Friday, February 25, 2011
Ang mag-asawang sapatero
Sa isang malayong lugar merong matandang mag-asawa na ang tanging ikinabubuhay ay paggawa ng mga sapatos. Masaya ang mag-asawa, ngunit sa hindi inaasahan, naubusan sila ng mga parokyano na bibili sa kanilang nagawang sapatos. Halos wala silang pambili ng mga materyales upang makagawa ng dalawang pares ng sapatos.
Minsan, sa sobrang-kapos ng materyales, naisipan ng lalaki na gumawa ng pambatang pares na sapatos. Halos magdamag pinag-isipan ng lalaki kung paano gumawa ng magandang sapatos upang kumita ng malaki at makabili ng pagkain.
Umabot na sa halos hating-gabi sa kakaisip ang lalaki, hininto at iniwan na lang ang kanyang ginagawang sapatos sa mesa upang magpahinga at dahil pagod na rin. Sinabi na lang ng lalaki sa sarili na ipagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa kinabukasan.
Kinabukasan, nagulat ang lalaki sa kanyang nakita, isang napakagandang pambatang sapatos ang sumambulat sa kanya. Sinuri niya mabuti ang magarang sapatos at halos perpekto ang pagkagawa. Agad na sinabi sa kanyang asawa, subalit, halos hindi rin naniwala at ibinenta sa isang kakilalang mayaman sa kanilang lugar. Malaking hakaga ang ibinayad ng mayaman sa pagbili ng sapatos.
Sa sumunod na araw, bumili ang lalaki ng mga materyales upang gumawa uli ng ibebentang sapatos at kasama na ang asawa. Umabot sila hanggang hating-gabi sa paggawa ng sapatos ngunit walang natapos. Iniwan nila ang mga ginagawa upang ipagpatuloy na lang sa kinabukasan.
Ngunit, nang gumising ang dalawa, nakita nila ang mga pares ng napakagandang sapatos. Kanila itong ibenebenta at natutuwa sila tuwing nauubos ang mga inilalakong sapatos.
Mula noon iniiwan na lang ng mag-asawa ang mga materyales at hindi sila nabigo na makakakita mga yaring sapatos na kanila naman ibebenta. Dahil dito, yumaman at naging tanyag ang mag-asawa sa larangan ng paggawa ng sapatos. Walang sapatos ang hindi naibebenta at sumikat sila kahit mga taga-ibayong lugar ay pumupunta sa kanilang tindahan upang bumili ng sapatos.
Isang araw naisipan ng mag-asawa na alamin kung sino ang tumutulong sa kanila sa paggawa ng sapatos. Nag-iwan sila ng mga materyales, binantayan at nagtago upang di makita. Halos di makapaniwala sa kanilang nakita.
Dalawa pa lang mag-asawang duwende ang gumagawa tuwing hating-gabi ng sapatos. Masipag ang mag-asawang duwende, pino ang mga napakaputing sintas, malinis ang pagkagawa. Ngunit, naawa ang mag-asawa sapatero dahil ang damit ng mag-asawang duwende ay tila basahan at nangangayat na ang dalawa sa kagagawa.
Kinabukasan naisipan ng lalaki na pasalamatan ang mag-asawang duwende. Gumawa sila ng napakagarang mga damit na babagay sa dalawa, bumili sila ng isang napakalaking tinapay at isang bote ng gatas. Iniwan nila ito pagsapit ng hating-gabi.
Tuwang tuwa ang mag-asawang duwende sa mga regalo. Halos magtatalon sa tuwa ang lalaking duwende at habang umiiyak naman ang babae.
Simula noon hindi na nakita ng mag-asawang mga duwende, ngunit, pinalad naman sila kanilang buhay at lalong matagumpay sa kanilang hanapbuhay.
Aral: Pasalamatan ang mga taong tumutulong kahit hindi sa materyal na bagay kundi sa simpleng pasasalamat na galing sa puso upang maipakita lang ang pagkagalak dahil sa tulong na ibinigay. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Thanks
ReplyDeleteThank you very much. God bless
Deletethank you
DeleteThank you but plss add pictures
ReplyDeletety po
ReplyDeleteSa isang malayong lugar merong matandang mag-asawa na ang tanging ikinabubuhay ay paggawa ng mga sapatos. Masaya ang mag-asawa, ngunit sa hindi inaasahan, naubusan sila ng mga parokyano na bibili sa kanilang nagawang sapatos. Halos wala silang pambili ng mga materyales upang makagawa ng dalawang pares ng sapatos.
ReplyDeleteMinsan, sa sobrang-kapos ng materyales, naisipan ng lalaki na gumawa ng pambatang pares na sapatos. Halos magdamag pinag-isipan ng lalaki kung paano gumawa ng magandang sapatos upang kumita ng malaki at makabili ng pagkain.