo, gusto kong makinig kay mangingisdang Juanito sa kanyang magandang balita. Gusto kong magsisi at maniwala sa Diyos na Maykapal.” #30#
Kahalagahan
Isang tanyag na mananalumpati ang sinimulan ang kanyang seminar sa pamamagitan ng pagpakita ng isang $20 sa mga taong dumalo. Sa 200 kataong dumalo sa seminar, nagsalita ang mananalumpati ng “sino ang may gusto ng $20?
Halos lahat ng nanduon ay nagtaasan ng mga kamay.
Nagsalita ulit ito, “sige mapapasainyo ang $20 ngunit kailangan ko munang gawin ito.” Nilukot ang pera tulad ng isang papel at sabay ipinakita sa mga nanunuod.
“Sino pa ang maygusto ng $20,” aniya.
Walang nagbago sa mga taong nagtaas ang kamay.
“Kung ganun, gawin ko kaya ito”.Inihulog ang pera at saka inapak-apakan hanggang madumihan.
Pinulot at saka nagtanong sa manunuod. “Sino pa ang may gusto ng $20?”
Walang nabago sa bilang ng mga nagtaasan ng mga kamay.
“Mga kaibigan meron tayong natutunan sa gabing ito. Kahit anong gawin ko sa pera ay gusto niyo pa rin dahil alam niyong may halaga pa rin ang pera at hindi magbabago kahit madumihan.”
Kadalasan sa ating buhay ay tayo ay bumabagsak sa lupa, nalulukot at nadudumihan sa anumang desisyon na ating ginagawa o dumating sa ating buhay. Ngunit, kahit anumang mangyari hindi nawawala ang ating halaga dahil tayo ay espesyal na ginawa ng Diyos. Lahat ng nilalang dito sa mundo ay may halaga. #30#
Subscribe to:
Posts (Atom)